CHAPTER 16

24K 774 38
                                    




Parang gusto ko sakalin si Maximum dahil nagpapunta pala talaga siya ng doktor! Akala ko loko-loko lang yung kanina pero hindi pala, there's a female doctor went here and checked me up. At promise! She even checked my pempem! Tinapunan ko ng masamang tingin ang demonyitong nasa harap ko. Nakakainis! Hindi niya na lang dapat ako dinala dito sa bahay niya.


"Kumain ka na Lizzeth, walang lason yan o katulad ng nilagay mo sa juice kagabi." Ani ni Maximum habang nakatingin sa dalaga na hindi pa din ginagalaw ang pagkain sa plato nito.


"Kelan ba ako uuwi? Iuwi mo na ako mamaya pagkatapos kong kumain." Sabi ko sa kanya, alam kong masarap ang pagkain na nasa harap ko at syempre kakain talaga muna ako at hindi ko muna ito papalagpasin. Sayang ang grasya, food is life!





"You still have high fever, dito ka na lang muna sa bahay, I will take care of you." Yun lang iniwan na muna Maximum ang dalaga na kanina pa reklamo ng reklamo sa kanya.



Naiwan namang tigagal si Lizzeth sa loob ng silid. Inhale, exhale! Relax lang Lizzeth kumain ka muna. Sabi pa niya sa sarili at nag-focus muna sa pagkain.




Bumalik naman si Maximum sa kuwarto pagkalipas ng halos kalahating oras bitbit ang isang paper bag. Naabutan niyang nakaupo si Lizzeth sa kanyang sofa pero nakabalot naman ito ng comforter.




"Here, nagpabili ako ng maisusuot mo." Abot ng binata sa kulay brown na paper bag.



Agad ko naman itong kinuha at tiningnan, so balak niya talagang patulugin ako dito? "Hindi mo ba talaga ako iuuwi?" Tanong ko ulit, sana makulitan na siya sa akin para makauwi na ako.



"Hindi, come on sasamahan kita sa banyo." Aya ni Maximum sa dalaga. Buti na lang at mabilis niyang nautusan ang kanyang secretary na bumili ng ilang pirasong damit para dito. Lizzeth really need to change her clothes dahil kanina niya lang napansin ng makarating sila dito sa bahay niya na wala pala itong suot na bra! And he can see her nipples from her shirts.



"Okay na ako dito, hindi naman ako maliligo maghihilamos lang ako at magpapalit ng damit." Sabi ko sa kanya ng nasa pintuan na kami ng banyo. His room is really spacious, para ngang kasing laki na ito ng bahay ko eh!



"Mayroong mga toothbrush diyan sa loob, tingnan mo na lang."



"S-sige.." at sinara ko na ang pintuan. Napasandal na lang ako pagkasarado, ang laki din ng banyo! At puro puti din ang kulay! Mayroong pabilog na bathtub, meron din hot and cold shower. At syempre ang lagi kong hinahanap kapag napapasok ako sa ibang banyo ay ang bidet! Kailangan kong bilisan kumilos, kukumbinsihin ko pa si Maximum prime na tigilan niya na ang kahibangan na ito!




"T-teka dito ka din matutulog?" Hinila ko ang comforter hanggang sa dibdib ko ng sumampa siya sa kama.
Paglabas ko galing ng banyo ay wala siya, yun pala sa ibang kuwarto siya naligo. Diyos ko po pempem wag kang pumintig-pintig diyan! Alam kong kahinaan natin ang mga lalaking naka-kulay puting t-shirts! I'm referring on Maximum, malinis talaga tingnan ang lalaki kapag nakaputi!




"This is my room so yes I will sleep here." Sagot ng binata na para bang pagod na pagod. Mag-aalas onse na ng gabi pero heto at gising pa siya.





"Seryoso ka? Dito ka talaga matutulog?" Muli kong tanong, paano ako makakatulog kung katabi ko siya? Baka gapangin niya ako? O kaya ako ang gumapang sa kanya! Aba hindi puwede yon! Nilalagnat pa nga ako eh!



"Don't worry wala akong gagawin sayo, I'm tired Lizzeth." Humihikab na sabi ni Maximum.



"Wala kang gagawin?"



"Yes, kaya matulog ka na."




"Tsk, sayang naman kung wala ka pa lang gagawin."



"Lizzeth!"




"Charot lang! Ikaw hb ka lagi!" Ang sarap inisin ni Maximum, feeling ko magkakasakit siya ng puso dahil sa akin.



"Hb? Ano na naman yon?"



"Highblood, tsk tsk magsasama ka sa akin para madami kang matutunan na bagong words!"



"Talaga naman magsasama tayo dahil magpapakasal tayo." Ani ni Maximum, seryoso talaga siya doon kaya nga nagpasya siya na dito muna itong si Lizzeth eh.




Kinurot ko nga ito sa tagiliran sa inis ko, yung kasal kasal pa din pala naiisip niya!




Maximum held her hand and pinned her in bed. Nakakadami na talaga sa kanya ito mula pa kanina, kung hindi hampas, kurot. Ganito yata problema ng mga babae eh, ilang beses niyang nakita na ganito si Amethyst sa kaibigan niyang si Rios.




"Like what you've said, gagawin ko ang gusto mo Lizzeth, liligawan kita para makasal ka sa akin. And I hope hindi mo kainin ang sinabi mo at iniisip mo na hindi ka magkakagusto sa akin." Seryosong sabi niya dito, alam niyang yon ang naiisip nito, pero doon ito nagkakamali. He can court her until she said yes about marrying him. At isa pa, hindi talaga siya papayag na hindi niya ito panagutan sa ayaw man nito at gusto. Kung para dito ay ayos lang na ibigay ang pagka-birhen sa kanya siya naman ay hindi.




He's really serious! My gaddd anong gagawin ko? Balik na lang kaya ako ng Switzerland? Tapos kapag nakalimutan niya ako tsaka na ako uuwi.
"B-bitawan mo na ako, matutulog na ko."




Maximum released her hands and lay beside her. Tsk, yon lang pala magpapatahimik sa kanya eh. "Matulog ka na, himdi mo na kailangan magising ng maaga bukas dahil pinaalam na kita kila Amethyst at Rios."



Napabangon ako mula sa pagkakahiga at tiningnan siya. "A-anong ibig mong sabihin?" Don't tell me sinabi niya kila Kuya Rios na may nangyari sa amin?



Maximum smiled, "Sabi ko magha-honeymoon tayo."






#maribelatentastories




The governor's daughter book 01 is already completed on patreon and vip group.

On going naman si Sky Amaniego at The governor's daughter book 02. Dm me on my fb page sa mga gusto mag-join. And yes, may bayad po!

M.A series #07 Maximum GallegoWhere stories live. Discover now