LAST CHAPTER

25K 709 88
                                    

Nakayuko at walang imik si Lizzeth habang nakaupo sa tapat ni Rios at ng asawa nitong si Amethyst dito sa in and out store. Inaasahan naman niya na pupuntahan siya ng kuya Rios niya pero hindi agad-agad lalo pa at may trabaho din naman ito.

"Oh anong plano mo ngayon ha? Nag-usap na ba kayo ni Maximum? Anong sabi sayo? Pananagutan ka naman niya siguro." Sunod-sunod na sabi ni Rios sa kaharap, matapos i-broadcast ng kaibigan niya kahapon na buntis si Lizzeth ay pinuntahan niya ngayon ang dalaga pagkatapos ng kanyang trabaho para personal itong tanungin kasama ang asawang si Amethyst.

"P-pananagutan naman niya daw ako kuya eh. Tsaka tuwang-tuwa pa nga ng malaman na nabuntis niya ko." Nag-aalangan ko na sagot, pakiramdam ko dissapointed si kuya Rios sa akin syempre kilala niya ko na mahinhin. Talaga ba Lizzeth? Saan banda?

"Dapat lang dahil baka matulad siya kay Montero." May inis sa boses na sabi ni Rios. "Sandali nga, may relasyon ba kayong dalawa? Bakit hindi ko alam na boyfriend mo si Gallego ha?"

Hindi ko siya boyfriend kuya, kasalanan talaga to ng juice ni doc Abby! Pati ako hindi niya pinalampas! At kung hindi ako ay mali! Kami pala nakainom ng lintek na juice na yon hindi siguro ako mabubuntis. "H-hindi kami mag-boyfriend girlfriend kuya.." mahina kong sagot.

"Aaahhh! Parang sex buddy ganon? Tama ba Lizzeth? Nag-chuchukchak chenes kayo ni Maximum pero walang kayo? Ganyan din tayo dati Rios ko diba?" Singit ni Amethyst habang kumakain ng hawak chichiria.

Nilingon naman ni Rios ang asawa, "Hindi tayo ang pinag-uusapan dito Amethyst. Yang kaibigan mo."

"Malaki na yan Rios ko, alam na niyan ang tama at mali tingnan mo nga nakagawa na sila ng bata ng kaibigan mong mandaragat." Sagot pa ni Amethyst sa asawa.

"Hayaan mo kuya pag-uusapan namin ni Maximum kung ano ang magiging set-up namin."

"Anong set-up? Diba dapat magpakasal kayong dalawa?"

"Hindi namin kuya kailangang magpakasal dahil lang sa bata, tsaka alam mo kuya Rios may sasabihin pala ako." Huminga muna ako ng malalim tsaka ko siya tiningnan, si kuya Rios pa naman yung tipo ng kuya na mahirap biruin.

"Tungkol saan? Wag mong sabihin na ilalayo mo ang bata kay Gallego? Naku pagbubuhulin ko na kayong dalawa." Ani ni Rios, bakit ba lagi na lang siya namomroblema sa mga relasyon ng kaibigan niya? Una si Ara, tapos ito naman ngayong si Lizzeth.

"Hindi yon kuya, pero kase alam mo hindi ko naman talaga dapat makikilala si Maximum kung hindi dahil sayo diba?" Totoo yon, tahimik lang naman talaga ang buhay ko bago ko makilala ang Gallego na yon. Store bahay lang ako tapos tamang sama lang ako kila Amethyst kapag niyayaya nila ako pag lumalabas sila ng mga kaibigan niya pero ng dumating si Maximum ayon na, nagkagulo-gulo na hanggang sa nag-aya pa siya ng kasal.

"So ako pa pala ang may kasalanan?" Kunot noong tanong ni Rios.

"Oo kuya ikaw talaga." Sagot ko agad.

"Ikaw din talaga Rios ko ang may kasalanan kaya nagkatuluyan sina Ara at Hugo panget kase kung hindi mo sinabi-sabi noon kay Ara na alukin niya si Hugo ng mga upuan hindi naman sila magkakakilala. Tapos pati dito kay Lizzeth ikaw din ang salarin." Sabi naman ni Amethyst.

Para naman hindi makapaniwala si Rios sa narinig mula sa dalawa. Wow! Just wow! Ako pa pala ang may kasalanan. "Wag mo kong masisi-sisi Lizzeth dahil unang-una kayo ang gumawa ng milagro kaya ka buntis ngayon."

"Pero kaibigan mo pa din yon kuya, ikaw ang nakakakilala sa kanya at hindi ako." Sabi ko pa. "Dapat kase hindi kayo nag-meet up ni Maximum prime dito sa in and out, para sana hindi ko siya nakilala."

"Kaya nga Rios ko, hindi naman sa sinisisi kita pero parang ganon na nga din." Singit na naman ni Amethyst.

Tumayo naman si Rios at tsaka iniwan ang dalawa, wala siyang laban kapag nag-theme up ang mga ito sa paninisi sa kanya basta isa lang ang sigurado wala siyang kasalanan.

Lizzeth was surprised when she saw Maximum on her house when she got home. Without her consent he duplicated her keys that's why Maximum can enter on her house anytime. Bahay mo din to Gallego?

"Anong ginagawa mo dito? Bumili ka ng bagong ref?" Lumapit ako sa kanya dahil nasa kusina siya at may inaayos na kung ano pero ang tingin ko ay nasa bagong ref na nasa likuran niya. Ito yung pangarap kong ref! Yung dalawa ang pinto!

"Yes, I bought it this afternoon. Pinag-grocery na din kita para may maluluto ka pag nagutom ka." Maximum said as he prepare their dinner, nakalagay naman ito sa container dahil pinaluto niya ito sa kanyang personal chef kanina pero nililipat niya sa plato. He's really serious when he said that he want Lizzeth to eat healthy food because she's pregnant. At kahit magpaulit-ulit pa siya na sabihin o kulitin ito ay hindi siya magsasawa.

"Mahal yan sa kuryente Maximum, tsaka ako lang naman mag-isa dito kaya ayos na sa akin yung ref ko." Kunwaring sabi ko, like duhhh! Ganda kaya nung ref na kinakatok.

"I'm planning to live here, so I can personally take care of you. Gutom ka na ba? Let's eat, I bought also milk for you, yung sabi ng doktor sa atin na dapat mong inumin."

Hala ka! Hindi kaya totoo yung sinabi ni Amethyst sa akin? Baka nga talaga nagkakagusto na sa akin si Maximum kaya ganito siya? Wahhhh!

Nilapitan ng binata si Lizzeth at hinawakan ang kamay nito ng makita itong tulala. "Hey are you okay?" May pag-aalala sa boses niya.

"B-bakit parang ang bait mo sa akin? Parang super caring ka sa akin ngayon? Dahil ba nabuntis mo ako kaya ganito ka?" Diba ganon yon sa mga pelikula? Biglang bait yung lalaki tapos may hidden agenda pala at itatakas yung baby pagka-panganak nung girl? Baka ganon si Maximum kaya ganito siya.

Maximum smiled while still holding her hands. Bakit nga ba? "I don't know too, but one thing is sure Lizzeth, I'm not only doing this because I got you pregnant. Buntis ka man o hindi sinabi ko na sayo na papakasalan kita at mas lalo lang akong nagkaroon ng dahilan gawin yon dahil totoong buntis ka na."

Oh my god, oh my god! Totoo ba to Maximum? Aminin mo! Aminin mo! "S-seryoso ka talaga sa kasal? Paano kung ayoko? Tsaka nanliligaw ka pa diba?" Gawddd kalma pempem haharutin natin si Maximum prime mamaya para pareho tayong masaya!

"I like you, and I guess I'm starting to fall to you. Hindi ko alam kung paano pero kahit madami tayong pagkakaiba at sumasakit ang ulo ko sayo kung minsan ay gusto ko na kasama kita palagi. Kaya pakasalan mo lang ako Lizzeth, habang buhay kitang liligawan.."


#maribelatentastories

M.A series #07 Maximum GallegoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin