Magkakaharap silang apat sa isang table. Katabi ni Ran ang stepbrother niya. At katabi naman ni Francis ang maputing babaeng nakasuot ng skirt na kani-kanina lamang ay kausap ng kuya niya.“F-francis… bakit ka nandito? Hindi ba dapat nasa Bataan ka?” Hindi ito nakatingin sa binata. Napakahinhin ng boses nito. Maliit ang mukha. Maganda. Slim ang katawan.
“I just came to play a little bit. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? At sino ‘tong kasama mo?” Tumingin ito sa Kuya Laurence niya. Diskumpiyado ang tono ng pananalita.
“Just a classmate,” malamig at maigsing turan ng stepbrother niya.
“Can you excuse me and my little sister just for a while?” Hawak nito ang braso niya kaya naman napatayo na rin siya nang tumayo ito.“Sandali, Kuya!” Ayaw niyang umalis doon. Hindi niya nais na iwanan si Francis kasama ang isang babae tila may malalim na relasyon sa lalaki. Who is this girl? Alam niyang wala itong girlfriend pero imposibleng hindi ito nagkaroon. At mas lalong nakaka-insecure ang kagandahan nito kompara sa mga flings ng binata.
“You and I are going to talk!” matigas na pahayag nito. Sapilitan siyang hinila palayo.
Nilingon niya si Francis. “Tsk! Fran—” Nabitin ang pagtawag niya dito. Francis? Hindi man lang ito nakatingin sa kanya. Ang buong atensiyon nito ay nasa babaeng katabi. Hinayaan niya na lang ang kuya Laurence niya sa pag-akay nito dahil sa panlulumong umusbong sa kanyang puso.
“Bakit ka nandito?” mahinahong tanong nito matapos siyang dalhin sa isang café di kalayuan. “If your answer is the same as that jerk, I’ll break your bones,” mariing bigkas na nito.
“He’s not a jerk, kuya!” protesta niya.
“At ano siya? Isang anghel? Those studs and long hair didn't’ tell so that he’s a decent guy. Huhulaan kong niyakag ka ng isang ‘yon para maglagalag dito sa Maynila. Kilala kita, Ran. Itinawag sa akin ni Paul na grounded ka. Hindi mo magagawang suwayin si Dad kung nasa alanganin ka. Nasa school ka dapat pero nakikipag-date ka sa kung sino.”
Umiling siya. “Hindi mo ba siya kilala, Kuya? Transfer siya sa school. Anak ng isang senador. Miyembro ng isang sikat na banda dito sa Pilipinas.”
Nag-angat ito ng isang kilay. “So that’s why you’re into him. Napakabata mo pa, Ranessa! Huwag na huwag kong mababalitaang nakikipag-nobyo ka.”
“Hindi ‘yon ganoon. Nagpapasalamat lang sa akin ‘yung tao. Lyricist ako ng bago nilang kanta. Gusto niya lang makabayad kaya ipinasyal niya ‘ko dito.”
Napukpok nito ang mesa. “Magkaiba ang pagtanaw ng utang na loob sa pagiging isang masamang impluwensiya! Inuuto ka ng taong ‘yon. At iyon ang nakikita ko, Ran! Sasama ka sa ‘kin pauwi. Patuluyang kaladkarin kita pabalik ng Bataan.”
“No!”
“Are you trying to defy me, my little sister?”
Kinagat niya ang ibabang labi at nagyuko ng mukha. “W-wala kang karapatang magdesisyon kung anong gusto kong gawin. Ikaw na rin ang nagsabi, hindi tayo magka-anu-ano. Hindi kita kapatid kaya huwag kang umarteng concern.” Di niya gustong sabihin ang bagay na ‘yon. Pero pinipilit siya nitong magalit.
Nagtagis ang mga bagang nito. Hinablot ang kamay niya patayo mula sa kinauupuan. “Wala kang magagawa. As of this moment, you are my sister. Sa ayaw at sa gusto mo, susundin mo ako hangga’t nakatira kayo ng Nanay mo sa pamamahay namin.”
Hindi na siya nakahuma nang muli siyang hilahin nito. “Ako na ang maghahatid pauwi kay Ran,” bungad nito sa dinatnan nilang magkausap na sina Francis at ng babaeng tinatawag nitong Wendy.
Tumayo ang lalaki. “Don’t bother. Ang sabi ni Wendy kailangan niyong bumalik sa school. Ako na ang maghahatid kay Ran.” Hinawakan nito ang kabilang braso niya.
“Francis—”
“Kapatid ko si Ran. Kaya kapag sinabi kong ako ang maghahatid sa kanya pauwi. Ako ang maghahatid sa kanya pauwi. Back off.”
“Whoa! A scary protective brother, huh? Wala namang problema, pare e. Iyon ay kung gustong sumama sayo ni Ran.”
Tumayo si Wendy. “Laurence, hindi mo naman kailangang bumalik pa ng Bataan. Hayaan mong si Francis na ang gumawa niyan. Importante sayo ang attendance sa mga lectures. Kapag namiss—”
“Will you shut up?! Huwag kang makialam!”
Namutla ang babae. Hindi nakapagsalita sa reaksiyon ng kapatid niya.
“Bastard!” Kinuwelyuhan ito ni Francis. “Ganyan mo ba itrato ang mga babae? Sinasabi ko sayo, kahit Kuya ka pa ni Ranessa. Babangasin ko ‘yang pagmumukha mo!”
“Tama na! Puwede bang huwag kayong magsimula ng gulo dito sa pampublikong lugar. Nakakahiya!” hindi na nakatiis na awat niya.
“Ako ang nagdala sayo dito, Ran. Kaya ako rin ang maghahatid sayo pauwi. Responsibilidad kita.”
“No, Francis! Uuwi ako kasama ang kapatid ko.” Sumigok siya. Tuluy-tuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. “Tara na, Kuya.”
Tinabig nito ang kamay ni Francis. “Stay out of our life punk.”
“Ran!”
Tiniis niyang hindi lumingon habang naglalakad sila ng Kuya niya. Ngunit ilang segundo pa lang ang nakalilipas ay pumihit ang ulo niya. Gusto niya itong makita. Pero hindi disappointed ang ekspresyon nito habang hinahatid siya ng tanaw. Iyon lang.
Subalit gusto niyang pagsisihan ang ginawa. Dahil mula sa distansiya nila ay kitang-kita niya kung paano nitong kinabig si Wendy payakap. Francis was patting her head na tila nag-aalo ng isang bata. Her tears wouldn’t stop. Parang may sumuntok sa dibdib niya sa sobrang bigat ng pakiramdam niyon.
“Umiiyak ka pa rin? You like that stupid guy?” sambit ng kapatid niya nang nasa loob na sila ng kotse nito.
“No!” mariing tanggi niya.
“Hindi ko gustong masaktan ka Ranessa. Bata ka pa.” He sighed. Later on, his hand was on her cheeks. Pinupunasan ang hindi maampat na luha niya.
“G-girlfriend mo ba ‘yung babae, Kuya?”
“No. I do not intend to be in a relationship until I finish my studies. Mas importante sa akin ang pamilya. At sana ganoon ka rin, Ran.”
“Isusumbong mo ba ako kay Daddy?” nag-aalalang tanong niya.
“I won’t. Kung ipapangako mong iiwasan mo ang lalaking ‘yon.”
Hindi nagawang kumibo ni Ranessa. Ibinaling niya ang paningin sa binatana at isinandal ang ulo doon patagilid. She didn’t see the sadness and longing on her brother’s expression while staring at her.
****
I'll post the next part May 21.
Thank you for reading!💜💜💜
BINABASA MO ANG
Love Links 7: You Are My Dearest Prescription [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomanceBlack Eclipse-ang bandang namamayagpag noong highschool si Ran. Di niya sukat akalaing magiging malapit sila ni Francis Van Robles-ang lead guitarist at ang pankistang miyembro ng banda. He was bored. She was a natural comedian. Natagpuan nila ang m...