Part 38

1.1K 43 9
                                    


“WHY?” Iyon ang kauna-unahang tanong na namutawi sa labi ni Francis sa kanyang ina. Kaharap niya ito sa isang restaurant. Siya ang kumontak dito. Gusto niya itong makausap at dama niya ang galak nito sa kabilang linya nang tawagan niya ito.

“Alam kong hindi isang excuse para sabihing tao lang ako at nagkakamali, Francis. I had an affair because your father was always busy as a politician. Nasakal ako no’n dahil sa reputasyong pinangangalagaan ng pamilya. Sobrang pressure ang naramdaman ko dahil hindi ako tulad ng Papa mo. Hindi ako sanay sa atensiyon. Hindi ako sanay sa lahat ng meron siya. When I met Duke, I never intended to be unfaithful with Luciano. Kaibigan ko lang siya. Shock absorber ng lahat ng mga hinaing ko sa buhay. Minsan nagkasagutan kami ng Papa mo dahil masyado na siyang nalulong sa posisyon niya. Nalasing ako no’n at nandoon si Duke para makinig sa akin. Hindi namin sinadya na may namagitan sa amin. I got pregnant at nalaman ng ama mo. He said he would forgive me as long as I got rid of the child. Doon ko na-realize na mas mahalaga sa kanya ang pinangangalagaang reputasyon kaysa sa pangangaliwa ng asawa niya. Nagalit ako dahil ni hindi man lang siya nakaramdam ng selos.” Tumungo ito. Tinuptop ang bibig. “Nagawa kong iwan kayo dahil hindi ko kayang patayin ang munting buhay sa sinapupunan ko. Nagkamali ako, oo. Pero ayokong idamay ang magiging anak ko.”

“Mama… anak mo rin ako. At kailangan ko din kayo ng mga panahong ‘yon.” Napasigok siya. Tumulo ang mga nagbabantang mga luha.

“Maniwala ka, Francis… para kong pinapatay ang sarili ko habang naririnig ko ang mga pagtawag mo. Gusto kong bumaba ng sasakyan. Gusto kitang takbuhin at yakapin.”

“Pero hindi mo ginawa,”
pagpapatuloy niya sa linya nito. “I was traumatized cause the mother I’ve been relying on suddenly gone.”

“I’m sorry! I’m sorry Francis!” She groaned and cried.

“One last question.” Sinalubong niya ang mga mata ng taong nagluwal sa kanya. “Are you happy?”

“Ha?”

“Did you live your life well? Are you healthy? Did you suffer? What kind of person is Duke? Was he able to make you smile?”

“Francis…”

“As much as I wanted to hate you, I also wanted to know if you were alright. Masaya ka ba, Mama?”

Naiiyak na tumango ito. “Duke brought me happiness I’ve never imagined. Naging masaya ako kapiling ng anak namin.”

“Then it’s fine. Pinatatawad kita.” Mariin siyang pumikit kasabay ng pagpatak ng mga luha. “Kung naging masaya kayo, wala akong dapat ikagalit. Iyon naman ang mahalaga, di ba? Dahil lahat ng nilalang dito sa mundo, nangangarap maging masaya. At wala akong karapatang ipagkait sa inyo ang kasiyahang ‘yon dahil kahit ako gusto kong maging masaya, Mama.”

Ngumiti ito habang hindi maampat ang luha. Agad na nakuha ang nais ipahiwatig ng anak. “Sino siya, Francis?”

Die-hard fan mo ako! Sobra! As in loyal talaga! He chuckled when he remembered Ranessa’s lines when they first met. “She’s a loyal die-hard fan.”

Ginagap nito ang kanyang mga kamay. “Kung ganoon huwag mo na siyang pakawalan kung napapangiti ka niya ng ganyan.”

“Yes. Ipapakilala ko siya sa inyo kaya ipakilala niyo rin ako sa kapatid ko.” Nang yakapin siya nito ay tinanggap niya na sa sarili niyang ito pa rin ang kanyang ina kahit ano pa ang magbago sa paglipas ng panahon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“ATE! Lumabas ka! Dali! May nanghaharana sayo!”

Nagulat si Ranessa ng bigla na lang siyang hilahin ni Paulina. Kasalukuyan siyang naglalagay mga labahin sa washing machine. At napanganga siya nang makita sa labas ang banda nina Francis. Tanging ang binata ang may hawak ng gitara. Tumutugtog habang nakapagkit ang mga mata sa kanya.

"Every day is full of mystery. Want to chase something that I could grasp with my hand. Am I being too shallow with these feelings?" Nangingibabaw ang boses nito. Nagmistula lang back-up sina Junta.

"I forgot to lock my heart when I’m in front of her. First encounter with a laughter. Seconds turn to minutes. I can hear the whisper in my ears."

Hindi nakapag-react si Ranessa. Subalit hindi niya maialis ang paningin sa lalaking kumakanta. 

"Will you rather hear me out if I became part of your world? This voice that calling unto you if I’m not mistaken. I’ll be someone who will listen."

"You can cry… you can lie. I’ll bear everything ‘till the day you say goodbye. Cause I know the word that hits me. Love will set us free."

"Maybe I’m taking the wrong direction. Maybe I’m not choosing the right option. But when I start to look in your eyes… I just couldn’t help myself to give in. Nothing matters…just your existence.

"Will you pour your heart into mine tonight? Will your shadows cover my pain? If there’s something true… I want to believe in our love…"

Namalayan na lang ni Ran na umiiyak na siya.

“Ranessa Ramos!” sigaw ni Francis matapos ang kanta. Tila hindi nito alintana kahit magising nito ang mga kapit-bahay nila. “Sorry kung naghintay ka sa akin! Alam kong naging tanga ko! Estupido! Duwag! At kahit ano pang maisipan mong itawag sa akin!”

“Makisingit na rin na kuripot! Wala ‘tong talent fee! Libre lang! Isa-isa kaming hinila sa hectic na schedule namin! Kaya kapag di mo siya sinagot, ikaw ang sisingilin namin Ran!” sigaw ni Junta.

Nagtawanan ang mga taong nakikiusyuso sa labas. Maging si Ranessa ay humahagikgik habang umiiyak. Tanggap niya nang mukha siyang tanga pero hindi niya mapigilan ang sarili.

“Kung papayag ka…” Unti-unting humihina ang boses ni Francis habang unti-unti itong lumalapit sa kanya. “Puwede bang hindi lang kita sa trabaho makita? Sa bahay na uuwian ko, puwede bang nandoon ka din, Ranessa?”

Natuptop niya ang bibig nang lumuhod sa harap niya si Francis.

“I’m asking you to marry me. I am sincerely asking you to be with me forever.” Inilabas nito ang kahita. At lalong napaiyak si Ran nang tumambad sa kanya ang pamilyar na bato ng sapphire. But it’s not an earring anymore. Isang singsing. An engagement ring!

“Sira-ulo ka! Kung magpo-propose ka, puwede namang ikaw na lang!” Ngumawa siya habang tinatakpan ang mukha. Hiyang-hiya siya dahil naririnig niya ang pambubuyo ng mga tao sa paligid. Buong barangay yata ang naroon sa kanila.

Kumurap ito. “A-are you saying no? Galit ka ba, Ran?”

Umiling siya. “Hindi!” Suminghot siya. “Ang sa akin lang naman, nagpasabi ka sana para nakapag-ayos man lang ako! Mukha akong losyang!” Umugong ang tawanan.

“You are still beautiful for me. Ikaw ang pinakamagandang losyang na nakita ko.” Nangingiting saad nito. “So… pumapayag ka ba?”

Buong pagmamahal na sinulyapan niya ang binata. Nasa mismong harap niya na ito. At ang kislap sa mga mata nito ay isang magandang senyales na tagumpay nitong hinarap kung ano man ang pinagdaanan nito.

Paulit-ulit siyang tumango. “Oo… oo! Oo! Pakakasalan kita, Francis Van Robles! Pakakasalan kita kahit ngayon!” sigaw niya. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga usisero’t usisera.

“Yes! I love you Ran!” makapugtong-hininga ang binigay nitong yakap. “Junta, Mozart, Cykiel, Meinard, Titus! Taralets mga ‘tol! Mamanhikan na ko!”

“Sige lang pre may date pa ako.”

“Nasa kalagitnaan ako ng shooting nang hilahin mo. Gagawin mo lang pala akong props sa panliligaw mo. Mukha mo!”

“Sa kasal mo na lang kami kontakin. Naiinggit lang kami sayo.”

Tumawa lang sila ni Francis. Then he suddenly kissed her. Alam niya… pulang-pula ang mga pisngi niya. Pero sobrang saya ng puso niya.

- The End -

Timothy Beltran + Jarren Crisostomo = never ending craziness and arguments. Isang mayabang na detective at masungit na government employee ang magsasama sa isang mission impossible. Ano kayang kalalabasan? Abangan ang LOVE LINKS 8 Opposite Attracts




Love  Links 7: You Are My Dearest Prescription [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon