Kanina pa siya nakabuntot kay Francis magmula ng lumabas ito ng ospital at pumarada sa five star hotel na ‘yon. Batang-bata at guwapong-guwapo ang itsura ng loko sa suot na itim na coat at itim na jeans at boots. Wala itong suot na salamin sa mata. Tila bumalik siya sa mga panahong miyembro pa ito ng isang rockband sa pagsipat niya dito. Napakabilis ng tibok ng kanyang puso. Subalit naroon ang pamilyar na kirot habang nakamasid siya sa magkaangklang pareha na pumasok sa loob ng lobby. Napakaganda ng kaibigan niyang si Melody. Paano kung mahulog dito si Francis? At paano kung ganoon din ang bestfriend niya?
“Nah… He already got a fiancée. At loyal si Dedee kay Andrei,” kumbinsi niya sa sarili. Subalit may agam-agam pa rin siya. “Pero nag-aalala pa rin ako. Masama ang kutob ko dito.” Tumayo siya mula sa pinagtataguang plant box. Akmang papasok siya sa loob ng hotel subalit pinigilan siya ng isang guwardiya.
“Magtse-chek-in po ba kayo, Ma’am?” Bumaba ang tingin nito sa suot niyang asul na jogging pants at gray na jansport sweater.
“A eh—”Nanlalaki ang mga matang biglang nagtago siya sa likod ng guwardiya nang lumabas si Melody hila-hila ng isang lalaki. Pero hindi ‘yon si Francis. Si Andrei ang lalaking ‘yon! Anong nangyari? Mukhang insidenteng nagkapatagpo ang dalawa sa loob. Pero kung ganoon nga, nasaan si Francis?
Nasagot ang tanong niya sa binatang kasunod na lumabas. Eksaktong napatingin agad ito sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito?” kunot ang noong tanong nito.
Tumalikod siya. Isinaklob sa ulo ang hood at pinisil ang ilong. “Hindi ako si Ranessa. Nagkakamali ka, Mister.” Ngongo ang naging dating ng boses niya.
Dinig niya ang pagpalatak nito. “Wala pa naman akong binabanggit na pangalan.” Iniharap siya nito at pilit tinanggal ang hood sa kanyang ulo.
“Hi…Dok…” nakapeace-sign na bati niya na lang dito nang ma-expose ang kanyang mukha.
“Sinusundan mo ba ako?” May bakas ng pagkukuwestiyon ang mga mata nito.
Todo ang ginawa niyang pag-iling. “N-naku hindi, Dok! Ano…kasi…ano lang… exercise! Tama! Nagdya-jogging ako!” Iginalaw niya ang mga kamay at nag-stretching sa harap nito. “Huuu! Kapagod!” Pinunasan niya kunwari ang pawis sa noo. Then she jogged. “O sige, Dok! Napadaan lang talaga ako.” Aalis na sana siya ngunit hindi siya makatakbo dahil hawak nito ang hood ng kanyang jacket.
“Ganitong oras? Gabi na nagdya-jogging ka pa?” Hinila siya nito palapit.
“Sino bang may sabing sa umaga ka lang puwedeng mag-jogging? Wala naman sa rules na inembento ang jogging para gawin sa umaga.”
Sarkastikong napangisi ito. “Di mo ako maloloko.” Tumaas ang mga kamay nito sa ulo niya. Ilang mga dahon ang nakuha nito sa buhok niya. “Saan ka sumuot? Sa amazon?”
Guilty na iniiwas niya ang tingin. “Nag-aalala lang ako kay Dedee.”
“Then don’t worry. It seems that she and that guy will be okay. Wala ka talagang pakialam sa mangyayari sa akin no? Muntik na akong gulpihin ng boyfriend ng kaibigan mo. Kasalanan mo ‘to.”
“Bakit ako? Ikaw ang pumayag na makipag-date!”
“Teka, sino bang umistorbo sa akin na tumawag at nakiusap?”
Natameme siya. Oo nga naman. “Okay, sorry. My fault. Kasalanan ko dahil gusto ko lang pagaanin ang loob ng kaibigan kong brokenhearted. At ang nahingan ko ng tulong ay isang lalaking nagpapaka-gentleman sa lahat ng babae. Hirap siguro sayo ng fiancée mo.”
“Nagseselos ka ba?”
Exagerrated na tumawa siya. Pero palyado. Dahil sintunado ang halakhak niya. Tumigil siya at napatikhim. “Ang selos ay nangyayari lamang sa pagitan ng isang lalaki at babae na may relasyon. Tayo wala no’n.”
“At least we had.”
Tumingin siya dito. Seryoso ang mukha nito. “Ang past tense ay hindi mo puwedeng gawing present tense. At ang present ang may future. Ang past wala.”
Hinagod nito ang batok at napabuntung-hininga. Pagkatapos ay dumako ang kamay nito sa kanyang pisngi. “Let’s talk properly inside. Sayang ‘yung reservation.” Hindi na siya nito hinintay pang makasagot. He pulled her hand. Sumenyas ito sa guwardiya at magalang na pinapasok sila sa lobby.
Alangang napasunod na lang dito si Ran. Sa isang magarang kainan sila humantong. Magkaharap sila sa isang table.“P-parang hindi bagay ang get-up ko dito.” Inilibot niya ang tingin sa paligid. Mga sosyal ang bihis ng ilang taong kumakain sa loob.
“Don’t mind them,” kaswal na wika nito. Tinanong siya nito kung ano ang gusto niyang kainin. Pinaubaya niya na lang dito ang pag-o-order. Ilang sandali pa ay inilapag ng waiter ang dalawang plato ng sirloin steak sa table. Mayroon ding isang bote ng champagne. Pinagsalin siya ni Francis ng alak sa kopita. Nagsimula silang kumain.
“Okay ah… ngayon lang ako nakakain dito,” komento niya.
“Why is that so? Hindi mahirap ang pamilya mo.”
“Pamilya ko lang ‘yon. Hindi ako.” Sinimsim niya ang alak. Nang iangat niya ang mukha ay nakatingin sa kanya si Francis.
Nandoon ang curiousity sa mga mata nito. “May problema ka pa rin ba sa parents mo?”
“Wala na siguro. Di ko na naman sila kasama e.”
“Anong ibig mong sabihin? Hindi ka ba umuuwi ng Bataan?”
Umiling siya. “Nang magtrabaho ako dito sa Maynila. Magda-dalawang taon na rin buhat ng di ako umuwi sa amin.”
“Bakit?”
“Pinalayas ako ng stepfather ko," balewalang saad niya. Tuluy-tuloy na ininom niya ang champagne sa kopita.
Ilang segundo itong di nakakibo. “That’s absurd! Saan ka tumutuloy ngayon? Naghihirap ka ba? Hindi halata.”
Pinandilatan niya ito. “Naghihirap ako! Financially and emotionally. Naghihirap talaga ang loob ko. Pero katuwiran ko, kung idadaan ko sa iyak, lalo lang akong magiging miserable.”
“As in your mother didn’t care about that?”
“Sa lahat ng taong kilala ko, ikaw ang makakaintindi sa bagay na ‘yan. Alam mong may mga magulang na hindi mauunawaan ng kanilang mga anak kahit ano pa ang gawin nila. I still can’t understand the reason kung bakit ako ang kailangang magsakripisyo. Though pinipilit kong intindihin ang sitwasyon. In the end, I am just a selfish child who thinks that my mother is really horrible. Parang feeling ko, hindi na ako magma-mature pa.”
“No. You are mature. If you’re thinking that you’re not then you really are. I don’t think that I can do what you did. Kung sakaling makikita ko ang Mama ko, malamang balewalain ko lang. Hindi ko kayang magalit o magtampo sa isang taong umabandona sa akin. Hindi dahil sa ina ko siya at mahal ko siya. Kundi dahil inalis ko na siya sa buhay at sistema ko magmula ng iwanan niya ko at naglaho na ang ano mang attachment ko sa kanya. Iyon ang pinakamadaling gawin para maiwasan kang masaktan. In your case Ran, you choose to get hurt rather than to throw everything away. I’d give you some credit for that.”
Gumaan ang pakiramdam niya sa mga narinig buhat dito. Siguro ay hinihintay niya lang na may taong magsabi sa kanya ng ganoon. Its exactly what she wanted to hear. At hindi niya inaasahang si Francis ang magsasabi ng mga salitang ‘yon sa kanya. Sa tingin niya ay nag-mature din ito. He became a better man.“Puwede ba akong magtanong sayo ng personal na bagay?”
Nagkibit ito ng balikat matapos magpahid ng napkin sa bibig. “You can ask anything.”
“Bakit doktor?”
“Huh?”
Tumingin siya ng diretso dito. “Bakit ka nagdoktor?”
Hindi nito sinubukang ilayo ang mga mata sa kanya. Nagtagisan sila ng tingin. Matagal. “Gusto mo ba ng honest na sagot?”
“O-of course!”
Isang maamong ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. Nagsirko ang puso ni Ranessa. “Maybe you’ll find it stupid. But I decided to take medicine cause I want to be the right guy for a certain girl.” Nagyuko ito ng ulo. Hinagod ang buhok. Still that shy grin was printed on his face. “That girl wanted a doctor or a lawyer for a husband. Kahit naghiwalay kami at isinara niya na ang lahat sa amin, naiisip ko pa rin siya. Nakakatawa. Ngunit nakakamangha. It was just an incitement out of a whim. Pero ngayon nagpapasalamat ako sa kanya. This job is the most satisfying thing for me. Pakiramdam ko dinadala niya ko sa nararapat sa mga desisyon ko. Lahat ng sinasabi at ginagawa niya ay tama. Kapag kasama ko siya masaya ko. At hindi ako nakakaramdam ni katiting na guilt sa munting kaligayahang ‘yon. But that girl felt that I was using her which was partly true, kaya hindi ko siya masisi na nagalit siya sa puntong nakipag-break siya sa akin. Hindi ko siya sinadyang masaktan. Pinaiyak ko siya. I felt like a jerk. Nang magkahiwalay kami, malaking parte ng pagkatao ko ang kinuha niya. The useless bum in the past tried to look for his own path. He knew that he couldn’t go back to be with her. At hindi niya rin alam kung may babalikan pa siya. So I did my best in my own way. Dahil alam kong malaki ang posibilidad na muli kong masisilayan ang babaeng ‘yon sa dulo ng daan. Dahil pinili kong maniwala sa babaeng ‘yon. Cause she was the kind of girl who will tried to be positive and will accomplished something in her own little way.”
Hindi makapaniwalang natakpan ni Ran ang bibig sa isinisiwalat sa kanya ng binata. “B-Bakit sinasabi mo sa akin ang mga bagay na ‘to?”
“You said that there was no future from our past.” Umiling ito. “Mali ka, Ran. Kung ano man ang nakaraan natin. ‘Yun ang humulma kung ano tayo ngayon. At hindi natin kailangang balikan ang nakaraan. Dahil dito tayo mismo nagtagpo sa kasalukuyan. Kaya paano mo masasabing wala tayong future?”
She couldn’t suppress her tears any longer. Tila dam na sumabog ang mga luha niya. “Sira-ulo ka!!! May fiancée ka na! Gago ka! Ikakasal ka sa ibang babae! Anong future-future ka diyan! Pinagloloko mo ba ako? Wala namang ganyanan!”
“Sorry. Nagsinungaling ako.”
Hilam sa mga luhang itinaas niya ang paningin dito. “H-ha?”
“Classmate ko lang si Stephanie sa Yale. Wala akong fiancée, girlfriend, o kahit na anong intimate na relasyon sa isang babae.”
Suminghot siya at pinahid ang luha. “H-hindi nga? Peksman?”
Tumawa ito. “Peksman.”
“Final answer?”
“Final answer.”
“B-bakit ka nagsinungaling?”
“Di ko inaasahang magtatagpo tayo agad. Nang una tayong magkita, nagulat ako. Hindi ko alam kung papaanong approach ang gagawin ko. Hindi ko napaghandaan. Although alam ko ang mga praktisadong linya na sasabihin ko sayo sa oras na magtagpo tayo. Para akong tangang nablanko. Naduwag akong harapin ka. So I acted like I didn’t know you. I was afraid to see that you already moved on and forgot about me. Pero hindi madali ang magpanggap na walang pakialam. I was so reckless when I spilled about my jealousy. Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinalikan kita. It’s so hard to resist cause you really looked so lovely that time.”
“Pero bakit naging masungit ka matapos mong magnakaw ng halik? Tapos pinapatulan mo ang mga babaeng nagpi-flirt sayo?” nakangusong reklamo niya.
“Sino ba ang naunang umiwas na parang may sakit akong nakakahawa? You were forcing yourself to act like a cheerful clown that it creeps me out. Naisip kong nagpapanggap kang okay dahil nagalit ka sa ginawa ko. Gusto kong suntukin ang sarili ko ng mga oras na ‘yon. I regret what I did but I didn’t really regret that I kissed you. And I tried to date girls cause you said that the one you like was that cardiologist. Napaka-masokista ko naman kung sayo lang iikot ang mundo gayung inamin mong crush mo si Dr. Pagaduan. Dispensa na lang na sa tuwing nakikita ko siya ay gusto ko siyang upakan.” Tumayo ito matapos ang isang malalim na paghinga. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang kanyang kamay. “All this time, I was trying to be a better man for you, Ran. Dahil alam kong pagsisisihan ko kung sakaling hindi ko babaguhin ang takbo ng buhay ko nang maghiwalay tayo. You created a path for me. You are the one who set my goal that’s why I’m here. Are you willing to put your trust in me for the second time around?”
Nabuwal ang kanyang upuan sa padaskol niyang pagtayo. Yumakap siya kay Francis. “Nakahanda akong maniwala sayo. Hindi ko nagawa noon. Pero ngayon kahit masaktan ako, magtitiwala ako sayo, Francis.”
Kinabig siya nito at niyakap nang mahigpit. “You are the only one for me. Pangako, magiging masaya tayo ngayon, Ranessa.”****
Guys sorry dahil ilang buwan akong walang access sa internet sa lugar na pinuntahan ko. Masyadong personal pag-usapan. But anyway, let's continue updating this story. I'll post the next part tomorrow!
BINABASA MO ANG
Love Links 7: You Are My Dearest Prescription [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomanceBlack Eclipse-ang bandang namamayagpag noong highschool si Ran. Di niya sukat akalaing magiging malapit sila ni Francis Van Robles-ang lead guitarist at ang pankistang miyembro ng banda. He was bored. She was a natural comedian. Natagpuan nila ang m...