Part 28

1.1K 52 21
                                    

“Hahaha!!!... Hahahaha!” Wagas ang naging pagtawa ni Ranessa sa kaibigan niyang si Melody. Napahawak siya sa tiyan at napahampas sa bedside table. Maluha-luha siya sa sobrang galak.

“So, ang ibig mong sabihin, sa apat na taong sinusundan mo ‘yung tao sa iba’t-ibang panig ng mundo. Dito ka sa Pilipinas nabuko? At dahil hindi ka niya nakilala. Nagalit at nadulas ang bibig mo? Pero nang na-realize niyang ikaw si Melody Javier. Tinakasan mo siya matapos mong isigaw na ikaw si Darna?” Muli na naman siyang tumawa. “Timang ka talaga!”

“Nababaliw na nga siguro ako…” wika nito habang nakadapa sa hospital bed at nakatalukbong ang ng kumot hanggang ulo.

Pinuntahan siya ng kaibigang si Melody sa ospital matapos siya nitong tawagan. Sa isang bakanteng kwarto sa ward niya ito dinala matapos niyang magpalusot sa headnurse sa ER na magbibigay lang siya ng gamot sa isang pasyente.

“Matagal ka nang baliw sa pagkakaalam ko. Nalibot mo na ang pintong kontinente dahil diyan sa kagagahan mo kay Andrei. Don’t you think it’s better to stop that stalking already?” Sa tagal ng pagkakaibigan nilang dalawa, hindi talaga makapaniwala si Ranessa na ang otaku at abnormal na si Dedee ay iibig at mababaliw sa isang lalaki. At lalong unbelievable dahil sa isang artista ito nahumaling.

Kumunot ang noo nito sa sinabi niya. “Hindi ako stalker.”

“Stalker ka.” Nagsimula ang kakagagahan nito noong sixteen years old pa lang ito. Actually ay siya ang kunsintidor na sumuporta at tumulong dito sa kung anu-ano para makibalita kung nasaang lupalop ng mundo si Andrei.

“Define stalker.”

“Stalker. It means you’re tailing somebody wherever he or she goes. A stalker means a prowler, a follower, a pursuer, a shadow, a lurker, an intruder.”

Inalis nito ang nakatalukbong na kumot sa sarili at lumuhod sa kama.

“Kailan ako naging intruder?”

“You’re intruding his privacy remember? And worse, ni hindi ka niya binigyan ng permiso at wala siyang kamuwang-muwang. Kahit nga ang pagtitig sa isang tao kino-consider na sexual harassment, iyon pa kayang sundan mo hanggang sa Timbuktu?”

Lumaylay ang ulo nito. “You’re right. Stalker nga ako.”

Ilang minuto din silang nag-uusap. Napakagaling niyang magbigay ng payo kapag sa lovelife ng iba. Pero ang lovelife niya ay nananatiling magulo dahil hindi niya ma-finalize kung ano ba ang dapat niyang gawin at kung ano ba talaga ang gusto ng puso niya. Tama si Macky. Gaga siya! As in, all capital letters!

Napatingin silang dalawa ng kaibigan sa bumukas na pintuan. Pumasok si Francis sa loob. Naroon ang pagtataka sa mukha nito nang makita sila.

“Doktor Robles!” dali-daling lumapit dito si Ranessa. “May kailangan po kayo?”

“Magpapa-assist sana ako sa isang pasyente.” Napatingin it okay Melody. “Who’s her? A new patient?”

Biglang umalis sa pagkakaupo sa kama ang bestfriend niya at binati si Francis.

“Friend ko, Dok. Melody Javier. Hindi siya pasyente. Pero may problema siya sa puso. Kinokonsulta niya ako. Cause I’m a great nurse.”

Francis raised his brow then suppressed a smile. Subalit nang bumaling ito kay Melody ay ngumiti ito. Sa tingin ni Ranessa ay hindi na natatandaan pa ng kaibigan niya na naging schoolmate nila ang lalaki. Malilimutin ito dahil ang tanging nag-e-exist lang para dito ay si Andrei at ang manga nito. Well, it’s been eight years.

“I’m Francisco Robles. It’s nice to meet you Ms. Javier.” Inabot nito ang kamay ni Melody.

“It’s nice to meet you too, Dok.”

“You can call me Francis. At puwede mo ring i-konsulta ang problema mo sa puso. I’m a great doctor afterall.”

Tumawa ang kaibigan niya. “Then Francis, tawagin mo na lang din akong Melody.”

Nang lumabas ang doktor ay inis na nakatingin siya sa nilabasan nitong pinto. “Kainis! Bakit kapag ako? Hindi puwedeng Francis lang…? Ang yabang talaga ng kurimaw na ‘yon!”

Nagpaalam siya sa kaibigan sandali at sumunod palabas. Mabait siya sa ibang babae bukod sa akin! Parang type kong turukan ng potassium chloride ang buwisit na ‘to!

~~~~~~~~~~~~~~~

ITINAAS ni Ran ang hood sa ulo niya. Maingat siyang nakayuko at nagtatago sa malalagong halaman ng plant box. Ang mga mata niya’y nakapako sa dalawang bultong papasok ng five star hotel na ‘yon sa mismong harapan niya kung saan may late dinner ang mga ito. Hindi niya talaga alam kung anong pumasok sa kukote niya para i-set-up ng date ang kaibigan niyang si Melody kay Francis. Nang puntahan siya ng bestfriend niya ay masamang-masama ang loob nito dahil kay Andrei.

Kaya naman tinawagan niya si Francis para yayaing lumabas kasama si Melody. Maaring dahilan niya lang ‘yon para muli itong makausap. At hindi niya akalaing papayag ang talipandas!

“Oh, Francis…buti naman at sinagot mo ang tawag ko…” kausap niya dito sa kabilang linya ng telepono. Palihim na pinakialaman niya ang cp nito para kunin ang number. Nang tanungin nito kung paano niya nalaman ang number nito ay sinabi niya na lang na nakuha niya sa isa sa mga doktor ng ospital.

“Oh, sorry naman! DOKTOR ROBLES!!! Nga pala… wala naman tayo sa ospital, ang arte mo ha? Hindi ko sinisigaw ang apelyido mo. Ipinagdidiinan ko lang. Bakit kita tinawagan? No, walang problema sa ospital. Itatanong ko lang kung may lakad ka bukas. Wala? Okay, good! Gusto mo bang makipag-date?” nakangiting tanong niya. “Uy… teka! Huwag mong ibaba! Hindi naman ako, kundi ‘yung friend ko. Help my friend to get over with a guy.”

“And help me to kill myself right now!” para siyang luka-loka habang umiiling.

****

I'll post the next part on July 10.

Thank you for reading!

Love  Links 7: You Are My Dearest Prescription [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon