Part 24

637 38 4
                                    


“That’s not funny at all,” iritadong wika ng kuya Laurence niya habang nagda-drive.

“Si kuya naman. Hanggang ngayon KJ ka pa rin. Binibiro ka lang ng tao.” Katabi ni Ran ang kapatid niya sa driver’s seat.

“Do you know how many cases I’ve handled involving sexual harassment and rape from the third sex?”

“Ibahin mo si Macky. Hanggang salita at pagbibiro lang ang isang ‘yon!”

Umiling-iling ito. “Di kita puwedeng ipagkatiwala sa sino man dito sa siyudad. Umuwi ka na ng Bataan. May nakausap na akong ospital. I did pass your resume already. Interview na lang at iha-hire ka na nila.”

Inis na hinarap niya ito. “Iyon ba ang dahilan ng pinunta mo dito? You didn’t change at all, kuya. Kailan mo ba titigilan ang pagkontrol mo sa buhay ko? Malaki na ako. Hello? I’m twenty-four already. Pero kung makapag-react ka, parang highcshool student pa rin ako sa paningin mo. Kaya kong alagaan ang sarili ko!”

“Masisisi mo ba ako? Ever since you left the house, you didn’t even contact us magmula nang magtrabaho ka dito sa lungsod!”

“Alam mo ba ang sinasabi mo, kuya? Hindi ako kusang umalis ng bahay. Pinaalis ako. ‘Yun ang pagkakatanda ko.”

Napabuntong-hininga ito. “Kaya nga pinapauwi na kita. A family should stay together.”

“Pero hindi ‘yon ang gusto ng ama mo. I promised to him that I will leave that house if I could able to support myself. Pagkatapos na pagkatapos kong makapasa ng board exam. Ini-empake ko na ang mga gamit ko. Pero hindi naman ‘yon ang ikinasasama ng loob ko.” Sumandal siya sa headrest at tumingin sa labas ng binatana. “Naintindihan ko pa ang ama mo dahil di kami magkadugo. Ang masakit lang, hindi umalma si Nanay. Tinanggap niya ang desisyon ng Daddy mo na umalis ako. Biruin mo, sarili kong ina. Iniwan ako sa ere.” Pagak siyang tumawa. Punung-puno ng hinanakit ang tono niya.

“Mahal ka ng Nanay mo.”

“I know. Iyan din ang dahilan niya kung bakit siya pumayag. Mahihirapan lang daw ako sa bahay na ‘yon. Ibinigay niya sa akin ng buong-buo ang trust fund ko pero ni hindi ko makuhang galawin dahil pakiramdam ko suhol ‘yon sa tinatawag niyang pagmamahal. It’s too ironic. That kind of love. Choosing not to see your child rather than seeing her hurting. Ni hindi niya kinonsidera ang feelings ko. Akala ko kapag umalis ako, mawawala na din ang bigat sa dibdib ko, kuya. But the more I think about my mother who didn’t care about my life outside that house, the more my heart hurts. Kung pababalikin mo ako sa bahay na ‘yon, mawawalang-saysay lahat ng pagtitiis ko.” Tumulo ang mga luha niya.

Kinabig nito ang manibela. Inihinto sa gilid ng daan. Hinawakan nito ang mga balikat niya. Niyakap siya nito ng mahigpit. “Mas nanaiisin ko pang hindi na lang nagkakilala ang mga magulang natin. Kaysa nasasaktan ka ng ganito.”

Umiling siya. “Huwag mong hilingin ‘yan, kuya. Hindi susulpot si Paulina sa mundo kung hindi ini-adya ng tadhana na magkakilala ang parents natin. Di ko sisisihin ang tadhana sa mga sirkumstansiya ng buhay ko. Mabubuhay ako. Magiging masaya. Kakain at ngingitian ang problema.”

Hinimas nito ang likod niya. “You are always so selfless. That’s why I want you to be happy. Pumayag na si Daddy sa relocation ng firm. Sa loob ng dalawang buwan, dito na ako magtatrabaho sa lungsod. Nakakuha na ako ng condo unit. Kung ayaw mong umuwi ng Bataan, sa akin ka na lang tumira.”

Humiwalay siya dito. Pinahid ang mga luha. “Hehe… wala ka bang balak mag-asawa, kuya? Wala ka bang girlfriend o nililigawan man lang? Sa itsura mo, malabong walang nagkakagusto sayo! Ayokong maging sagabal sayo.”

“I don’t mind being with you. Girls are annoying.”

Pinisil niya ang ilong nito. “Sungit mo pa rin. Baka tumanda kang binata niyan!” Pumalatak siya. “Si W-wendy? Nagkikita pa ba kayo?”

“Sa hearing, oo. Though she flirted on me in the past, hindi niya na itinuloy nang hindi ako kumagat.”

“Ba’t hindi mo kinagat? Ang ganda no’n!”

“Yeah… she’s pretty. Iyon lang ‘yon. And there’s something dark about her that I can’t explain. Lawyer’s instinct or man’s instinct, I don’t know. Basta, liligawan ko ang kahit na sinong babae puwera sa kanya.”

“May kaso ka bang hawak ngayon?” pag-iiba niya ng usapan.

Tumango ito. “At kakaiba talaga ang partner ko sa kaso.”

“Babae?”

“Yes. Isang abogadang hindi ko alam kung nagbibiro o ano. She literally threw a firecracker on the court just to make the criminal admit his iniquity. Her hair is short and she was always wearing jeans and jacket on the probe. Mas astig pa sa lalaki. Saan ka nakakita ng lawyer na pabalang sumagot kahit sa judge? Di ko alam kung bibilib ako o maiinis. Kung tatawa o mamangha.”

Tumawa siya. “She’s cool! Siya na lang ang ligawan mo!”

Umasim ang mukha nito. “Nagbibiro ka ba? May mga bagay sa mundo na alam mong imposible at hindi puwede. At ang babaeng ‘yon ang nangunguna sa listahan ko.” Binuhay nito ang makina ng sasakyan. Itinuloy ang pagda-drive.

~~~~~~~~~~~~~~~

INIS na pinagmamasdan ni Ranessa ang mahalay na tagpo sa ER. Mula sa pagsasaayos niya ng mga medical supplies sa cabinet ay halos makasugat ang talim ng kanyang mga mata. Dapat ay natutuwa siya sa mga oras na ‘yon. Mula sa paikot na pagdu-duty ni Francis ay naka-assign ngayon ito sa ER.

She was really happy until Lorna showed up. Mula kay Dr. Pagaduan ay nabaling ang paghanga nito sa bagong doktor. Nagpalipat ito ng morning shift mula sa graveyard shift. At mukhang alam niya na ang dahilan.

Gusto niyang isaksak sa malanding babae ang ten CC na syringe na hawak niya. Mainam siguro kung lagyan niya na rin ng laman. Pottasium chloride na direktang isaksak niya sa puso nito. Para huminto na ang mabilis na pagtibok no’n sa kahit na sinong guwapong masilayan nito. Ang lakas ng loob nitong kumapit sa braso ni Francis. Mga kaswal na paghawa-hawak at pagdikit-dikit na alam niyang puno ng malisya.

At nabubuwisit din siya sa binata. Sala sa init. Sala sa lamig. Ewan niya! Hindi siya pinapansin nito buhat pa noong isang Linggo. Araw-araw kung batiin niya ito ng good morning! Pero isang umaatikabong tango lamang ang isinasagot nito. Minsan ay nagprisinta siyang asistehan ito sa pagsasagawa ng Cerebrospinal Fluid Analysis. But he turned her down. Sa isang nurse ito nagpatulong.

Nakakainis! Hindi ko siya masakyan!!! Gaga! Paano mo siya masasakyan e hindi naman siya kotse! Pati tuloy ang mga naiisip niya ay corny na! At higit sa lahat! Ang pinagpuputok ng butse niya! Isang pangyayari na sadyang di niya mapaniwalaan. Aksidenteng natawag niya ito sa pangalan nito. Nadulas lang ang dila niya!

“Don’t just call my name inside the premises. I am Dr. Robles to you in this building.”

Naloloka siya sa kasungitan at kayabangan nito. Kung babae ito ay walang dudang PMS ang pinagdaraanan nito.

****

I'll post the next part on June 30.

Thank you for reading!💜💜💜

Love  Links 7: You Are My Dearest Prescription [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon