The Tension (Part 2)

9 0 0
                                    

Nagpaalam na sila Alethea na uuwi na sila.

"Thea, can I visit you tomorrow?" Tanong ni Frank.

"Yes sure, mag-aantay ako." Sagot naman ni Alethea at muli nang nagpaalam.

Nakatingin lang si Frank sa paalis na Alethea kasama ang kaniyang pamilya. Hindi maipinta sa mukha ang nararamdaman niyang sakit nang makita ang babaeng minahal niya na may pamilya na at masayang namumuhay.

"Thea, I guess I don't have a choice." 

Iyan ang sabi ni Frank sa kaniyang sarili.

Nang makauwi na ang mga Moriarty, nagsipasokan na sila sa kani-kanilang mga kwarto at naiwan si William, Alethea at Liam sa salas.

"Sweatheart, can you go to your room first?" Sabi ni Alethea sa anak at tumango naman ito.

Liam can sense na may pag-uusapang importante ang kaniyang magulang kaya sumunod nalang siya sa mom niya.

"Darlin-" Hindi pa natapos si Alethea na tawagin ang asawa pero nakaramdam siya ng mahigpit na yakap mula sa likod.

"Shh, let me do this for a moment." Wika ni William kaya walang nagawa si Alethea at hinayaan niyang yumakap ito sa kaniya.

"I see that the two of you are so close with each other." Sabi ni William.

Alam ni Alethea kung ano ang nasa isip ng kaniyang asawa kaya ngumiti siya at sinabi, "That was before."

"I know he likes you." 

"But I love you." Sagot naman ni Alethea at naramdaman niyang nakangiti si William sa kaniyang sinabi.

Napag-isipan nilang umakyat na sa kanilang kwarto para magpahinga.

Kinabukasan, bumisita nga si Frank sa Moriarty household.

"Please come in." Sabi ni Jack at pinapasok si Frank sa loob.

Jiale and Louis are making tea, Asteria and Albert are talking about business habang si Alethea at William naman ay nagbabasa ng newspaper as usual.

"Thea!" Sigaw ni Frank nang makita ang kababata.

Hindi niya alam na nagkimkim ng galit si Jiale sa ginawa niyang pagsigaw dahil natutulog pa ang mga bata.

"Mr. Frank, whenever you step inside this household I suggest you to refrain from any unnecessary noises especially early morning." Binalaan ni Jiale si Frank.

Sinamaan din ni Louis si Frank ng tingin at sinabi, "You're disturbing the sleep of the kids."

Natigilan naman si Frank nang magtama ang tingin nila ni William na nakangiti sa kaniya. Ngiting may halong pananakot. 

"I-i'm sorry, na excite lang akong makita si Thea.." Sabi ni Frank.

"Jiale, Louis, please check the kids if they're awake." Utos ni Albert sa kanila. Halata din sa kaniyang boses ang inis sa pagsigaw ni Frank. Inaalala lang naman nila ang mahimbing na tulog nga mga anak nila.

"Hai, nii-san." Sagot ni Louis at inalayan si Jiale na umakyat sa taas.

"Frank, napaaga ka ata." Bati ni Alethea sa kaniya. Umupo si Frank sa mismong tabi ni Alethea kahit may bakanteng upuan naman sa kabila.

"That seat is only intended for her." Sabi ni William kay Frank at napabalikwas naman ng tayo si Frank tsaka umupo sa kabilang couch.

Albert, William and Louis arranged a specific couch for their ladies dahil gusto nilang komportable umupo ang kanilang asawa lalo na nung nagbubuntis pa sila kina Lucky, Liam at Lewis.

Moriarty the Patriot (fanfiction)Where stories live. Discover now