The First Encounter Part 2.

3 0 0
                                    

Nagkita-kita ulit sila Alethea, Asteria at Jiale sa isang room kung saan sila nag usap tungkol sa kanilang nangyari nung naghiwalay sila.

"I don't find them suspicious but I think may tinatago sila. At feeling ko rin magkakilala silang tatlo." Sabi ni Jiale habang inaayos ang suit niya dahil gumulo ito nung sumasayaw siya kasama yung lalaking naka eyeglass. 

"Yung paraan ng pag approach nila satin ay nagiging suspicious. Hindi ko mahulaan ang pakay nila satin kaya mas mabuting layuan natin sila at mag focus nalang tayo sa paghahanap ng mg lord of crime." Wika naman ni Alethea. 

Tumango naman sila Asteria at Jiale tsaka na lumabas ng room. Naglakad na sila pabalik sa room nila Mr. Takeshi.

"Sherlock, John, wala pa rin kaming clue kung sino ang mga lord of crime." Sabi ni Alethea at tumingin siya kay Mr. Takeshi na tahimik lang nakaupo sa coach habang yakap pa rin ang kaniyang briefcase. 

"Maria Arc is big. Possibleng nandito sila pero ang tanong, nasaan sila? At ano ang gusto nilang gawin sayo?" Sabi ni Asteria at nilapitan si Mr. Takeshi.

"T-they w-want me..d-dead.." Nanginginig na sabi ni Mr. Takeshi at pinapawisan na rin siya.

"Mr. Takeshi, could you tell what's inside that briefcase?" Mahinahong tanong ni Sherlock sa kaniya pero umiling siya.

"N-No! Hindi n-ninyo dapat ito m-makita! P-papatayin rin nila kayo!" 

Nagulat si Alethea nang mahulaan niya ang laman ng briefcase.

"Don't tell me...they are..drugs.." Napatingin sila Sherlock kay Alethea dahil rin sa gulat.

"W-what drugs..." 

"The drugs from 3 years ago, hanggang ngayon iniimbistiga pa rin ang tungkol diyan." Paliwanag ni Alethea. 

"Paano mo nalaman ang tungkol sa drugs, Alethea?" Tanong ni Sherlock.

"I have my own ways, cousin." Sagot naman ni Alethea at ngumiti. Of course may alam siya sa mga ganitong bagay dahil isa siyang assassin. Hindi nga lang alam ng kaniyang pinsan na assassin pala si Alethea.

Lumabas muna si Alethea ulit dahil may naisip siya.

"If Mr. Takeshi has drugs in the briefcase, ibig sabihin sa kanila nanggaling ang drugs sa war 3 years ago?" Sabi ni Alethea sa kaniyang isip. Pumunta muna siya sa cr dahil tumatawag ang kalikasan pero dahil nakasuot siya ng panglalaki, wala siyang choise kundi pumasok sa men's room.

May isang lalaki na maitim na buhok at hindi masyadong matangkad sa loob pero hindi lang ito pinansin ni Alethea tsaka na siya pumasok sa isang cubicle. 

"Mr. alamin mo kung sino ang binabangga mo." Sabi nung lalaki.

Nagtaka naman si Alethea dahil walang ibang tao sa cr kundi silang dalawa lang kaya hindi niya alam kung sino ang kausap nung lalaki.

Lumabas na si Alethea sa cubicle pero nandun pa rin ang lalaki na para bang hinihintay siya.

"What do you want?" Tanong ni Alethea.

"They want you to stay out of trouble." Wika ng lalaki at lumabas na ng cr. 

"Ha..?" Litong lito na si Alethea sa pangyayari.

Naghugas nalang siya ng kamay tsaka na rin siya lumabas ng cr. 

"Teka..did he just say 'they'?" Dali-daling tumakbo si Alethea para hanapin yung lalaki.

"Shit!" Napamura nalang siya dahil hindi na niya ito mahanap at bumalik nalang sa room ni Mr. Takeshi.

Lumabas din pala si Asteria at Jiale pero tumatakbo rin sila pabalik ng room.

Moriarty the Patriot (fanfiction)Where stories live. Discover now