Cave of Zohra

60 6 1
                                    

Caprice Terra

Sinong mag-aakala na ang lokasyon ng Terra gem ay hayagang nakasaad sa loob lang ng isang journal.

It makes this whole thing a bit easier and takes us one step closer.

Paano nalang kaya kung isa sa mga chroniclers ang nakabasa nun? I mean, I know they're sworn to secrecy and they are also cursed, so punishment will be ensured if they ever try to blurt out anything they know outside the archives... but the information is not something they can take so lightly.

Buti nalang at hindi ako chronicler. Alam kong nangako ako na itatago ko ang lahat ng nalaman ko sa loob lang ng archives, ngunit ang impormasyon tungkol sa mga offsprings ay isang bagay na kailangan kong sabihin sa mga kapatid ko. 

Pusta ko may alam na si Aithne dito, o kahit idea lang. 

"Isang buwan ang itinagal ni Caprice sa loob, kaya may posibilidad na tayo rin." Kumento ni Zion habang inaayos ang mga kagamitan namin sa likod ng kabayo.

"She was not an elementalist, we are. I think the journey inside will be a slightly easier." Hindi ko hahayaang tatagal kami ng isang buwan. Tatlong buwang palugit lang ang ibinigay sa amin bago dumating ang dugong buwan na sinasabi nila.

Ni hindi nga namin alam kung magiging matagumpay ang kahihinatnan nito. Hindi kami puwedeng magtagal ng walang kasiguraduhan sa kinalabasan ng paglalakbay na 'to.

Nang maayos na ang lahat ng gamit namin, bumaling ako kay tita Zenobia.

"Aalis na po kami." She wanted to send us off and I understand why she would. Her son is coming with me on this journey where we have no idea what's to come.

"Please, be safe. The both of you." Hinalikan niya ako sa pisngi at ganun din ang ginawa niya sa damo.

"We will, ma. Basta't nandito ako." Napaikot ang mga mata ko sa pagmamayabang niya.

Natawa naman ng mahina si tita at muling bumaling sakin at yumakap, "Don't push yourself too much, okay? Rest when you need to, ask for help when you have to. You are not alone." Binulong niya ito sakin kaya kaming dalawa lang ang nakarinig.

"Thank you." Mas napahigpit ang yakap niya sa akin bago bumitaw.

"Bakit wala akong yakap?" Turo niya sa kaniyang sarili, "Ako ang anak diba?"

"Come here, you." Hinila niya na rin si Zion at niyakap ito.

I turned to king Heinrich who was smiling at his son and wife. Nang mapansin ako ay binigyan niya ako ng maliit na tango kaya sinuklian ko ito ng kapareho.

Bago namin naipahanda ang lahat para sa paglalakbay namin ay nag-usap muna kaming dalawa.

"I want to be selfish and ask to not have my son come along with you." Anito.

I had a feeling he would open this up.

Alam ko naman ang pinanggagalingan niya. Nag-aalala lang siya para sa kaniyang anak, at alam kong mababalisa rin si tita Zenobia kapag malalaman niya ito.

Nang mapagtanto namin ang lahat, ipinatawag ko si king Heinrich sa loob ng archives at sinabi ko sa kaniya ang lahat ng nabasa namin sa libro. Sa impormasyon pa lamang tungkol sa mga pagsubok sa loob ng kuweba ay alam kong natakot na siya para sa kaniyang anak.

Mystic Academy: The Prophecy of the Bond (TBU 'til further notice)Where stories live. Discover now