Conflicting Feelings

67 7 2
                                    

Caprice Terra

Agad akong napatayo nang nagising akong nakaunan sa mga hita ni Zion.

"Okay ka na?" Simpleng tanong niya. Hindi pa rin mawala ang concern sa mga mata niya tulad nang nakita ko kanina nang nawalan ako ng malay.

Tumango lang ako at hindi na nahanap ang lakas para sumagot.

Inabutan niya ako ng tubig na kasama sa mga dala namin. Tinanggap ko ito at inubos ang isang bote.

Umubo ako para mawala ang gaspang sa lalamunan ko bago nagtanong, "Gaano ako katagal nawalan ng malay?"

"Limang oras."

"Shit!" Ang taas ng oras na nasayang namin! Ni hindi nga umabot sa dulo ng kuweba ang pag-recon ko!

"It could've been worse. At least hindi ka umabot ng isang araw, dahil babalik talaga ako sa palasyo kung hindi ka pa nagising nun." Narinig ko ang pagbabanta sa tono ng boses niya at nakatitig lang ako sa seryoso niyang mga mata.

Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito. He's usually easy-going, and that's something that irritates me about him but learned to accept it anyway. It's just who he is.

Ngayon na parang nawala ang personalidad na 'yon ay hindi ko mapigilang maging guilty dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit siya ganito ngayon.

"I'm sorry." Wika ko sa maliit na boses. Nahihiya ako sa sarili ko, isang bagay na hindi ko madalas nararamdaman.

I could've jeopardized the mission. Even after all my talk about focusing on this to make sure nothing goes wrong, I was so close to being the one who does the exact opposite of that.

Nakita ko ang pag-iling niya, "Hindi mo kailangang mag-sorry sa bagay na ginawa mo dahil inisip mong makakatulong ito." Lumapit siya ng konti sa akin at hinawakan ang mga balikat ko, "Pero sa susunod ay dapat muna nating pag-usapan kung ano man ang pinaplano mo."

"Kasama mo ako dito hindi para maging buntot mo lang ako. Kasama mo ako dahil kapares mo ako sa paglalakbay na 'to. Kaya tutulungan kita sa kung ano mang plano ang nasa isip mo, basta't sabihan mo lang ako nang hindi ako mag-aalala tuwing may gagawin ka nalang bigla na ikapapahamak mo." Hindi ako bumitaw sa titigan naming dalawa. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi ito isa sa mga biro niya.

"Naintindihan mo ba ako?" Paniniguro niya kaya tumango ako.

Hindi na ulit ako magpadalos-dalos. Ito ang dahilan kung bakit palaging nasa akin ang mga mata ni Aithne tuwing may mahalagang bagay kaming gagawin, dahil napaka-impulsive ko.

Alam ko naman na dapat kong ayusin 'yon at ginagawa ko naman, pero minsan hindi ko mapigilan ang sarili kong pabigla-bigla nalang kumilos. It's like a reflex now.

But I have to force myself to be grounded. Para sa mga kapatid ko, para maibalik namin ang mga kapangyarihan namin.

"Kaya mo na bang maglakad?" Sa tanong niya ay sinubukan kong tumayo habang nakaalalay siya.

Medyo umikot pa ang paningin ko sa pagtayo pero agad rin naman 'yong nawala at binalanse ko ang sarili ko.

"I'm fine." Sabi ko sa kaniya nang nakahawak pa rin ito sa akin na parang takot itong matumba ako.

Mystic Academy: The Prophecy of the Bond (TBU 'til further notice)Where stories live. Discover now