03. Jeonghan: Midnight Snack

379 10 0
                                    

magkatabi kayong natutulog ng boyfriend mo. as usual, nahuhuling matulog si jeonghan kesa sayo. dis oras na ng gabi at hindi niya pa rin makuha ang tulog niya. nilingon ka niya sabay ngumiti. nilapitan ka niya tsaka hinila ang balikat mo para iharap ka sa kaniya. inilapat niya ang kamay niya at inangat ng kaunti ang ulo mo para gawing unan ang braso niya. you moaned softly

itinakip niya ang kumot sa bandang tiyan mo at inilabas ang kamay mula sa loob ng kumot. tinitigan niya lang ang gilid ng mukha mo. nadako ang tingin niya sa kamay mo. dahan dahan niyang inabot ang kamay mo at hinimas ito. "ang ganda mo pa rin kahit natutulog" he whispered sabay ngiti sa sinabi niya. siya pa mismo ang kinilig pagkatapos ka niyang e-compliment.

ipinatong niya ang ilong niya sa balikat mo tsaka nag iwan ng matamis na halik sa braso mo. binitawan niya ang kamay mo at mabilis ka niyang niyakap sa bewang nang hindi inaalis ang mukha sa balikat mo. "inunahan mo nanaman akong matulog e" pagtatampo niya. napansin niya rin na hindi mo suot ang bra mo dahil halata ito. bumuntong hininga siya tsaka inayos ang damit mo at tinakpan na lang ng kumot.

nakaramdam siya ng gutom while cuddling you. umangat ang ulo niya sabay tingin sa tiyan niya. "why now?" irita niyang bulong not wanting to wake you up this early. bumangon siya upang silipin ang laman ng ref ninyo pero wala ng natitirang pagkain na naiwan. napakamot na lang siya ng ulo niya sabay tingin sayo. sinara niya ang ref tsaka kumuha ng jacket at isinuot iyon. kinuha niya rin ang susi ng kotse niya at nilapitan ka para gisingin. he doesn't want to wake you up pero kailangan

"mahal?" he tapped your belly 2 times using his palm. "mahal" again he called you. you groaned while stretching your body tsaka dumapa at natulog ulit. "mahal, i'm hungry" nilapit niya ang mukha niya sa mukha mo. humiga ka ulit at hinarap siya. inayos niya ang buhok mo tsaka hinalikan ka sa noo. "wake up mahal" he's trying to wake your sleeping soul by shaking your arms gentle.

dahan dahan mong binuksan ang mga mata mo, ngumiti siya. "do you want to grab some foods?" he asked while fixing the strap of your sleeveless nightware na dress with deep V-neck. "anong oras na ba?" tanong mo sa kaniya, inaantok pa ang boses. he took his phone and looked at the time "12:56 am"
he then turned off his phone at tinignan ka ulit. bumangon ka at umupo at tinakpan ang paa mo ng kumot. lumapit siya sayo tsaka hinawi ang buhok mo para mas makita niya pa ng mabuti ang mukha mo. "ano? labas tayo?" tanong niya tsaka hinawakan ang baba mo upang iangat ang ulo mo. "baka sarado na mga store ng ganitong oras mahal" reklamo mo na ikinatawa niya. natawa siya sa sinabi mo dahil nakapikit ka pa rin habang nagsasalita. hinalikan ka niya sa labi mo, "come, it's my treat naman" tumayo siya.

inayos mo ang buhok mo bago tumayo at sinundan siya palabas ng apartment. nang makarating kayo sa parking lot, pinagbuksan ka niya ng pinto at pinauna kang pumasok. pagkaupo mo, agad mong isinandal ang ulo mo sa bintana at pinikit ang mata. pagpasok ni jeonghan sa driver seat, nawala ang ngiti niya nang makita ka niyang natutulog ulit. sinara niya ang pinto tsaka ka nilapitan. "mahal" bulong nito sa tenga mo na itinaas ng mga balahibo mo. gumalaw ka ng kaunti at humarap sa kaniya pero nakasara pa rin ang mga mata.

he tucked the less hair behind your ear
na humaharang sa mukha mo. tinapat niya ang mukha niya sa mukha mo upang tignan ka kung talagang natutulog ka. "mahal akala ko ba kakain tayo?" tanong niya at umayos ng upo "mhm" you hummed. bumaba ang balikat niya na parang nagtatampo na sayo. binaba niya ang kamay niya sa hita mo tsaka hinimas ito. doon niya lang napansin na suot-suot mo yung damit na pantulog mo at wala ka pang suot na bra.

"seriously? gabi na ito pa rin ang isusuot mo sa labas?" tinaas niya yung bandang gitna ng v-neck mo na damit. actually, wala naman siyang pakialam sa kung anong isuot mo, kahit mag shorts ka ng maikli sa public, o kaya ipakita yung pusod mo, wala siyang reklamo sa mga sinusuot mo. but this one, he will never let you wear your sexy night dress sa gabi lalong lalo na at wala ka pang suot na bra.

he removed his hoodie tsaka binigay ito sayo "wear that, wala kang suot na bra tsaka mahamog na" he strictly said. binuksan mo ang mga mata mo at kinuha ang hoodie na nasa ibabaw ng hita mo at isinuot iyon. his hoodie smells so good sinabi mo sa isip mo. ngayon mo lang din napagtanto na wala ka palang suot na bra. thankful ka dahil andyan si jeonghan. bumangon ka at hinalikan siya sa pisngi, nilingon ka niya agad ng walang expression sa mukha "thanks" nginitian mo siya. lumingon siya sa kabilang side tsaka pasikretong ngumiti. "don't sleep in my car" he said in a serious tone. he then started the engine. tumunganga ka lang hanggang sa makarating kayo sa pinakamalapit na store.

nauna kang lumabas sumunod siya. nang makita niya na may dalawang lalaki sa harap ng convenience store, agad ka niyang hinila sa bewang mo at nilapit ka sa kaniya. nagulat ka kasi he looks so serious. "you should've wear your pajama" nagtaka ka kasi bigla siyang naging protective sayo kahit alam mong minsan niya lang ito ipakita.

nakita mo yung dalawang lalaki sa harap ng store at doon nalaman kung bakit naging ganito si jeonghan. naglabas ka na lang ng ngiti. una ka niyang pinapasok sa loob at dumeretso ka agad sa kuhanan ng ice cream. he followed you habang naghahanap ng makakain.

"mhm ano yan?" tanong niya nang makita ka niyang nagtitingin ng alak. lumingon ka sa kaniya "hmm?" tumaas ang dalawa mong kilay "nagtitingin ako ng tubig" patuloy mo. hinawakan ka niya sa balikat at maingat ka niyang tinulak papunta sa kuhanan ng mga tubig "ayan ang tubig, sa alak ka nakatingin e" natawa ka "give me that" kinuha niya yung mga pagkain mula sa kamay mo at siya na ang nagbuhat para sayo.

pagkakuha niyo ng mga pagkain, pumunta na kayo sa cashier para magbayad. si jeonghan nasa right side mo, sumulyap ka sa labas para tignan ang dalawang lalaki na kanina pa nag-uusap. jeonghan saw you in his peripheral vision kaya agad niya tinakpan ang mga mata mo at niyakap ka using his left arm habang ang isang kamay ay nasa bulsa ng jogger pants niya. tumingin ang cashier sa inyong dalawa at sa dalawang lalaki na nasa labas

"that's my kuyas, they're waiting for me na isara itong store" nagsalita ang cashier, dahan dahan mong inangat ang ulo mo upang tignan ang cashier. "ahh.... kala ko kasi tambay lang sila. pasensya na po" tinignan ka ni jeonghan.

umupo kayo sa isang upuan sa loob tsaka doon kumain. "what was the reason and why did you covered my eyes kanina?" tanong mo. "i did that on purpose kasi you're mine lang" sagot niya habang binubuksan ang takip ng ice cream mo at iniabot na sayo. "sayo lang naman ako ah" sambit mo tsaka sumubo ng ice cream

"i know. ayoko lang ng may kashare sa pag-aari ko" your shoulder elevated at kumain na lang. "bukas date naman tayo" pagsisimula niyang muli, tinignan mo siya tsaka tumango.

Seventeen Taglish ImaginesWhere stories live. Discover now