05. Hoshi: Drunk

330 8 2
                                    

galing ka ng trabaho at sobrang pagod mo na. you're on your way sa tinutuluyan mong apartment kasama ang asawa mong si hoshi. itong araw na 'to ay nag away kayo sa hindi pagkakaintindihan sa isang bagay.

nakasakay ka na sa elevator at hinihintay na lang itong huminto sa ikapitong palapag kung nasan ay naroroon ang apartment mo. pagbukas ng pinto ng elevator, kumuha ng atensyon mo ang isang lalaking nakaupo sa gilid ng pintuan ng apartment mo at alam mong si hoshi iyon.

nakasandal siya sa pader, nakaunat ang mga paa niya habang ang mga kamay ay nasa pagitan ng hita niya. dahan dahan kang naglakad papunta sa apartment mo nang hindi siya tinitignan. nang makarinig siya ng yapak palapit sa kaniya, agad niyang binuksan ang mga mata niya at tumingin sa gilid.

and there he saw you, nilagpasan mo lang siya at kinuha ang susi sa bulsa ng coat mo para buksan ang pinto. tumayo si hoshi, naamoy mo siya na amoy alak. halata rin sa pagtayo niya na hindi niya na mabalance ang pagtayo niya.

pagkasuot mo ng susi, niyakap ka niya mula sa likod at hiniga ang ulo sa balikat mo habang bumubulong na hindi mo maintindihan. puro sorry lang ang naintindihan mo kaya pinihit mo ang susi at bumukas ang pinto.

inalalayan mo siya na tumayo ng tuwid at sabay kayong pumasok sa loob. pinaupo mo siya sa sofa at inilapag ang bag mo kasama ang susi sa ibabaw ng lamesa na nasa harap ng sofa para kumuha ng maligamgam na tubig para punasan ang mukha niya.

but before you could do that, hinawakan niya ang balakang mo at dahan dahan kang hinila dahilan para umupo ka sa kandungan niya at niyakap ka. you let him rest his head on your back. "where are you going?" tanong nito na ang boses ay parang kaawa awa. ang mga mata ay namumula at inaantok na.

"kukuha lang ako ng tubig" sagot mo at marahan na inalis ang kamay niya mula sa bewang mo atsaka tumayo upang kumuha ng tubig. nang makarating ka, una mong ginawa ay kumuha ka ng tubig sa ref at naglagay sa baso para painumin siya.

sinulyap mo siya and he's already staring at you na. lumapit ka sa kaniya at binigay ang tubig na iinumin niya. "sino naman nagsabi sayo na uminom ka?" tanong mo habang naglalakad papunta sa lababo para kumuha ng maligamgam na tubig na ipapahilamos mo sa kaniya.

"i drink...." huminto siya sandali para ilapag ang baso sa ibabaw ng lamesa "i drink because we fought" humarap ka sa kaniya nang nakakunot ang noo mo "ang babaw ng dahilan mo para uminom ka ng alak" naglakad ka papunta sa kaniya dala ang palanggana na may tubig at panyo.

pinatong mo ito sa ibabaw ng lamesa at piniga ang towel tsaka umupo sa tabi niya. hinawakan mo ang mga balikat niya upang iharap siya sayo at sinimulan mong punasan ang mukha niya. "di naman ako nalasing ng sobra, nakadalawang bote nga lang ako" sagot pa nito.

nakatitig lang siya sayo habang pinupunasan ang mukha niya. he pulled you closer to him para yakapin ka sa bewang mo at pinatong ang pisngi sa balikat mo. nakaharap pa rin siya sayo habang tinititigan ang labi mo akmang hahalikan ka pero nilayo mo ang mukha mo at inangat muli ang ulo niya para ituloy ang pagpupunas.

hinawakan mo ang baba niya para iangat ang ulo niya para mapunasan ang leeg niya. binigay mo sa kaniya ang basang towel "ituloy mo, kukuha ako ng damit mo" tumayo ka at pumasok sa kwarto niyo para kumuha ng damit niya. pagbalik mo nakahiga na siya sa sofa, nakakumot na rin ang basang towel sa balikat niya.

naglakad ka papunta sa kaniya at ginising siya para palitan ang damit niya. bumangon ulit siya, ang mga mata ay nakasara pa rin. hinubad mo ang suot niyang damit at agad na sinuotan ng bago para hindi siya malamigan. "inaantok na ako" aniya tsaka ka niyakap at binaon ang mukha sa leeg mo. nang maamoy niya ang halimuyak na nasa leeg mo, nag-iwan siya ng halik.

"do you want to sleep na?" tanong mo habang hinihimas ang batok niya. umangat ang ulo niya para tignan ka "sabay tayo matulog, mahal ko" sagot nito tsaka ngumiti, di mo maiwasang matawa sa mga kinikilos niya.

nginitian mo lang siya at umayos ng upo para pahigain siya. you tapped your lap telling him to lay his head on your lap and he did. pinatong mo ang kamay mo sa ibabaw ng dibdib niya at agad niya itong hinawakan. habang ang isa mo namang kamay ay nasa ulo niya, hinahaplos ang mga buhok niya.

he's just enjoying it. pinapanood mo lang siya hanggang sa makatulog siya. yumuko ka ng kaunti para halikan siya sa labi. your lips touch his. you caressed his forehead using your thumb.

"hindi naman ikaw ang napagod pero ikaw pa naunang natulog sa akin" you let out a small laugh. "ako nga dapat nakahiga e" reklamo mo at hinalikan siya ulit sa nakanguso niyang labi.

you rest your head sa sandalan ng sofa at ipinikit ang mga mata. hanggang sa natuloy ito sa pagtulog.

paggising mo na lang umaga, nasa kwarto ka na katabi ang asawa mo na nakayakap sayo at natutulog ng mahimbing. dahan dahan kang humarap sa kaniya nang hindi inaalis ang kamay niya sa bewang mo.

hinalikan mo siya sa ilong na dahilan at nagbukas ang mga mata niya na tila nagulat sa pabigla mong halik. you can't help but smile at him. nag unat siya ng katawan niya habang ikaw ay nakatingin lang sa kaniya. wala na rin ang suot niyang damit, at kitang kita mo ang pagform ng muscle mula sa braso niya.

bumalik siya sayo at niyakap ka ulit. ang mga mukha ay magkatapat halos magkadikit ang ilong ng isa't isa. inangat mo ang ulo mo at tinagilid ito para mahalikan siya sa labi. hinalikan mo pa siya ng isang beses pero nakasara pa rin ang mga mata niya.

wala pa siya sa mood para bumangon ng maaga dahil nga masakit pa ang ulo. hinayaan mo na lang siyang matulog doon at bumangon para magluto ng umagahan para sa inyong dalawa.

pagkatapos mong magluto, dinalhan mo siya ng almusal niya sa kwarto niyo at ginising siya para kumain. pinatong mo ang tray na may mga pagkain para gisingin siya. "mahal breakfast ka na" sabi mo sabay ayog sa balikat niya.

umingit lang siya at marahan niyang hinila ang kamay mo para ihiga ka sa tabi at mayakap kang muli. nang magawa niya iyon, pinatong niya ang ulo niya sa dibdib mo para hindi ka makawala.

"halika na, hindi na masarap yung almusal mo pag malamig na" sinusubukan mo siyang ibangon pero hindi kaya ng lakas mo since mas mabigat siya kesa sayo. pumatong siya sa ibabaw mo para mas lalong hindi ka makaalis sa yakap niya.

pilit mo siyang pinapaalis pero kahit anong gawin mo ay ayaw niya pa rin umalis kaya nag give up ka na lang at niyakap siya sa leeg. "kain ka na please" sinabi mo sa malambing na tono at baka sakaling lumambot ang damdamin niya at para pakawalan ka sa mahigpit niyang yakap.

pero hindi umepekto sa kaniya ang malambing mong boses. "subuan kita" umangat ang ulo niya at bumangon siya para umupo. ang kumot ay nakapatong pa rin sa balikat niya, ang mga mata ay halatang inaantok pa. umupo ka habang natatawa

"subo lang pala makakapag pabangon sayo e" kinuha mo ang plato at kumutsara ng kanin na may ulam at isinubo sa kaniya. lumapit siya sayo at niyakap kang muli sa bewang at nagnakaw ng halik sa labi mo. you gently slapped his shoulder at sinubuan siya ulit.

"bati na tayo?" tanong niya habang nginunguya ang pagkain sa bunganga niya "oo" agad mong sagot na parang galit kaya tumingala siya sayo "basta wag mo ng gagawin ulit yun ha? dinadaan mo na lang sa inom para maawa ako sayo e" pagbibiro mo. tumango siya at hinalikan ka ulit sa labi.

lah may inggit dito oh

Seventeen Taglish ImaginesWhere stories live. Discover now