06. Wonwoo: Pay attention

347 6 1
                                    

kanina pa naglalaro ang boyfriend mong si wonwoo habang ikaw nakahiga lang sa kama at nag e-scroll sa cellphone mo. kanina mo pa siya sinusulyap kung tapos na ba siya o hindi.

nang matapos siyang maglaro, pinatay niya ang computer niya at agad itong tumayo para pumunta sayo. hindi mo siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag scroll sa facebook.

humiga siya sa kama at lumapit sayo at hinawakan ang bewang mo at hinila ka palapit sa kaniya. ngayon ay nakayakap na ang kamay niya sa tiyan mo habang pinapanood ka lang na mag scroll.

maya maya konti, hinalikan ka niya sa labi pero di mo binalik at nagpatuloy lang sa ginagawa mo. hindi pa siya nagtataka ng mga sandaling iyon. "love, tapos na ako maglaro" nagsalita siya. "buti naman" sinabi mo sa isip mo. nagtaka siya dahil hindi mo siya pinapansin kaya inangat niya ang ulo niya para tignan ka ng maayos.

di mo siya tinignan at tumagilid para iwasan siya. ngayon ay nakatalikod ka na sa kaniya, ang kamay ay nasa bewang mo pa rin kaya inalis mo ito. bigla na lang pumasok sa isip niya na nagtatampo ka sa kaniya dahil kanina ka pa niya hindi binibigyan ng atensyon kaya ibabalik mo naman ngayon ito sa kaniya.

yumakap siya ulit sayo at pinatong ang ilong sa gilid ng leeg mo. "love?" marahan niyang pinisil ang tiyan mo para makuha ang atensyon mo. hindi ka umimik. "di mo ba ako kakausapin?" tanong nito tsaka nilapit ang mukha niya sa pisngi mo.

"uy" ayog niya sa balikat mo pero di ka pa rin nag rereact. tumahimik siya ng ilang segundo at dinampot ang cellphone mo mula sa kamay mo at ibinato niya ito sa likod niya. di mo pa rin siya pinansin at pumikit na lang.

"usap na tayo love" hinila niya ang balikat mo para ihiga ka atsaka pumatong sa ibabaw mo at tinitigan ka sa mata ngunit di ka nakatingin sa mata niya. hinawakan niya ang pisngi mo para iharap ang mukha mo sa mukha niya. "usap na tayo" aniya kaya tinignan mo siya sa mata ng hindi nagsasalita.

tumaas ang dalawa niyang kilay at ngumuso ng kaunti ang labi niya. inilagay niya ang mga kamay niya sa likod ng balikat mo at hinalikan ka sa ilong. "bat ayaw mo magsalita?" tanong nito na sabik marinig ang boses mo. "hindi ako aalis dito hangga't di tayo nag uusap" pagbabanta niya.

tinitigan mo lang siya sa mata niya. "matutulog na ako" sinabi mo at pinikit ang mga mata mo na ikinatawa niya ng mahina. "maya ka na matulog, usap muna tayo kung bakit hindi mo ako pinapansin" hinipan niya ang tenga mo na agad mong nireaktan. "ano ba?" pasigaw mong sinabi pero hindi pagalit "dali na, usap na tayo" pilit niyang sinasabi kaya nagsalita ka

"kanina ka pa nakaharap sa computer mo, naka ilang laro ka na tapos ako di mo man lang mabigyan ng atensyon. lagi ka na lang nandyan sa computer mo. nakakatampo na. siya na lang kaya jowain mo" reklamo mo na ikinunot ng kilay mo at ngumuso ng kaunti.

"sorry na, lagi naman tayong magkasama e"

"e yun nga, lagi tayong magkasama pero atensyon mo nasa laro pa rin" tumagilid ka para iwasan ang titig niya

umalis siya sa ibabaw mo at humiga tsaka hinila ang balikat mo para iharap ka sa kaniya

"halika na ngarod dito, wag ka na magtampo" hinila niya ang balikat mo at nang makaharap ka sa kaniya, tinakpan mo ang mukha mo at ngayon ay nasa harap mo na ang dibdib niya. niyakap ka niya.

inalis niya ang mga kamay mo mula sa mukha mo at inilagay sa leeg niya tsaka ka inangat para magpantay ang mukha niyo. "stop na. hihinto muna ako sa paglalaro para may time din ako sayo" paliwanag niya at hinawakan ang baba mo para iangat ang ulo mo.

"okay ka na?" tanong niya at tumango ka. bumaba ang tingin niya sa labi mo kaya hinalikan ka niya pero mabilis lang. its just a peck. "tulog na tayo, hm?" tumango ka at inabot niya ang lamp para patayin ang ilaw at yumakap muli sayo.

"bukas labas tayo" sinabi niya at hinalikan ka sa noo. bumaba ka ng kaunti at tinago ang mukha sa leeg niya. ang ilong at labi mo at nakadikit na sa leeg niya habang nararamdaman ang pagbaba at pagtaas ng adams apple niya. nararamdaman niya ang paghinga mo mula sa leeg niya kaya di niya maiwasan na ngumiti ng pasikreto.

Seventeen Taglish ImaginesWhere stories live. Discover now