Chapter 41: gitara

1.7K 56 2
                                    

Sam's POV

Nakatingin ako kay red habang umiiyak siya. Nakatingin siya kay kim at sa isang lalaki. Nagseselos to, panigurado.

Nagulat ako ng susugudin na niya sana yung lalaki pero napatigil siya, at natulala habang patuloy na umaagos yung luha niya. No! Stupid red.

Agad ko siyang hinila at dinala sa may kadiwa.

"Sam?" Umiiyak na tanong niya. Hinila ko siya sabay yakap.

"It's okay, hindi ko itatanong kung anong nangyari o kung anong narinig mo. Just cry, then tell me if you already can." I said tapos ngumiti ako sa kanya ng sincere. Pinunasan ko ang mga luha sa mata niya.

"Si kim. She's kissing another guy" he said. I nodded, yes i know.

"She told him that she never loved me. That she wasnt serious" he said, nagsusumbong na parang bata.

"Ganon mo ba siya kamahal? At ganyan ka magreact?" Sabi ko sa kanya.

"Yes" simpleng sagot niya.
"Mahal na mahal na mahal ko siya sam, hindi ko siya kayang mawala. Never. I would die just for her."

Ouch. Binaling ko nalang ang tingin ko sa ibang bagay para di niya mahalata ang pain sa maga ko
Napatingin ako sa gitarang dala ko kanina.

"Kakantahan nalang kita, dali!" Excited kong sabi sa kanya sabay kuha sa gitara, at sinumulang mag strum.

Heto ka na naman kumakatok sa'king pintuan
Muling naghahanap ng makakausap
At heto naman ako nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan

Tiningnan ko lang si red habang kumakanta,
sa twing magkwekwento ka kung gaano mo kamahal si kim nasasaktan ako, ng sobra sobra. Hindi ko alam kung kelan ko siya sinimulang mahalin, siguro nung makita ko kung gaano siya nageffort para kay kim. Nainggit ako, ang swerte ni kim. She's so lucky to have red.
Tinitiis ko ang lahat ng sakit sa twing nagkwekwento sa akin si red about kim.

Ewan ko bakit ba hindi ka pa nadadala
Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya
At ewan ko nga sa'yo parang balewala ang puso ko
Ano nga bang meron siya na sa akin ay 'di mo makita

Ilang beses ka na ba niyang sinaktan red? Ha ilang beses na. Nung nakita mo siyang may kasamang lalaki, na 'pinsan' lang naman daw niya.
Nung nahuli mo siyang nakikipagtext sa lalaki, na stalker lang naman daw niya? Hanggang kelan red? Hanggang kelan ka magpapakamartyr, hanggang kelan mo titiisin ang sakit kahit harap harapan na siyang nakikipaglandian sa iba!?

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sa'yo

Kung ako nalang sana, kung ako nalang ang minahal mo. Hindi kita paiiyakin, hindi kita hahayaang magisa, lagi kitang sasamahan. Pag may problema ka lagi akong nasa tabi mo.
Tangna nandito lang ako red, hinihintay ko lang na mapansin mo ako.

Sa buong kanta ay nakatingin lang ako sa mga mata niya.

Kung ako na lang sana...

Kanta ko sa last part kasabay ng paghulog ng isang patak ng luha mula sa mata ko.

"Oh bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Umiling ako.

"Naaawa kasi ako sayo" sabi ko sa kanya, maniwala ka please.

"Ahh, eh bat yan ang kinanta mo?" Tanong niya sa mapangaasar na tono.
"May gusto ka sa akin noh? Yiee" sabi niya ng pabiro. Namula naman agad ako sa sinabi niya pero agad akong bumaling sa iba.

"Shunga hindi noh! Yan lang kasi alam kong gitarahin." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya, pero ang totoo niyan marami talaga akong alam gitarahin, gusto ko lang talagang yan ang kantahin. Wala eh, relate.

"Aishteru" bulong ko habang tinitingnan niya yung mga bulaklak. Napatingin naman siya sa akin at napa 'huh'.

"Wala"
alam ko namang di niya maiintindihan yan dahil half kor yan at di siya nagaaral ng japanese. Kaya malaya akong nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko.

Hindi niya nga lang naiintindihan.

-------exoexoexo----

(A/N: aww kawawang sam. Mahal niya pala si red xD)

im inlove with my bestfriendWhere stories live. Discover now