PROLOGUE

8.3K 130 6
                                    

"Gave you all I had

And you tossed it in the trash

You tossed it in the trash, you did

To give me all your love is all I ever asked

'Cause what you don't understand is...

I'd catch a grenade for you (yeah, yeah, yeah)

Throw my hand on a blade for you (yeah, yeah, yeah)

I'd jump in front of a train for you (yeah, yeah, yeah)

You know I'd do anything for you (yeah, yeah, yeah)

Oh, I would go through all this pain

Take a bullet straight through my brain

Yes, I would die for you, baby

But you won't do the same"

Itiningala ko ang aking mukha at sinalubong ang patak ng ulan.

Napatawa ako ng mapait heto nanaman ako magpapakabasa at umiiyak ng dahil sakanya.

Bakit ba kailangan ko masaktan?

Bakit kailangan siya pa? Of all people bakit siya pa?

Siya, na alam kong walang gusto sa akin.

"Nakakainis" pailing- iling na bulong ko sa aking sarili.

Ang tanga mo! Ang tanga tanga mo!

Napatingala muli ako ng maramdaman kong wala ng pumapatak sa akin. May nagpayong pala.

Napabuntong hininga ako ng makita ko nanaman siya.

Siya nanaman, lagi naman siyang nandyan para sa akin eh.

Siya lang ang aking sandalan.

Wala sa sariling napayakap ako sakanya tsaka bumuhos ang aking mga luha.

"Ano pula, siya nanaman? Sinaktan ka nanaman ba niya? Gusto mong resbak?" Tanong niya sa akin.

Napangiti nalamang ako, tingnan mo to umiiyak na ang tao nakuha pa rin magbiro.

Ilang minuto rin kaming tahimik habang hinihimashimas niya ang aking buhok.

Maya maya ay narinig ko siyang nagbuntong hininga.

Magsesermon nanaman to. Kaya gaya ng nakaugalian humiga ako sakanyang hita habang hinihimas himas niya ang aking buhok.

Hindi ko na ata mabilang kung ilang advice na ang nabigay niya sa akin. Ngunit napakatigas ng aking ulo..

"Ang love/crush parang elevator lang yan, bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo kung may HAGDAN naman ayaw mo lang pansinin dahil nakafocus ka sa elevator. Dahil ano? Akala mo kasi 'sya' yung magpapadali sa buhay mo. Pero hindi mo napapansin na minsan sa sobrang siksikan naiipit at nasasaktan ka na. Andyan naman si HAGDAN, hinihintay na pansinin mo sya, hindi para mapagod ka kundi dahil andyan lagi sya kung sakaling hindi gumana si elevator :') "

I closed my eyes and listen to her.

Siya nalang lagi ang nasa tabi ko sa twing nasasaktan ako.

"Red, kung hindi ka mahal wag mo pilitin. Kasi wag kang masaktan kung hindi ka niya gusto isipin mo nalang yung ibang mga babae na may gusto sayo pero hindi mo sila gusto, diba? Edi fair na. Tsaka pano mo nalaman na hindi ka niya gusto kung hindi mo naman sinasabi sakanya? Walang imposible sa love red"

Dahan dahan niya akong itinayo at iniharap sa kanya.

Hinawakan niya ang mga pisngi ko at sinabi.

"Sometimes we waste too much time to think for someone who doesn't even think for us for a second but love is magical it will come unexpectedly, stay strong red things will get well soon"

Tsaka niya ako hinalikan sa noo. Ngumiti ako sa kanya.

"Thanks sam-sam, ang swerte swerte ko talaga sa bestfriend ko. Salamat po"

Ngumiti siya sa akin ngunit mababahid mong malungkot.

"Shet! Ang bakla! Dapat ako yung nag cocomfort sayo eh!" Sabi ko sakanya. Tsaka ko ginulo ang kanyang buhok.

Agad kumunot ang noo niya, alam kong ayaw niyang ginugulo ang buhok niya.

"RUN FOR YOUR LIVES!!!!" Pabiro kong sabi sabay takbo paikot sa park.

Naghabulan kami hanggang tumila ang ulan.

Humiga kami sa damuhan, tapos ginawa niyang unan ang aking mga braso.

"Salamat sa lahat, sam. Napakaswerte ko talaga sayo"

Sabi ko sakanya sabay halik sakanyang noo.

---

Unedited

im inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon