Chapter 43: if this is love darling

1.6K 42 0
                                    

Red

Nakatingin lang ako kay sam na binigyan yung bata ng pagkain. ang cute niyang makipagtawanan dun sa mga bata.

naglalakad kasi kami papuntang sm nung may manghingi sa kanya na bata na pulubi. Cute naman siya at mukhang malinis.

Tumingin sa akin si sam atsaka ngumiti.

Bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ka pwedeng mainlove sa bestfriend mo red. Hindi pwede.

"Tara na?" Sabi sabay naunang maglakad.

Third person

Hindi nila alam na may matang nakamasid na sa kanila. Hindi nila alam na may balak na itong masama.

'Bilang na ang mga maliligayang oras niyo'

Habang si red naman ay iniisip na kung paano magtatapat sa bestfriend niya.

Yes, gusto niyang subukan. Gusto niya mag take ng risk. Sasabihin niya ang nararamdaman kay sam.

Habang si sam naman ay iniisip narin kung paano aaminin kay red ang lahat dahil lilipat na sila sa canada. Kaya maghihiwalay na sila. Nais niya sanang sabihin ang nararamdaman.

Habang naglalakad sila may biglang humila kay red. Nauuna si sam kaya hindi niya napansin.

Dinala ito sa cr, nasa loob na sila ng sm.

"Kim?" Takang tanong niya ng makita ang humila sa kanya.

"Stephen, tayo nalang ulit. Please. Hindi ko kaya. Hindi ko pala kaya na wala ka. Please red mahal mo pa naman ako diba" pagmamakaawa ni kim kay red.

Naawa si red sa itsura ni kim. Gulo ang buhok, malaki ang eyebags at medyo nangayayat.

"Pasensya ka na kim. Pero sa tingin ko may mahal na akong iba eh" may panghihingi ng paumanhin sa mata ni red.
Bumagsak ang balikat ni kim sa narinig.

"Sino?" Malungkot na tanong ni kim.

"Yung bestfriend ko." Sagot ni red na nakangiti. Parang may inaalala pa.

"Wag mong sasabihin sa kanya." Pagalit na sabi ni kim.

"At bakit naman?" Inis na sabi ni red dhil pinpigilan pa siya ni kin sa nais gawin.

"Dahil sa oras na malaman ko na naging kayo at magkasama kayo. Mamatay siya. Sinasabi ko sayo
Stephen mamatay si sam. Alam mo ang kaya kong gawin, wag mo akong subukan" may pananakot sa boses ni kim. Bago siya tuluyang lumabas ng cr na nagpupunas ng luha sa mata.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay napasandal si red sa may pintuan.

"Shit.. Hindi pwedeng masaktan si sam. Lahat gagawin ko wag lang siyang masaktan kahit pa ang pagtago ng nararamdaman ko"

~Exo~

(A/N: okay minamadali ko na po ito. Dahil may book 2 na po ito which is 'Another Chance'
Actually torn po ako :) ano ba ang mas maganda 'Forgotten Memories' 'Bringing The Past Back' or 'Another Chance'?
I need your opinion guys :P)

im inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon