Chapter 44: road to the end

1.5K 43 1
                                    

Sam's POV

Nandito kami ni Red Sa favorite naming Park Hinatid kami ng Driver ko.

"red"

"Sam"

Magkasabay naming sabi. Nagkatinginan pa kami at nagngitian. This is so awkward. May plano kasi akong sabihin na ang feelings ko sakanya. Sa saturday na yung flight namin to Canada.

"Mauna ka na" sabi niya sa akin. Ngumiti ako ng malungkot sa kanya.

"Red, kasi ano uhm" hindi ako makatingin sa kanya habang sinasabi yun. Nakakainis bakit ang hirap magtapat.

"Redgustokitadatipa" mabilis at sunod sunod kong sabi sa kanya. Nakatingin naman siya sa akin habang nakataas ang kilay. Okay, hindi niya naintindihan. Napabungong hininga ako at tumitig sa kanya.

"Gusto kita. No mali pala mahal kita red" sabi ko sa kanya ng maluha luha. Nagulat siya at nanlaki ang mata pero maya maya ay tumawa rin. Gago to ah nakakahiya kaya.

"Mahal rin naman kita eh" sabi niya sa akin ng nakangiti. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Talaga?" Sabi ko sakanya ng hindi makapaniwala. Umiling na naman siya ng nakangiti.

"Oo naman. Magbestfriends tayo diba?" Sabi niya ng nakangiti. Bumagsak ang luha ko ng sinabi niya yun.

"Ha? No red. Higit pa ron. Mahal kita hindi bilang bestfriend. Hindi mo ba naiintindihan yun?" Umiiyak kong sabi sa kanya. Nakita kong nagulat siya. Please say you love me too. Please red. Please.

"Pero sam alam mo namang si kim ang mahal ko diba?" Sabi niya sa akin. Oh may ghad, may isasakit pa ba to?

"Pano naman ako? Umasa ako eh. Umasa ako na may tsansa tayo. Hindi ka parin ba nakakamove on? An tagal na nun eh? Ako lagi ang kasama mo. Ako lagi ang nagpapatahan sayo pag umiiyak ka. Nakakainis ka naman red eh. Dapat ako nalang. Ako nalang please" sabi ko sa kanya. Hindi na matigil ang pagiyak ko. Ayoko na. Ayoko na talaga. Nakita kong gusto niya akong lapitan pero lumayo ako sa kanya.

"Pasensya ka na pero hindi mo kayang palitan si kim sa puso ko" sabi niya sa akin ng matigas. Napaigtad naman ako sa kalamigan ng boses niya. Aray ang sakit, Parang sinabi niya narin sa akin na 'hindi kita kayang mahalin'. Pinunasan ko ang luha ko tsaka ko siya tiningnan. Simula ngayon ipapakita ko sa kanya na hindj ako apektado. Na hindi ako lagi ang hahabol. Ayoko na, pagod na pagod na akong mahina mahina.

"Okay. Nga pala sa saturday na ang alis namin papuntang canada. Sana magkaayos kayo ni kim" nakangiti ako sa kanya nang sinabi ko yan. Nakita kong nanlaki ang mata niya pero hindi siya umalis sa pagkakaupo niya. Tumalikod na ako at sumakay sa kotse.

Pero ang tanga ko. Ako nga pala ang nagdala sa kanya dito kaya natural kailangan niyang sumakay uli sa sasakyan ko.

Bumaba ako at nakangiting lumapit sa kanya. Sana totoo tong ngiti ko ngayon, kaso hindi.

"Uwi na tayo" sabi ko sakanya. Tumango naman siya at dahan dahang tumayo.

This is so awkward.

~~~~~~~

(a/n: merghed epilogue na sunod rakkkk \m/)

im inlove with my bestfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang