Chapter 42: compromising

1.6K 50 4
                                    

Red's POV

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa bench at inalok ang kamay ko kay sam.

"Oh para san yan?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"Kainin mo" sarcastic na sabi ko sa kanya.

"OUCH!" Napasigaw ako sa gulat ng kinagat niya ang daliri ko.

Aba't tinotoo nga!
Tiningnan ko siya ng masama sabay smirk. Yumuko ako hanggang sa magkapantay na yung mukha namin.

"H-hoy a-anong gi-ginagawa m-mo?" Utal na tanong niya. Natawa naman ako sabay gulo ng buhok niya.

"RED STEPHEN THOMPSON!" Sigaw niya which is warning sa akin kaya nagtatakbo na agad ako.
Nandun naman siya sa likod at hinahabol ako.

"HAHAHAHA LABYU BESTFRIEND!" Sigaw ko

"Pffft haha" tawa ko nung maalala ko yun. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si mommy.

"Okay ka lang? Bigla ka nalang tumatawa diyan" sabi niya, napatingin naman ako sa kanya.
Teary eyed.

"Kinausap mo ako?" Sabi ko sa kanya, pinipigilan ko yung luha ko.

"Oo naman, anak kita eh" sabi niya habang pinipigilan na hindi tumawa.

"Pero akala ko hindi mo ako mahal? Akala ko galit ka sa akin" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Anak sorry ha. Kung ganun ang naging trato namin sayo. Natakot lang kami na magaya ka sa kuya mo. Ayaw naming mawalan pa ng isang anak kaya naging strict sayo. Pero kahit anong mangyari mahal na mahal ka namin ng daddy mo, kahit ganon ang pinapakita namin sayo, mahal na mahal ka namin" sabi niya habang pumapatak ang luha. Napaiyak narin ako dahil sa sinabi niya.

Yinakap ko siya. Miss na miss ko na siya.

"Namiss kita anak, kelan ba kuta huling nayakap? Nung 9 years old ka? Pasensya na anak ha. Sobrang laki ng pagkukulang namin sa iyo ng daddy mo" sabi niya habang yakap ako.

Sabihin ng bakla pero ibang usapan na kapag nanay mo na. Wala mahal ko eh, talagang maiiyak ako.

Bumukas ang pinto at niluwa nun si dad.

"Anong drama to?" Sabi niya ng pabiro pero may pumatak din na luha sa mata niya.

Sumali siya sa yakap.

Well, i might say na ang araw na ito ay hindi maganda pero hindi rin naman ganun ka sama.

May nangyari parin namang maganda.

~~~exoexoexo~~~~~
(A/N: hiii ayan na ung UD hahaha okay na yan -3- meron na kasi kaming test bukas -3-)

im inlove with my bestfriendWhere stories live. Discover now