DAY 1

27 7 4
                                    

Day 1



Hi,

How are you? You doing okay? Ako? Hindi mo man lang ba ako tatanongin kung okay lang ba ako? Hahahaha malabo pala, pasensya na. You know what, I'm still stuck dito. Hindi ko alam kung paano ako makakamove on, or makaka move on pa kaya ako? Bakit kasi hindi nalang ikaw? Bakit pa kasi tayo naghiwalay? Mahal ko, alam mo ba noon ko pa hinihiling sa Kanya na sana ikaw nalang, sana ikaw na, sana ikaw na talaga. Pero parang binigyan talaga ako ng sagot mula sa Kanya na baka hindi talaga ikaw. Eh sa gusto ko ikaw na talaga eh, bakit kasi ganon?
:((

Alam mo ba, araw-araw nalang akong umiiyak. Dumating na nga ako sa point na wala na akong mailabas na mga luha. Sobrang namamaga na rin ang mga mata ko kakaiyak buong araw. Nahihirapan akong kumain, kumilos, gusto ko nalang nakahiga ako buong araw. Wala akong gana sa lahat mahal ko. Gusto ko na ring mag drop out sa school na pinapasukan ko kasi hindi na ako maka focus. Mahal naman, sabi mo walang iwanan pero kinain mo rin 'yung mga salita mo. Bakit naman kasi ganon? Hindi mo na ba talaga ako mahal? Wala na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?
:((

Your ex,
Mika

The Unsent LettersWhere stories live. Discover now