DAY 7

12 5 0
                                    

Day 7

Hi,

Nasa coffeeshop ako ngayon, nag s-study kasi naman mhieeeee may pa oral recitation 'yung titser namin bukas baka nganga ako 'di betlog score ko, yaw ko nun no! AHAHAHAHAHAH kamusta? Kamusta ka? Kamusta pakiramdam mo? Alam mo ba, kagabi pa ako nag-aalala sa 'yo kasi umulan kagabi diba tas ang lalakas pa ng mga kulog tas may kasama pang kidlat. Alam kong takot ka sa gano'n kaya nga niyayakap kita noon eh para naman maramdaman mong hindi ka nag-iisa, na kasama mo 'ko. Kagabi mahal, okay ka lang ba? I'm sorry kung wala ako ngayon sa tabi mo para akapin ka, para halikan ka, para ipaalala sa 'yo na nandito lang ako palagi, na hindi kita iiwan :< kinain ko lang din 'yung mga salita ko, I'm really sorry mahal.

Hindi ako maka focus dito kasi naman mhie napapalibutan ako ng mga mag-jowa rito sa coffeeshop huhu tas nakaupo pa ako sa table kung sa'n tayo madalas umupo noon, paano ako makaka move on nito mahal? :(( Kahit sa'n man ako magpunta, ikaw palagi ang naaalala ko. Napakadami nating memories kaya sobrang hirap i-let go. Sobrang hirap kalimutan.

-Mika

The Unsent LettersWhere stories live. Discover now