DAY 6

16 6 0
                                    

Day 6





Hi,

Hindi ako makatulog ngayon, kahit anong gawin ko; mag iba ng pwesto, pagpikit ng mata, magbilang from 1-100--- mhieeee lahat ginawa ko na para lang makatulog ako pero wa epek 'no ba 'yan! Ikaw kasi e! Salanan mo rin to hmp! Palagi nalang ikaw ang laman ng utak ko! Lumayas ka nga chos, waaaaag dito ka lang haaaaa :< kahit nasa isip nalang kita 'wag ka munang umalis please.

Alam mo ba, biglang pumasok sa isip ko 'to kanina (yes, kahit alam kong wala ako no'n chos) pa'no ka nakakatulog araw-araw knowing wala na tayo? Na wala na si Mika sa buhay mo? Na we parted ways?

Naaalala ko pa dati, hindi ka pumapayag na matutulog tayo noon na hindi tayo okay, gusto mong matutulog tayo ng mapayapa, na okay tayong dalawa, masaya, nagmamahalan pa rin. Ngayon mahal ko, pa'no mo nakayanan ito? Kasi ako mahal, hindi ko na kaya. I want you back. I want you. If He will give me a chance to choose kung anong pipiliin ko, I'll still choose you. Palagi kitang pipiliin mahal ko.

It's day six now and I still love you, walang nagbago, ikaw pa rin.

-Mika

The Unsent LettersWhere stories live. Discover now