DAY 4

17 7 0
                                    

Day 4






Hi,

Alam mo ba, kanina habang tintiklop ko 'yung mga damit ko biglang pumasok si mudrakels sa kwarto ko, sabi pa niya "bakit hindi na pumupunta rito si Larry? Nasa'n siya?" Eh of course bhie nashok talaga si me kase naman alam naman naten na deins sila boto sa 'yo, tas napasabe ako ng "bakit niyo po siya hinahanap mama?" Tas ang sabi naman ni mama sa 'kin "wala lang, nakakapanibago lang. Akala ko kasi tutuparin niya 'yung mga pangako niya 'yun pala wala" sabi niya at lumabas na ng kwarto ko. Bigla kong napagtanto na "uu nga pala, nangako pala siya sa parents ko na hindi niya ako sasaktan, na hindi niya ako iiwan hanggang sa grumaduate na kami".

Mahal? I'm sorry :< dahil sa impulsive decision ko na maghiwalay nalang tayo, nasira pa tuloy ang imahe mo sa mga magulang ko. I'm really sorry babe, I'm really sorry :((

-Mika

The Unsent LettersWhere stories live. Discover now