Chapter Fourteen

6 3 0
                                    

205

Third person

"You look handsome too."

Ariadne's smile made Hector's heart skipped a beat. He can't help but to stare at her for a while.

"Guys! Please follow, we must learn how to be on time! Huwag na kayong tumunganga o dumaldal diyan, sakay na!"

Dahil sa sigaw ni Loid ay tila nabalik sa wisyo si Hector at umaktong natawa. "Really?" Napahawak pa siya sa kaniyang batok na animo'y tila nahiya.

"Ahaha! Let's go, naghihintay na sila." Ani naman ni Ariadne, napansin naman din ni Hector ang tila nakakalokong ngiti ni Julia sa kaniya. Kinabahan tuloy ng bahagya ang binata.

Tuluyan na ring umalis ang kanilang bus nang ma-check ni Loid kung nakasakay na ang lahat. Everyone seems happy and excited. Magkatabi si Julia at Ariadne, sa kabilang gilid naman nila ay si Loid at Hector.

Sa bawat oras na lumipas na sila'y bumabyahe, may ilan nang nakatulog, ang iba ay nagdadaldalan pa rin, si Loid ay alerto naman din sa kanilang pinupuntahan, gayo'ng nasa tabi rin siya ng bintana.

Si Julia naman ay masayang kinakain ang kaniyang baong chips. Habang si Ariadne naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana.

Hector can't help but to stare at her. He's starting to think how beautiful the girl is, and how amazing she is. In his eyes it seems like Ariadne became more beautiful, like everything on her is shining. He can't turn his gaze away, that's such a beautiful view.

"Ariadne!" Bigla tawag naman ni Loid na ikinagulat ni Hector! Nilingon tuloy sila ng dalaga na lalong nagpakaba sa kaniya.

"Natutunaw ka na ba?" Natatawang tanong pa nito, kinakabahan namang napatitig si Hector sa kaniyang katabi. Ipinagtaka naman ni Ariadne ang kaniyang tanong at nilingon pa ang labas ng bintana at saka naguguluhang umiling-iling.

"Hindi naman? Hindi naman masyadong mainit." Aniya, sa pagiisip na baka ang sikat ng araw sa kaniya ang tanong ni Loid.

"Ah gano'n ba? Ahahaha!"

Agad namang binatukan ni Hector si Loid at hinarap ito. "Anong ginagawa mo gagi!?" Mariin pa nitong bulong sa katabi.

"Haha! Iyong titig mo kasi, nag-alala lang ako baka kasi natutunaw na siya, ahaha!"

"Anong-- sira!"

"Aba? Blushing 'yan?"

"Tsk! Ewan ko! Tumahimik ka na nga!"

Hector's face turns red, a reason for him to immediately cover his face in embarrassment. Even though Ariadne didn't understand them, she just smiled while looking straight at him.

Habang may nakakalokong ngiti naman si Julia sa kanila.

****

"Hoi, follow me! Apat na tao kada rooms ah, hawak niyo na 'yong room number niyo, kung gusto niyong may kasama, pwede makipagpalit ng number, bahala kayo as long as organized pa rin tayong lahat." Ani ni Loid sa lahat habang may hawak pang silver flag.

Nasa resort na silang lahat ngayon, nasipasok na rin ang iba diretso sa kanilang mga designated rooms.

Tiningnan naman ni Ariadne ang kaniyang hawak na maliit na papel.

Room 205

"Room number mo?" Agad naman tanong ni Julia at sumilip sa hawak na papel ni Ariadne. Agad bumakas ang tuwa sa kaniyang mukha matapos makita ang room number ng dalaga. "Yes! Roommates!" Excited nitong ani at winagayway ang hawak niya ring papel. Maging si Ariadne ay natuwa na rin sa nalaman. "Ooh! Buti nalang!" Na-excite na ring ani ng dalaga at saka natawa sa isa't-isa.

Lasta Sanco (A Collaborative Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon