Chapter Twenty Four

3 2 0
                                    

Green light dust

"Ughck!" Hindi na napigilan pa ni Hector na maupo at mapahiga. Muli siyang sikmurahan ng lalaki na muling nagpaungol sa kaniya sa sakit! Madilim ang paligid at talaga nasa liblib silang lugar.

Muli pa siyang tinapakan sinipa ng lalaki sa mukha nang napakalakas dahilan upang lalong magdugo ang kaniyang mukha! Hinihingal na rin ang dalawang lalaki sa kanina pa nilang pangbubugbog.

Hindi pa rin maunawaan ni Hector kung sino ba ang mga ito at kung bakit nila ito ginagawa. Isang malakas na pagsipa pa sa kaniyang sikmura ang ginawa ng isa sa kanila na nagpasigaw na sa kaniya sa sakit na pilit niya ring tinitiis. "Pasensiya na 'tol.. trabaho lang." Agad kinuha ng lalaki ang kaniyang baril sa bulsa na meron ding silencer at agad pinaputukan ang binti ni Hector! "Aaaarh!"

Todo na rin ang paghahabol ng hininga ng binata at pilit na pagtitiis sa sakit na nraramdaman. Napatingin nalang siya sa isang gilid kung saan tulog pa rin si Ariadne ngunit nakatali ng tela ang mga kamay at paa nito pati na rin ang kaniyang bibig. Bahagya na lamang siyang napangiti nang makita ang maayos pa rin nitong kalagayaan.

"Oh, pakinggan mo ang boses ng nag-utos sa'min, pinapasabi niya sa'yo." Ani naman ng isa sa kanila at nilabas naman nito ang kaniyang phone at pinakita kay Hector. Napalunok pa sa matinding hirap ang binata. Saka pinarinig ng lalaki ang isang voice record.

"If I can't have you again, then no one can."

"N-Natha..lie?"

Isang malakas na sipa sa mukha at sikmura muli ang kanilang ginawa sa binata, mas pinatindi pa ng tapakan nila ng madiin ang parte kung saan nila binaril ang binata! Isang malakas na hiyaw muli ang pinakawalan ni Hector kahit pilit niya pa rin itong tinitiis.

"Tapusin mo na, hindi tayo pwedeng magtagal dito, baka may makapansin pa sa'tin." Paalala naman ng isa sa kanila. Muli naman nilang tinutukan ng baril ang katawan ni Hector. Habang ang isa sa mga lalaki ay nakuha pa siyang kunan ng litrato sa phone nito.

From that moment, alam na niya sa sarili na katapusan na niya. Isang sulyap pa ang kaniyang ginawa sa dalaga at kahit pa punong-puno na ng dugo ang mukha nito ay kita pa rin ang pagtulo ng kaniyang luha.

'I'm sorry.. I'll miss you.'

Mula sa pagkakataon na tumulo ang kaniyang luha at tuluyan nang pumikit sa hirap, ay ang dalawang beses ng pagputok din ng baril sa kaniya. Isang tama sa dibdib at leeg. Agad ding nagsikilos ang dalawang lalaki at mabilis na nilisan ang lugar na iyon.

Hindi pa siyang tuluyang tinapos, talagang iniwan siya doong nahihirapan. Kinakapos na rin ng hininga ang binata at sumusuka na rin ito ng dugo. Hindi na rin niya maidilat pa ang mga mata at damang-dama na rin niya ang naglalahong diwa ng kaniyang isip. His heart is slowly dying.

He was about to sleep in death..

In death..

When suddenly, a warm hands, a warm body is hugging him and stroking his chest. He felt his heart beating again and his feeling is so warm as if he just came back to life. He slowly opened his eyes, just to see Ariadne, crying like a baby. His eyes sparkled in surprise when he saw a thousand green light dusts, they're forming lines, surrounding them, coming from Ariadne's hands, and her hand has the brightest light.

"Hector!" She called in despair, she can't even see clearly anymore because of her tears that keeps falling down on her cheeks. Blurring her vision and making her chest feel heavy. His wounds, his pain, suddenly disappeared. "Ariadne?"

"Hector... I'm sorry I'm sorry!"

Agad bumangon si Hector sa pagkakahiga at agad-agad niyakap ang dalaga ng mahigpit! Kinulong ang kaniyang mukha sa leeg ng dalaga na patuloy sa paghagulgol at mas niyakap pa siya. Dahan-dahan din silang naghiwalay at mas pinagmasdan ang umiiyak pa ring mukha ng dalaga. Hinawakan niya ang pisngi nito at dinama ang tumutulo nitong luha, hindi na rin niya naiwasang maluha habang pinagmamasdan ang dalaga.

Dahan-dahan niyang nilapit ang kaniyang labi sa labi nito. Hector kisses her gently and passionately. When he slowly seperated his lips, he kissed her forehead.

"I'm sorry.. Did I worry you?" Nakangiti na lamang na tanong ni Hector kahit umiiyak na rin siya. "Thank you, Ariadne... I love you and I'm sorry." He kissed her again and her forehead. Ariadne immediately hugs him tightly while still can't stop crying so badly.

At Ariadne's side is a broken piece of glass and rip fabrics.

Ilang minuto pa silang nanatili sa lugar na 'yon. Still hugging each other, hanggang matanggap na nila sa kanilang sistema ang nangyari and decided to leave the place after.

****

A sound of a door opening woke up Aravel. Dahil do'n ay napagdesisyunan niyang lumabas nang kuwarto at bumaba. Medyo nabigla at nagtaka pa siya nang makita si Hector na puro dugo ang damit at may bakas pa sa pisngi, habang patuloy na inaalalayan ni Ariadne. "Aravel, pwede bang pahingi kami ng tubig?"

"Eh?" Ilang segundo pa siyang napatitig sa dalawa na sabay naupo sa sofa, napasandal at napabuntong hininga. They look so haggard too. Mas tiningnan niya pa si Hector na napansin naman siya.

"Ang pangit mo, Kuya."

"Eheheh! Oo nga, nawala angas ko do'n e."

"Anyare? Madugo yata 'yong date niyo?"

"Yeah.. Like.. what the heck just happened?"

****

"Nathalie?"

"Yeah, it was her.. siya nagpautos do'n sa dalawa na bubugbugin ako just because I don't wanna' get back to her." Napapakamot nalang ng ulo sa pagkadismaya si Hector, makatapat silang nakaupo ni Ariadne sa dining table, they're drinking coffee at 11 pm. "I can't believe she could do that to me, she's not really a nice person.. man, how couldn't I see that before? Ngayon ko lang din na-realize 'yong struggles ko as her boyfriend before."

"Nasa lahi niyo yata talaga pagiging bulag ng 'di literal." Biglang sabat ni Aravel, napaanga naman napalingon si Ariadne sa kapatid at pinalakihan siya ng mga mata. Agad namang nangiti ng nakakaloloko si Aravel at mabilis na umakyat at pumasok sa kuwarto nito.

"Sorry, he didn't mean that." Ani pa ni Ariadne kahit halatang natawa din siya. Napasimangot pa si Hector sa nobya nang mapansin ito. "You're laughing."

"No I'm not." Depensa naman ng dalaga sabay inom ng kape niya. Pinanliitan naman siya ng mga mata ni Hector at animo'y nais nitong magtampo nang agad itong matigilan ng may ma-realize.

Agad siyang lumipat ng upuan, sa tabi ng dalaga. Agad niyang hinawakan ang pisngi nito na ipinagtaka naman niya. "Bakit?"

"Di'ba nagkakaroon ka ng symptoms everytime you heal? Okay ka lang ba?" Hector immediately felt worried, napaisip naman agad si Ariadne sa sarili.

Napatingin siya sa kaniyang kamay na nakahawak sa handle ng kaniyang cup. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa bigla nang makita ang napakaliit na tila butil ng green light dust na tila lumabas lang mula sa kaniyang balat, nalaglag mula ro'n at saka biglang naglaho. From the moment, he immediately felt something unusual in her chest. "Ariadne?"

"Ah.. Sorry.. Okay lang naman ako.. Though this is kind of new and unusual para sa'kin."

"Are you sure? Do you really feel just fine?"

"Yeah.. Huwag ka mag-alala, I think not having those symptoms is great."

"I'm sorry but, medyo kinakabahan ako for you.. let me sleep here tonight.. I want to keep an eye you."

"Sure, I would like you stay anyway."

*****
A/N: imagine it as a green pixie dust in tinkerbell HAHAHAHA

Thank u for supporting!

Lasta Sanco (A Collaborative Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon