Chapter Fifteen

7 3 0
                                    

Pink heart stone

"Ka-ka-room natin si Hector?"

"Oo! Kalalabas niya lang e, hanapin niya daw si Loid, muntik na nga siya pumasok sa CR natin kanina e, hahaha!"

Dahil tuloy sa sinabi ni Julia ay muling naalala ni Ariadne ang biglang pagsara ng pinto bago pa niya ito lingunin. 'Was that him? No way, I don't think he saw me.'

It's already lunch time, kaya naman naghahanda na si Ariadne at Julia na umalis. Kasalukuyan na nilang inaayos ang kanilang mga bag. They're both wearing white shorts while Ariadne is wearing a halter top na naka-tack in sa kaniyang highwaist pa rin na short and Julia is wearing an off-shoulder top.

"By the way, sa may tabi tayo ng beach magsisikain ng lunch. Gusto mo na bang mag-swimsuit?"

"Oh.. wala akong planong mag-swimsuit--"

"Op! Op! Let me stop you right there!" Itinaas pa ni Julia ang kamay niya kay Ariadne bilang senyas ng pagpigil. "Sis! No choice ka! Binilan kita ng swimsuit kaya!"

"Eeh.. seryoso ka pala do'n!?"

"Oo! Magtatampo ako kapag hindi mo ito sinuot!"

"Eeh... w-wait lang--"

"No buts! Night swimming naman tayo mamaya, pwedeng mamaya ka na mag-swimsuit okay? Okay!" Agad-agad pang kumapit si Julia sa braso ni Ariadne na nabibiglang natulala lang sa kaniya. Muli niya itong hinila ng sapilitan palabas ng kanilang silid. "Halika na bilis!"

Napabuntong hininga nalang si Ariadne habang pilit sumasabay sa mabilis na lakad ni Julia.

****

"Iyon oh! Nandito na rin kayo finally! Kain na kayo do'n oh!" Salubong ni Loid sa dalawang dalaga ay saka tinuro ang malaking kubo kung saan kitang-kita na rin ang ilang nagsisikain sa loob. Nang matanaw din sila ng mga tao sa loob ay sumenyas na rin ito ng pagaya sa kanilang dalawa. "Hello!" Masayang bati naman ni Julia. Kumaway naman si Ariadne sa kanila.

Pagdating sa loob ay tila nagningning ang mga mata ni Julia sa excitement. "Woah! Ang sasarap naman ng handa today! Ahaha! Thanks Loid!"

"Sure!" Kaway pa ni Loid na nasa tabi na ng dagat. May mga ilan din silang kasamahan na nag-si-swimming na. Ang ilan ay kumakain sa labas ng kubo at ang iba ay nasa sea side.

Naupo naman ang dalawa sa loob. Sakto naman marami na ang lumabas sa kubo sa dahil sa excitement na mag-swimming sa dagat. "Do'n na kami guys."

"Okay! Enjoy!"

Mas maraming seafood na handa, lahat ng pagkain ay nakalapag sa malaking dahon ng saging. Mukha tuloy itong boodle fight ngunit ang bawat isa ay may paper plates.

Everyone's enjoying their moments, lalo na si Ariadne na kasalukuyan nang kumukuha ng kaniyang makakain. Hindi niya rin maiwasang mapangiti dahil sa sarap nang inihanda sa kanila. Excited naman na ngumunguya-nguya na si Julia.

"Gosh, the breeze feels so nice." Sinubukan pang langhapin ni Julia ang malakas na hangin. Isa-isa rin nilang tinitingnan ang mga tao sa paligid. Sikat na sikat rin ang araw, kaya may ilan pang nagsa-sun bathing. "Hm.. sobrang ganda rin rito."

"True ka diyan, sis! Parang sarap ngang bumalik next time. Ang sarap din uminom ng beer dito."

"Hm.. ahaha! Oo nga no. This place is perfect for beers, though ayokong malasing mamaya, haha!"

"Omg, tara bili tayo ng souvenir do'n oh! May naglalako ng mga handmade jewelries do'n!"

"Eh? Really? Saan?"

"Do'n oh!"

"Wait lang uy, kumakain pa ako Juls, haha!"

"Ay oo nga sorry, ahahaha! Ito naman, ba't di mo sinasabi."

"Ahaha!"

Matapos kumain, agad na ngang nagtungo ang dalaga sa direksyon kung saan may nakatambay na mga nagtitinda ng handmade jewelries. Mga kwintas, bracelets, earings na talaga namang nakatakaw tingin dahil sa ganda. May mga bata ring may dala-dala ng sarili nilang tinda na mga alahas, pitaka at kung ano-ano pang maaaring souvenirs, na inaalok sa mga turista.

Dumeretso naman sila sa isang matanda na nakasilong sa malaking puno. Halatang residende sa isla. Nakalagay sa isang malaking tela na nakalapag sa buhangin, ang kaniyang mga tinda.

"Ooh! Ang ganda nito oh!" Agad na turo ni Julia sa isang bracelet. Naupo pa ang dalawa upang mas mapagmasdan ang mga tinda ni lola, na nakangiti sa kanila.

"Ay mas gusto ko 'to! Ikaw?"

"Hmm.. Gusto ko 'tong isa." Tukoy ni Ariadne sa isang necklace na may pink heart stone na pendant.

"Yeah right, it looks good on you."

Agad naman napaatras ng kaunti ang dalaga nang marinig ang pamilyar na boses sa kaniyang tabi. Habang si Julia naman ay patuloy pa rin nagsasalita at mas nililibot pa ang mga paninda ng lola.

"Hector."

"Hi.. I've been looking for you." Nakangiting saad ni Hector na tila nagpabilis ng tibok ng puso ng dalaga. Sa huli ay ngumiti rin siya na hindi naman naiwasang titigan ng binata. "Oh you are? Ahaha! Buti nahanap mo ako?"

"Yeah! Hahaha! I was getting worried though, mukhang may bibilhin ka yata?" Pareho naman nilang tiningnan ang mga tinda ni lola. Umiling naman si Ariadne at sumagot. "No.. Gusto ko lang busugin 'yong mata ko, Si Julia talaga 'yong..." Natahimik naman siya ng makita si Julia na medyo malayo na pala sa kaniya, lumipat sa iba pang nagtitinda ng souvenirs habang nagsasalita pa. "Oh..."

Dahil tuloy do'n ay natawa sa isa't-isa si Hector Ariadne. Dinaan pa sila ni Loid na dumeretso naman sa tabi ni Julia. "Hoi, babae."

"Kumain ka na ba?" Curious naman na tanong ni Hector. "Yeah, I'm done eating."

"Oh.. Well then.. Would you like to come with me? Lakad lang tayo sa sea shore."

"Oh.. s-sure.. I'd love too." Hindi na naiwasan ng dalaga ang bahagyang mamula at mapangiti sa anyaya ni Hector. Sabay naman silang tumayo, bahagyang nauna si Ariadne sa paglakad. Akmang pasunod na ang binata ng may pumigil sa kaniya, mula sa paghila sa dulo ng kaniyang shirt. Dahilan upang mapalingon siya.

It was the old lady, halatang wala na itong ngipin ngunit maganda itong ngumiti sa binata. Iniabot niya ang kwintas na kaninang nagustuhan ni Ariadne. Nagtataka niya itong kinuha at takang napatingin sa matanda na bumalik lang sa pagkakaupo at magandang ngumiti sa kaniya at tumango.

Tila na-realize naman niya ang nais iparating ng lola. Binulsa niya agad ang kwintas at naglabas ng pera at inabot sa mismong kamay ng matanda. Hindi man dinig ay halatang natawa ang lola at tumango-tango. "Thank you."

Agad-agad din ay sumunod siya kay Ariadne na masayang dinadamdam ang pagsalubong ng tubig-dagat sa kaniyang mga paa.

Lasta Sanco (A Collaborative Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon