Chapter 15

1.2K 29 0
                                    

Keith

Di ako mapakali.

Di ko malirip kong ano ang ikinababahala ng aking kalooban. Nung kaninang nabasag ang baso ay si Roldan ang gayong pumasok sa aking isipan. Wala akong kakayahan na makasausap siya o makamusta, kung sa maayos ba siya o merong nangyari sa kanya. Halos kalimitan, lalo na sa mga nababasa ko at napapanood sa telebisyon ay mayroong nangyaring masama sa taong unang pumasok sa iyong isipan kapag nakabasag ka ng isang bagay - baso o di kaya'y lalagyanan ng larawan.

Di ko rin akalain kanina ang kaguluhan dahil natulala nalang ako pagkatapos mabasag ko ang baso. Kahit na di magkamayaw si Marc sa kakatanong sa akin at kakayugyog dahil nasugatan din pala ang kamay ko dahil lunod ako sa pangambang dala ng aking iniisip. Magkasama akong dinala nila Marc, Rolan, at ng kambal sa pagamutan ng aming paaralan. Litaw sa mga mukha ng mga ito ang sobrang pag-aalala. Nang madampian ng gamot ang aking kamay ay siya palang na bumalik ako sa aking ulirat. Di ko na napigilan ang pangalan ni Roldan, nagsumamo ako na umuwi ngunit nang isangguni ko ang aking layon sa pag-uwi ay di ito sinang-ayunan ng guro. Kahit man daw na umuwi ako ay wala pa din akong dadatnan doon at maliit na sugat lamang ang aking tinamo na siya namang ginamot ng aming tagapangalaga sa klinika.

Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa aming silid-aralan. Ligalig pa rin ang pakiramdam hanggat di ko nakikita ang aking mahal na sa maayos na katayuan. Sobrang mababaw man na kadahilanan ngunit ito ang unang pagkakataon na ako'y makaramdam ng ganitong kaba sa dibdib.

Gusto kong hugutin ang oras upang tumakbo pauwi ngunit siya namang panunudyo ng oras na tila pinabagal ang paggalaw nito. Ni isang kataga ay walang pumapasok sa aking isipan at nakatingin sa kawalan ng hungkag kong upuan.

Napatingin nalang ako ng may humawak sa aking kamay na nakakuyom sa upuan. Napatingin ako sa may ari nito na animoy taimtim na nakikinig sa aming guro. Si Marc na kung titignan ay nag-uumapaw sa kaangasan ay siyang unang lumahad ng kamay para kaalwanan ang aking ligalig na nararamdaman.

Ang humahagod nitong hinlalaki ay tila nagsasabi na magiging mabuti ang lahat na huwag mag-alala. Isang ngiti ang iginawad ko at walang tinig na isinambit ko ang katagang "salamat". Isang ngiti ang iginawad din nito. Paunti-unti naman nitong iginiya ang upuan nito upang mapalapit pa sa akin at patuloy na nakahawak sa aking kamay.

Kahit papaano ay naibsan ang aking nararamdaman dahil sa ginawa nito.

Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang batingaw hudyat ng pagtatapos ng klase sa araw at linggong ito.  Nagbigay kami ng pugay-pamamaalam sa aming guro at mabilisan kong inayos ang aking mga kagamitan. Magtatanong pa sana ang kambal at si Rolan ngunit agaran akong nagpaumanhin at tuluyang nilisan ang lugar.

Sa pagbabalik sa lunes ay ilalahad ko lamang ang aking rason sa aking inasal.

Palakad-patakbo kong binaybay ang daan pauwi sa amin. Ngayong biyernes ay malimit na mas unang nauuwi si Roldan kaysa sa akin kaya ipinapanalangin ko na sana nama'y naroon siya at masayang sasalubong sa akin.

Naabot ko na ang eskinita papasok sa amin, at hingal mula ginawa kong lakad-takbo upang mas mabilis na maabot ang lugar namin.

Habang papasok pa ay nadatnan ko si mang Hector at kinakausap nito ang isa sa kanyang tauhan.

Ang bukirin sa dako sa likuran ng aming bahay ay pagmamay-ari ni mang Hector. Marami din itong ibang negosyo tulad ng manukan, babuyan at iba pang bukiring hayop; kaya naman kilala ito sa aming lugar at lapitan ng mga nangangailangan.

Ngunit sa aking naging karanasan ay siya ang huli sa mga taong aking lalapitan kung sakali man. Inihabilin din ni Roldan na huwag na huwag akong lalapit kay mang Hector dahil sa matatandaang aking nabanggit na kilala din ito sa kanyang kalibugan. Hindi ko alam kung pumapatol din ito sa kagayang kasarian o baka naman ay lubha lang itong namithaya dala ng alak na kanilang nilaklak sa panahong iyon. Kahit sa ano pang rason ay mismong si Roldan na ang nagbigay ng babala kaya naman marapat lang na sundin ang kanyang kataga.  Malakas din ito sa awtoridad kaya kadalasang naaabswelto ang mga inihaing mga reklamo sa kanya at kalimitang nasusulsulan lamang ng pera.

Narinig ko din na lilisanin nito ang aming lugar upang pansamantalang tulungan ang mga magulang nito sa iba pa nilang negosyo sa karatig probinsya. Sa linggo na ito aalis at inihahabilin nito ang kanyang maiiwang mga negosyo sa kanyang tauhan. Buwan o taon din daw itong mananatili roon na siya namang, kahit papaano, ay ikinasiya ng aking kalooban. Di ko alam kung bakit ngunit sa tuwing malapit si mang Hector ay siya namang aking ikinaiilang.

Tulad ng mga tingin nito ngayon na nanlalagkit at tila ba ako'y walang saplot kung sipatin nito mula ulo hanggang paa. Nakakapanindig balahibo!

Alam ko dahil ang bugho sa kanyang mga mata ay nasisilayan ko din sa mga mata ng aking pinakamamahal.

Kahit sabihin man na natikman ko man ang makasiping ang isang katulad kong lalaki ay di ko masisikmura ang bagay na ginagawa namin ni Roldan sa iba pa - lalo na sa iba pang lalaki.

Daglian naman akong naglakad upang maabot ang aming tahanan. Walang Roldan na sumalubong sa akin. Tahimik ang paligid at ang huni ng mga ibon at mga kulisap ang bumibingi sa aking pandinig.

Ang tibok ng aking puso ay tila nagpupuyos at halos kumawala na sa aking dibdib.

Pinilit kong kumalma at isinantabi ang mga masasamang palagay sa aking isipan.

Naglinis ako ng katawan at nagbihis upang makapagluto ng sabaw para sa aming hapunan.

Tapos ko na ang mga gawaing bahay ngunit wala pa ding Roldan na dumarating.

Umupo ako sa kawayang kanape at nanalangin.

Sa gitna ng aking pananalangin ay may kunatok sa pintuan.

Mabilis pa sa kidlat kong tinungo ang pintuan at pinagbuksan ang aking maha—

Ang inakala kong si Roldan ay si mang Nicanor pala. Habol pa ang kanyang hininga habang nakatukod sa gilid ng pintuan ay isinambulat nito ang aking kinatatakutan.

"K-keith—

Si Roldan nasa hospital—"

Tito Tatay MahalTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang