imahinasyon

125 8 1
                                    

Binibini ang taong nasa libro,

Ay hindi kailan man mabubuhay sa totoong mundo.

Kaya wag kanang umasang magiging kayo,

Dahil masasaktan lamang ang puso mo.







Hindi ko sinasabing sila'y wag mong ibigin,

Pero huwag kang mag alala at ito'y aking aakuin.

Aakuin ang mga hindi nila kayang gawin,

Ika'y patuloy na mamahalin,

Ika'y patuloy na iibigin.






Huwag sana akong biguin,

Dahil pangakong hindi din kita bibiguin.

Hindi bibiguin at patuloy na mamahalin,

Mamahalin at iingatan ang puso mong babasagin.



Poems I Wrote About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon