Tandang tanda ko pa,
Ang una mong kataga noong tayo ay magkita.
Ang sabi mo ay 'mahal na ata kita.'
'Ikaw lamang at wala nang iba.'Naniwala ako sayo,
At sa mga pangako mo.
Dahil patuloy mong pinapatunayan,
Na ako'y minamahal mo ng lubusan.Mahal na ata kita,
At hindi yon maipapahiwatig kahit sa isang libong kataga.
Ikaw na lang talaga,
At wala nang iba pa.Pero pasensya na,
Ngunit ako'y napagod na.
Napagod na sa pangako mong ako lang at wala ng iba,
Na puro kasinungalingan lang naman pala.Pasensya na mahal ko,
Dahil ako'y susuko na sayo.
Hindi ko na kaya ang ginagawa mo,
Ginagawang pananakit sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Poems I Wrote About Her
RandomYou're the past, she's the present. She's more than someone and you're just nothing. No parts in this book may reproduced, or transmitted by any forms or means, electronic, mechanical, copying, recording, without the permission of the author of thi...