isang kasalanan nga ba kung mahal kita?

86 7 0
                                    

mamahalin kita,
kahit mali sa paningin ng iba.
Ika'y pananatilihing akin na,
At pangakong hindi na pakakawalan pa.




Ikaw lang talaga aking sinta,
Ikaw lang wala nang iba.
Ikaw pa din san man magpunta,
Patuloy kang iibigin, aking Luna.



Gaya nang gumamela,
Ika'y napakaganda.
Napakagandang dalaga,
Na naglagay nang kinang saking mga mata.



Kuntento nakong makita kang masaya sa piling nya,
Pero mas maganda kung tayo pa din ang magkasama.
Pero hindi kita pipiliting maging tayo,
At ang desisyon mo'y irerespeto ko.




Ikaw lamang talaga,
At wala nang hahanapin pang iba.
Kahit hindi na ako,
Dahil ako'y pinagpalit mo.

Poems I Wrote About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon