kalawakan

122 6 0
                                    

Ika'y isasayaw sa gitna ng ulan,
Hahagkan sa ilalim ng buwan.
Mamahalin ng walang alinlangan,
At aking paninindigan.

Pakamamahalin ka habang buhay,
Kahit hanggang sa mamatay.
Tayong dalawa nalang ang magsama,
Kalimutan na ang mga problema.

Parang kang isang pantasya,
Sa tanglay mong tunay na ganda.
Ika'y may sikreto ba na tinatago,
At ako'y iyong napaibig mo?

Tinuruan mo ang puso ko,
Na umibig nang totoo.
Ngunit galit ako sayo dahil gusto mo sya,
At kailan man ay hindi ako magiging katulad nya.

Nasaan ka na ba at hindi na kita makita,
Ako'y nagpursigi para malaman kung nasan ka na ba.
Nalaman ko nalang na sumama ka na pala sa kanya,
At iniwan mo ako nang magisa.

Sana naman ay mapansin na,
Kahit hindi ako katulad nya.
Habang buhay nalang kitang hihintayin,
Hanggang sa ika'y mapasakin.

Poems I Wrote About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon