Ikaw at ako,
dito sa magulong mundo.
sinusubukang lumayo dito,
Hawak kamay na aalis sa mundong ito.Gagawa ng sariling mundo,
at tayong dalawa ang bida sa kwentong ito.
Ikaw lamang at ako,
Sana'y walang magbago.Pinapangarap na makasama ka,
sa bagong buhay ikaw ang gustong makasama.
Samahan moko sa pagtanda,
at sana'y wag magbago sa ating dalawa.Ngunit isang araw at bigla nalang nagbago,
hindi alam kung ako pa ba ang gusto mo.
Gustong makasama sa sariling mundo,
sa mundong ikaw lamang at ako.Ngunit napagtanto kong habang hinihintay kita dito,
nangangarap ka palang makasama siya sa sarili nyong mundo.
Sinubukan naman natin ng paulit-ulit,
tadhana na talaga yung umayaw na tayo'y magkalapit.
BINABASA MO ANG
Poems I Wrote About Her
RandomYou're the past, she's the present. She's more than someone and you're just nothing. No parts in this book may reproduced, or transmitted by any forms or means, electronic, mechanical, copying, recording, without the permission of the author of thi...