Chapter 2

406 1 1
                                    

Ang sama ng timpla ko habang naglalakad papasok sa university. Nawawalan na agad ako ng gana na pumasok dahil sa lalakeng 'yon. Nagtatalo sila Tracy kagabi about sa college nitong mayabang na Chad na 'to tapos bigla niyang inanounce na papasok raw siya. Nung una ay wala naman pake dahil business nilang magkapatidd iyon pero ganoon na lang ang paglaki ng tenga ko nang marinig  ko kung saan at kung anong course ang kukuhanin niya---he was the chismis I begged Cassia to tell me.

"Kumain lang kami kagabi, wala namang chismis na bago kaya hindi ka lugi," update sa akin ni Cassia nang makaupo siya.

"He was there."

"Ha? Sino?" Mas lumapit pa siya sa'kin, basta para sa chika talaga.

"Si Chadler, nagkatotoo 'yung sinabi mo Cassia. Bakit ba ang galing mong mag-manifest bruha ka?"

Hindi agad siya nakasagot. Inismiran ko na lang siya dahil asar na asar na ako. Kung alam ko lang na magk-krus na naman ang landas namin edi sana nakapag-palipat agad ako--pero that's too childish to do. But knowing him, hindi ako titigilan kagaya lang noon. Wala pa man naiirita na ako nang malala. Hindi niya tinupad iyong napag-usapan namin.

"Ano? Paano kayo nagkita? Akala ko ba umalis na 'yon? Nagj-joke lang naman ako kahapon e'."

"Sa susunod 'wag kana lang ulit mag-joke." Umirap ako.

"Duh, it's out of my control 'no. Pasalamat kana lang sa'kin at mukang may love life ka ng paparating."

Pinanlakihan ko na lang siya ng mata dahil ayoko iyong mga lumalabas sa bunganga niya. Parang sumpa lang kung pakinggan. Dahiil wala rin namana ako sa mood, umobob na lang ako kesa magbasa dahil wala rin namang papasok sa utak ko. Buti na lang talaga second day pa lang ngayon. Ayokong tumingin sa pintuan dahil makita ko lang ang bangungot ko. Hindi naman kase ako tanga, alam kong magiging kaklase  ko siya. Nakakairita.

"Nandito na siya," bulong ni Cassia pero wala akong pake. Hindi naman siya celebrrity para tignan. 'Wag siyang feeling masyado. "Oh men."

"Chadler." Parang biglang nag-apoy ang tenga ko nang marinig ko ang boses niya sa malapit.

"Cassia, welcome."

Ipinakilala pa talaga niya sarili niya e' hindi naman kailangan. Proud ba siya na hindi siya pumasok kahapon?

"She seems to love sleeping huh?" Bulong niya pa pero rinig ko naman. Diretsyo lang ako sa ub-ob dahil ayokong makita ang muka kahit na ngawit na ngawit na'ko rito. Sana pala kase nagpa-late na lang ako. "Can you tell her to meet me at..."

Hinintay ko talagang mawala siya sa pandinig ko bago ako tumunghay at tinignan ang katabi kong ngingiti-ngiti. Pigil ko ang pag-irap dahil bigla na lang nahagip ng mata ko ang guro namin. Tahimik lang ako buong klase dahil wala naman akong maintindihan masyado. Ang nasa utak ko lang ay iyong pinapasabi kuno ni Chadler sa'kin. Sino ba siya? Ang kapal naman niya, hindi naman kami friends.

Pinilit kong makinig sa klase namin nang magdire-ddiretsyo na ang lahat dahil biglang may natawag ang prof. Hindi ko alam ang sagot kaya buti na lang talaga hindi ako nalintikan. Bakit ko ba kase iniisip 'tong epal sa tabi tabi e' pwede ko naman siyang 'wag na lang bigyan ng pansin. Iisipin ko na lang na hangin siya.

"Oh pasaan ka?" Harang sa akin ni Hope nang pumasok ako a counter.

"Tutulong."

"Anong tutulong? Diba sabi sa'yo ng Ate mo maupo kana lang sa isang tabi?"

"Saglit lang naman. Hindi naman ako mapapagod ng sobra."

"Manahimik ka." Iginaya niya ako roon sa isang tabi kung saan nakalatag ang gamit  naming apat.

Invading Her BodyWhere stories live. Discover now