Chapter 5

56 0 0
                                    

"May problema ba 'yon?" Bungad sakin ni Cassia nang makaupo sa tabi ko. Tinignan ko 'yung tinuro niya, si Chadler.

Ewan ko ba pero after nung ihatid niya ako sa bahay ay hindi na ulit niya ako nilapitan—which is good for me pero parang weird lang din. Kelan pa nung huling beses na nagpapansin siya sakin e patapos na ang finals. Good for me.

"Wag mo na lang intindihin 'yan. Matuwa na lang tayo na walang umaligid satin," bulong ko bago ibinalik ang tingin sa reviewer.

"Anong satin? Sa'yo lang naman umaaligid 'yan bruha ka."

"Edi good for me."

Hindi nakuntento si Cassia at isinara niya pa ang binabasa ko. "Lq ba kayo?" Seryosong tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Lq? Pinagsasabi mo?"

Kahit kelan talaga apakagaga ng tao na 'to. Imbes na tigilan niya ako sa mga paganto dahil punong puno na ako sa panunukso ng mga kaklase namin nakikidagdag pa siya. Mga minsan talaga gagabutan ko na 'to ng buhok para matigilan siya for good.

Ano ba kaseng bago kay Chadler? Hindi ba pwedeng tahimik na lang talaga siya ngayon? Saka bakit ba pinapaproblema nilang lahat sakin 'yung pagiging tahimik niya this week e wala naman akong alam sa lalakeng 'to? Hindi naman ako babysitter neto pero kung ipaamo sakin ng lahat ay parang bayad ako.

Hindi ako tinitigilan ni Cassia habang hindi pa nagsisimula ang exam akaya ang ending ay hindi na ako nakapag last minute review. Mabuti na lang talaga at nakapag aral ako nang maayos sa subject na 'to dahil kung hindi masisisi ko talaga 'tong gaga na 'to kapag naibagsak ko 'to.

"Finally." Nag inat inat ako nang makalabas kami ng room. "Ano na naman?" Irap ko na talaga sa kaibigan ko nang inguso niya sakin si Chadler.

For god's sake bakit ba gustong gusto nila na magkalapit kami lagi?

"Uuna na 'ko." Paalam ko na lang sa kanya. Hindi ko na hinintay ang isasagot niya dahil alam kong ipipilit lang nito ang gusto niyang sabihin na wala naman akong time para gawin.

Balak ko talagang dumiretsyo na agad sa gate pero nakaramdam ako ng uhaw kaya naisipan kong dumaan muna sa cafeteria tutal basa way ko na rin naman iyon. Mabilis lang ako roon at kaagad rin naman akong nakalabas ng school at dumiretsyo na sa sakayan. Napakahaba na naman ng pila, makikipag-siksikan na naman tuloy ako. Puti pa naman 'tong uniform ko. Kainis rin talaga minsan mag-commute e.

"Malas," bulong ko nang hindi ako nakasakay sa bus. "at talaga namang—" hindi ko talaga napigilang mapairap nang malala nang matungtungan 'yung sapatos ko nung schoolmates ko na kanina pang sobrang likot.

Sa sobrang pagkawala ko sa mood ay umalis ako sa pwesto ko kahit pa na alam kong maagawan ako sa pila. Wala na akong pake dahil talagang parang kandilang mauubos na ako kapag katabi ko 'yung mga tao roon. Ang sikip na nga ang lilikot pa, parang mga bata.

"Sir, sukli niyo po!"

"No Manong, keep the change po." Pamilyar iyong boses.

"Sir, hindi ko po matatanggap. Ang laki po nito masyado."

Hindi ko napigilang hanapin 'yung nagsalita. Tumama ang mata ko kay Kuya na madalas kong bilihan ng fishballs after class.

"Sa inyo na po 'yan, bye." Ngiti ni Chadler sa kanya. Bahagyang napaawang ang labi ko sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Ang bait niya palang tignan?

Ngiting ngiti siya nung kaharap niya pa si Manong kaya di ko mapigilan na tignan siya. Minsan ko lang naman kaseng makita siya na genuine 'yung ngiti, madalas kase ay naka ngisi siya at nakakairita 'yon. Agad akong napabaling sa ibang direksyon nang magtama ang mga mata namin, baka kase mamaya isipin niya na tinitignan ko siya—na totoo naman pero!

Invading Her BodyМесто, где живут истории. Откройте их для себя