Chapter 8

37 0 0
                                    

Hindi ko alam kung anong nakain ko pero heto ako ngayon sa van kasama ang mga kaibigan ko at pauwi ng probinsya. It's been months na rin since the last time I came here pero higit isang taon na akong hindi umuuwi sa bahay. Mabilis lang kami rito, two days lang at uuwi rin kami agad. Hindi ko pa alam kung saan ako mags-stay dahil ang alam ko ay may lakad ang mga kaibigan ko at ayaw ko namang maiwan sa bahay nila kapag sa kanila ako nakitulog. Ang bilin sa akin ni Ate bago umalis ay dumaan na raw ako sa bahay pero hindi ko alam kung susundin ko iyon lalo pa at hindi ko siya kasama. Isa pa tuloy 'to sa isipin ko.

"Sure kang dito ka na?" Ulit ni Lee nang makababa ako. Tumango naman ako kaagad.

"Punta ka sa bahay kapag tapos ka na dito."

Napangiti ako. "Sabihan kita kapag ikaw ang lucky winner na tutulugan ko." He chuckled.

"Una na muna ako sayo ha? Chat mo na lang ako kapag papasundo ka na."

Agad akong napabuntong hininga nang makaalis siya. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid dahil kapansin pansin na ang dami na agad nagbago. Grabe, ang bilis pala talaga ng panahon... Nung kelan lang iilan ilan lang 'yuung mga tindahan rito pero ngayon para ka na ring nasa pamilihan talaga ng bayan. Madalas ako rito mamili kapag inuutusan ako nina Mama e, para ko tuloy nami-miss 'yung mga panahong ang dami kong dala dala galing palengke tapos maghihintay ako ng sundo nang higit isang oras dahil hindi mapakiusapan ang kuya ko sunduin ako.

Dinala ako ng paa ko sa may dalampasigan, malapit lang kase 'tong binabaan ko sa dagat. Dito kami dati madalas na tumatambay dahil wala namang ibang matambayan. Gaya ng dati kong gawi, naghanap lang ako ng pwesto na malilom at malayo sa mga tao at duon naupo. Tumitig lang ako sa dagat sa harapan ko habang at malalim na nag-isip.

Malapit na ulit mag-bakasyon kaya uwian na naman ng college na nagdo-dorm. Akala ko talaga dati mararanasan ko iyong excitement sa pag-uwi kapag bakasyon. Kabaliktaran lahat iyong nangyare... Naiinggit ako sa mga kaibigan ko kapag uwian na ng probinsya, kase sila sobrang excited na sa mga luto ng magulang nila kapag umuwi sila, may kapatid silang aasarin tapos magkakasama silang tumatawa sa hapag at nagkakamustahan. Samantalang ako, hindi ko alam san ang punta ko kaya lagi na lang akong nagpapa-iwan sa Manila. Nakakatuwa nga sila dahil ni minsan hindi nila nakalimutan na ayain ako sa mga bahay nila kapag ganitong naglalakas loob  akong umuwi ng probinsya. Napapaisip tuloy ako e, mas pamilya ko pa ata sila kesa sa totoo kong pamilya.

I miss them.

"Uuwi na ba 'ko?" Mahinang tanong ko sa sarili dahil naguguluhan talaga ako. Hindi kase malabo na magkagulo kami kapag umuwi ako. Natiis nga nila akong hindi kausapin  kahit na pumupunta punta sila sa Manila e.

Litong lito ako sa gagawin ko nang maka-recieve ako ng message galing sa Ate ko. 'Magbi-birthday na si Papa, pakita ka na.' Agad na namuo ang luha sa gilid ng mata ko sa aking nabasa. "Bakit ba kase nauwi pa sa ganito?" Bulong ko bago tumayo. Buo na ang loob ko, uuwi na ako. Wala na akong pake kung hindi nila ako tanggapin basta maiharap ko lang sa kanila ang muka ko ulit ayos na ako. Kelangan kong magpaka-kumbaba dahil ako ang anak at sila na ang bahala kung tatanggapin pa nila ako. Basta nag-try ako na kausapin at lapitan ulit sila- iyon ang mahalaga.

***

"Ma," mahina kong usal nang makita ko siyang nagwawalis sa may bakuran namin. Alam kong narinig niya iyong tawag ko dahil natigilan siya sa kanyang ginagawa pero hindi niya ako hinaharap. Wala pa man tuloy ay naninikip na iyong dibdib ko, nahihirapan na rin akong magsalita agad kahit pa na wala namang lumalabas sa bibig ko. "Mano po," hindi ko alam kung paano akong nakahugot ng lakas ng loob para pumasok sa bakuran namin at kinuha ang kamay ng Ina ko para magmano.

Nangangatal ako, iyon lang ang alam ko.

"Ma, tinatanong ni Papa kung nasaan daw yung..." Agad akong napatingin kay Kuya nang bigla siyang sumulpot. Gaya ng nanay namin ay kitang kita ko sa kanya ang gulat. "Kelan ka pa umuwi?"

Invading Her BodyWhere stories live. Discover now