Chapter 7

42 0 0
                                    

"Congrats." I smiled at him. Naglabas na kase ng listahan ng dean's list kanina at kasama ako-buti na lang talaga. Hindi ko ata kakayanin kapag nalaglag ako don, dun ko na nga lang napapatunayan ang sarili ko tapos di pa ako makakasama?

"Congrats din, galing mo ha. Running for summa ka n'yan?" Pang-aasar ko. Ewan ko ba pero naging hobby ko na ata na asarin siya.

He scoffed. I saw him reaching for something behind him kaya napatingin ako sa likuran niya. Napataas ang kilay ko nang makitang cookies iyon. Basta na lang niya iyong inabot sa akin na muntikan ko pang hindi masalo. Parang bangag.

"Anong meron? Para san 'to? May lason ba 'to?"

"What?" Balik tanong niya sa akin na parang siya pa ang naguguluhan. "Nung binigyan mo ako ng cookies kinain ko naman." I rolled my eyes. Naalala ko na naman 'yung cookies na 'yan, kaya hindi ako tigil tigilan ng issue ng mga kaklase ko nung first sem e.

Hindi ko na kinwestyon pa 'yung cookies dahil masarap naman na gusto kong isipin na binili niya lang sa kung saan. Nakakainis na ang sarap na naubos ko iyon in  one sitting. Nang matapos ako sa katakawan ko  ay agad na nabaling ang atensyon ko sa mga bata sa paligid. Nandito kami ngayon sa lake, tumatambay. Kanina ang usapan talaga ay mag-aaral kami pero tambay ang nangyare dahil biglang kailangan umalis ni Cassia. Naiwan tuloy kami ng lalakeng 'to rito. Kung katulad pa rin siya nung dati hindi ako papayag na maiwan kasama 'to.

"Jina-judge mo na naman ako." Aniya na kaya natawa ako.

"Buti naman at alam mo."

He shook his head. "What time are we leaving?" 

"Ikaw bahala."

"Edi tayo na."

"Hala ayoko pa." Angal ko.

He sighed.

"San mo gusto mag dinner?" He asked instead.

"Sa bahay na 'ko magdi-dinner."

"Sama."

"Wala ka bang bahay?" Ewan ko ba dito pero trip na trip niyang pumunta sa bahay namin para raw maka-kwentuhan si Ate pero ang hinala ko ay gusto niyalang talaga 'yung ulam sa bahay namin.

Nauwi na naman kami sa diskusyon. Hindi na ata mawawala 'yung barahan kapag kami ang magka-usap. Minsan nga hindi na namin napapansin na kasama pa pala namin si Cassia dahil tahimik lang siya lagi kapag nagde-debate kami nito. Nakakainis, dahil ata ginawa na naming daily routine ang bangayan ay gumaling mag tagalog 'tong lalakeng 'to. ang galing na tuloy suamgot sagot sa amin, lalo na sa akin.

"Ate." Napakunot ang noo ko nang bigla na lang akong abutan ng bulaklak nung bata. "Ang ganda niyo po." Iyon lang ang sinabi niya tapos bigla siyang nagtatakbo papunta sa mga kalaro niya.

"Hala?" Naibulalas ko na lang habang nakatingin roon sa maliit na bulaklak na pinitas niya sa isa sa mga halaman sa tabi. Hindi mapigilang mapangiti dahil ito ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak. "Ang cute." Pinakita ko sa katabi ko iyong hawak ko sabay hagikhik.

I heard him chuckled too. I looked at him only to find out that he was smiling softly as he stares at me?

"Can I?" Tanong niya bago kunin sa kamay ko iyong maliit na bulaklak. He looked at it closely before smiling. "May alam pa ako pa'no mas gaganda 'to." He said before putting it on the side of ears.

"Ha?" Mahinang ani ko na alam kong 'di na niya narinig dahil busy siya sa pag-ayos nung bulaklak sa may tenga ko.

"Bagay." He said softly. I don't what's up with him and if he noticed but he was just seriously staring at me for a solid minute and I'm getting concious! Akala ko magpapatagal pa siya sa pagtitig na magrereklamo na sana ako pero buti na lang at tumigil na siya... tumigil nga siya pero may ginawa naman siya.

Invading Her BodyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin