Chapter 25

16.8K 511 27
                                    

Lili

"Oh my gosh Levi! May mga anak ka na pala?!" gulat na utas ng isang babae. May hawak syang mga paper bags. Maganda sila at mukhang mayaman din

Tinignan ko si Levi. Nakangiti ito

"This is Mason and this pretty girl right here is Macey"

Hindi nya tinanggi. Parang tuwang tuwa pa nga ito na pinagkamalan syang ama ng kambal

"Hello po!" masiglang bati ni Macey. May hawak pa itong ice cream na binili namin sa isang ice cream parlour

"Aww she's beautiful. Are they twins? You've got the same eye colour and he looks like your little version" sinulyapan nito si Mason. Tama sya. May magkakahawig nga si Levi at ang kambal. Parang little version nya talaga si Mason lalo na at parehas sila ng kulay ng mga mata. Coincidence? Siguro. Dahil imposible naman na sya ang nakasama ko noong gabing iyon

Ayokong diretsong tanungin sya tungkol sa bagay na iyon. It will be insensitive of me

"They're twins"

Ngumiti ang babae at bumaling sa akin

"You must be their mother. I'm Kayla"

Naglahad ito ng kamay na agad ko namang tinanggap

"Liliveth" pakilala ko

"Nice meeting you Liliveth Cervantes"

Natigilan ako sa sinabi nya. Cervantes?

"Chill. I'm just kidding. But I could hear wedding bells" nakangising sinabi nya. Binitawan nya ang kamay ko at ngumiti

"You're making her feel uncomfortable"

"Oh sorry. I didn't mean it. But you'll get there, yeah?"

"Papadalhan na lang kita ng invitation"

"Dapat lang!"

Nakangiting umiling si Levi

"I have to go now. Oh wait!"

Binuksan nya ang bag nya at kinuha ang wallet. May nilabas syang isang calling card at inabot sa akin

"Baka gusto mong maging model"

Bumalik ang tingin ko sa kanya. Model? Pinasadahan nya ang kabuuan ko

"I can help you to enter the modeling industry"

"Kayla..."

May babala sa boses ni Levi pero tinaasan lang iyon ng kilay ni Clover

"I'm looking for models and she has potential. Don't tell me ipagkakait mo sa kanya ang opportunity na ito?"

"Not that. It's just..." Levi sighed

"Alright. I'll leave it to her"

"You should..." Kayla smiled when her gaze turned to me

"I have to go. It's nice meeting you. Bye kiddos!" binalingan nya ang kambal. Kinurot nya sa pisngi si Macey at kumaway kay Mason bago tuluyan kaming tinalikuran

"Kaibigan nyo po Tito Levi?" inosenteng tanong ni Macey

"Yeah. She's a friend"

Bumaba ang tingin ni Levi kay Macey

"May gusto ka pa ba?"

Umiling ang bata at tinuro ang mga shopping bags na bitbit ni Levi

"Ang dami nyo na nga pong binili para sa amin"

"You mean these? Konti pa nga ito"

"Para po sa amin ay madami na yan. Hindi po kami kasing yaman nyo" napabaling ako kay Mason at sinaway ito. Kailangan ko na talagang syang kausapin at pagsabihan tungkol sa bagay na ito

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon