Chapter 37

17.2K 576 30
                                    

Lili

Nagmamadaling binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Macey nang makarating kami sa hospital

Nakaupo si Macey habang nakapalibot dito sila Tito Lars. Nanubig ang mga mata ko dahil sa  sobrang tuwa na nararamdaman ko

"M-macey... "

Kumunot ang noo nito at tila nagtataka habang nakatingin sa akin

"Sino po kayo?"

Natigilan at parang nabingi ako sa narinig. May... may amnesia sya?

Tinignan ko si Tito Lars. Malungkot itong nakatingin sa akin

"M-macey... hindi mo ba naaalala ang Mama mo?" gulat na tanong ni Levi nang makalapit ito kay Macey

"M-mama ko po siya?"

"Yes. She's your mother"

Matagal nya akong tinitigan na tila inaanalisa kung totoo ba ang sinasabi ni Levi

"Tigilan mo nga yan Macey"

Naglakad si Mason palapit sa kapatid at pinitik ito sa noo

"Aray! Sino ka ba?! Hindi naman kita kilala?"

Pinanliitan sya ng mata ni Mason

"Sigurado ka?"

Ngumuso si Macey. Napapikit ako at tipid na ngumiti

"Hindi mo dapat ginawa iyon Mason. Walang maalala ang kapatid mo" si Levi

Tinignan ni Mason si Levi bago muling ibinalik kay Macey iyon

"Ah talaga ba?" he coldly said while staring blankly at her. Kilalang kilala talaga ni Mason ang kapatid

Napakamot si Macey

"Ahm... izza prank?"

Mahina akong natawa at hinaplos ang buhok nito. I kissed her forehead and hugged her

"Mabuti na lang at maayos ka na"

Ibinalik nito ang yakap sa akin na mas mahigpit

"What... just happened?" naguguluhang tanong ni Levi

Humiwalay sa pagkakayakap sa akin si Macey at nakangusong tumingin kay Levi

"Sabi po ni Mimi Lars gawin ko iyon para kabahan daw kayo"

Tumingin ako kay Tito Lars

"Si Darcy may ideya n'on!"

Tinuro ni Tito Lars si Darcy na nakatayo malapit sa pintuan

"Inosente ako! Grabe ka Tito Lars! Sumang-ayon lang ako pero ideya mo talaga iyon!"

Napailing na lang ako sa kanila at mahinang natawa

Levi released a deep sigh. Naglakad ito sa kabilang gilid ng kama at naupo. Niyakap nya si Macey at hinalikan sa noo

"I'm glad you're okay now" he said

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Levi extended his hand for Mason

Mason slowly walks towards him. Binuhat ito ni Levi at tinabi ng upo sa kanya

Ilang segundo lang ay may biglang nag flash. Tinignan ko ang pinagmulan n'on at nakitang may hawak na cellphone si Darcy

"Isasampal ko lang kay Kendra" utas nito

"Ipasa mo sa akin. Ipapangalandakan ko lang sa isang mashondang kakilala ko" si Tito Lars

Napailing na lang ako sa kanila. Biglang bumukas ang pintuan at niluwa niyon si Ma'am Matilda. Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto

CDS 2: Irresistible DesireWhere stories live. Discover now