Chapter 44

16.5K 455 21
                                    

Lili

"Ang galing nyo pong mag basketball Papa! Ikaw din Mason!" puri ni Macey habang pumapalakpak. Kasalukuyang naglalaro ng basketball si Levi at Mason dito sa may arcade sa Mall

Bumitaw sa pagkakahawak ko si Macey at lumapit sa malaking lalake na katatapos lang din maglaro ng basketball sa may dulong bahagi

"Ang galing mo rin Gori!"

Kumunot ang noo ng lalake. Naalarma naman ako kaya agad akong lumapit at hinila si Macey. Nakilala ko agad ang lalake at mukhang nagulat ito nang makita ako. Siya yung Daddy nung kaklase ni Mason. Medyo hindi maganda ang history namin dahil unang pagkikita namin ay sa principal's office. Nakaaway ni Mason yung bata dahil tinapon nito ang pagkain ni Mason sa basurahan. Napatunayan naman iyon dahil hindi lang pala si Mason ang ginawan ng ganun maging ang iba pa nitong mga kaklase

"Pasensya na"

Bago pa makasagot ito ay hinawakan ko na sa kamay si Macey at pumihit na paalis

"Wag mo na ulit gagawin yun" pangaral ko

"Bakit po? Ang galing naman po talaga ni Gori"

"Hindi sya si Gori, anak"

"Pero para po syang si Gori. Malaki at magaling mag basketball!"

Napapikit na lang ako at hinilot ang sentido ko. Hindi ko alam kung naghahanap ba talaga ng away ang anak ko

Napaigtad ako nang may biglang kamay ang humaplos sa likuran ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Levi lang pala iyon

"Are you alright? May masakit ba sayo?"

Napansin nya siguro na nakahawak ako sa sentido ko. Agad akong umiling at umayos ng pagkakatayo

Tumango sya pero bakas pa rin ang pag aalala sa mukha nya

"Nagugutom na siguro ang mga bata. Tara na munang kumain" aya ko

Sumang ayon naman sya. Pumunta kami sa isang fast food chain gaya ng gusto ni Macey

Nilabas ko ang phone ko nang maramdaman na tumunog ito. Kumunot ang noo ko sa nabasa

"You're running out of time"

Hindi ko kilala kung sino ang nagtext dahil hindi naman nakaregistetred ang number sa akin

"May problema ba?"

Napatingin ako kay Levi at umiling. Tipid akong ngumiti bago binalingan si Mason sa tabi ko

"May gusto ka pa ba?"

"Ayos na po ito Mama"

Tumango ako at hinaplos ang buhok nya. Hindi ko maiwasan isipin ang nagtext sa akin. Gusto kong isipin na wrong send iyon pero iba ang nararamdaman ko. Parang may hindi tama. Parang pakiramdam ko ay isa iyong babala. Pero paano? Mula kanino?

"Ayos ka lang ba talaga? If there's something wrong, please tell me" halos magmakaawa na ang tono ni Levi

Umiling ako at ngumiti

"Ayos lang ako. Wag mo kong isipin"

Nagtagal ang titig nya sa akin na tila tinitimbang ang sagot ko. Nagbuga sya ng malalim na hininga at nagpatuloy sa paglalakad. Buhat nya si Macey na ngayon ay natutulog sa balikat nya at sa isang kamay naman nya ay hawak ang ilang pinamili namin

Dumiretso kami sa nakaparadang sasakyan ni Levi. Maingat nyang ibinaba si Macey pero hindi naging sapat iyon dahil naalimpungatan ito

Kumunot ang noo nito at nagpalinga linga na tila ay may hinahanap

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon