Chapter 48

15.6K 401 6
                                    

Lili

"Baka naghihintay na sa atin ang mga bata. Ang alam nila ay 8 pm tayo uuwi pero almost 9:30 na" saad ni Emir nang tignan ang suot na wrist watch

"Ito kasi si Matilda. Nasobrahan sa chika"

Siniko ko si Tito Lars. Minsan talaga hindi nya iniisip ang mga sinasabi nya

Sinama kami ni Ma'am Matilda sa isang gathering dahil baka nabo-bored na raw kami sa mansyon

"I'm sorry I didn't notice the time" utas ni Ma'am Matilda

"A-ayos lang po. Wag nyo na lang po pansinin ang sinabi ni Tito Lars"

Tipid itong ngumiti at tumango

"Matilda! I didn't expect to see you here!"

Sabay sabay kaming napalingon sa babae. Mahaba ang suot nitong kulay asul na damit. Kumikinang ang suot nitong kwintas at hikaw. Sa kaliwang kamay ay may hawak itong champagne. Siya ang Mama ni Kendra

Nagbago ang expression sa mukha ni Ma'am Matilda. Mukhang hindi ito natutuwa sa taong kaharap nya

"I didn't expect you either. You just proved to everyone that you are really shameless" mariin na sabi ni Ma'am Matilda

Ang akala ko ay magagalit ang babae pero tumawa lang ito

"Don't say that. Parang wala naman tayong pinagsamahan. We're friends right? "

Humakbang si Ma'am Matilda palapit dito

"If you really consider me as your friend then hand your daughter"

Napawi ang ngiti sa labi ng Mama ni Kendra

"I don't know where she is"

"Siguraduhin mo lang dahil pag nalaman ko na tinatago mo sya, magsisisi ka" banta ni Ma'am Matilda

Nagtagis ang panga ng Mama ni Kendra at nang bumaling ang tingin nito sa akin ay masama ako nitong tinitigan. I know that look. Siguradong ako ang sinisisi nya sa nangyari

"This is all your fault! Dahil sayo kaya ginawa ni Kendra yun! Inagaw mo sa kanya si Levi"

Agad na humarang sa harap ko si Tito Lars para protektahan ako sa pag atake nito

"Hoy shutangina ka! Mag ingat ka sa pinagsasabi mo! Wag mong isisi kay Lili ang mga kagagahan ng anak mo!"

"Correct Tito Lars! Hindi naman inagaw ni Lili si Levi, in fact yung anak mo ang gustong mang agaw! Don't forget na pinapaako pa ni Kendra ang anak nya kay Levi kahit hindi naman ito ang ama. Ang kapal ng mukha ng anak mo, mas makapal pa sa kalyo mo" sang ayon ni Emir na ngayon ay masamang nakatingin sa Mama ni Kendra

"B-because she thought it was Levi!"

"Ah talaga ba? Paano nya naisip yun eh wala naman syang utak, I mean wala naman nangyari sa kanila ni Levi? Sabihin mo desperada lang talaga yang anak mo! And it's not Lili's fault that she's better than your daughter" dagdag ni Emir

"That woman is better than Kendra? Don't bluff. Just look at that woman. Kahit damitan pa sya ng maganda hindi pa rin mababago ang katotohanan na galing sya sa putikan" umismid ito

Kumuyom ang kamao ko. Hangga't maaari ay ayoko syang patulan pero kung magpapatuloy ang pang iinsulto nya ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko

"Do you hear yourself? Don't think highly of your daughter. She's no better than Lili. She's the worst" saad ni Alice

"Oo nga! Tanga nito. Pinagtatanggol pa ang anak nya! Kung matino yun hindi nya gagawin kay Levi, Lili at sa mga bata ang mga ginawa nya! Kaya ganyan anak mo kasi kunsintidor ka! Paltukan ko matres mo!" galit na sigaw ni Tito Lars

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon