Chapter 30

17.6K 556 24
                                    

Lili

"Salamat sa pagpunta Lili"  nakangiting sabi ni Ate Shaya

I smiled shyly

"Ako nga dapat ang magpasalamat. Salamat sa pag imbita Ate Shaya"

She softly smiled

"May celebration mamaya sa bar. Punta kayo ni Levi" si Kuya Leandro

Sinulyapan ko ang kambal. Si Macey ay nakikipaglaro kay Calla at si Mason naman ay tahimik na nakaupo sa isang upuan habang nagbabasa ng libro na binigay ni Levi. Ang pinakita sa akin ni Levi ay yung mga suot namin ngayon ng mga bata at ilang libro at laruan para sa kambal

"Baka hindi kami makapunta. Walang kasama ang mga bata" utas ni Levi. Napatitig ako sa kanya

"Ahm okay lang naman kung sumama ka. Ako na bahala sa mga bata" hindi naman nya kailangan pigilan ang sarili nyang pumunta dahil sa amin. Okay lang naman talaga

"I won't leave you. We could stay in my condo and watch some movies with the kids" utas nya at inakbayan ako

"Or pwede rin na sa amin muna ang mga bata para makasama kayong dalawa. Siguradong matutuwa si Calla kung papayag ka Lili" suhestiyon ni Ate Shaya

"Sleepover? Really?! Sounds fun! Pumayag ka na po Tita Lili" pakiusap ni Calla na bigla na lang sumulpot sa kung saan

"Gusto ko rin po iyon. Pumayag ka na Mama please!" si Macey

"Hindi naman kami magtatagal sa party. Uuwi rin agad kami" dagdag ni Ate Shaya

"Callum will be happy to play with Mason. Pumayag ka na Lili" si Alice

Napatingin ako kay Mason na busy pa rin sa libro nya

"Ahm kakausapin ko muna si Mason"

Dumiretso kami sa condo ni Levi nang matapos ang opening ng café ni Ate Shaya at sa ngayon nga ay naglalagay ako ng ilang damit nila Macey sa bag para sa sleepover nila sa mansyon nila Alice

Hindi ko nga akalain na papayag si Mason. Ang balak ko sana kung hindi sya papayag ay mananatili na lang kami rito sa condo ni Levi at si Macey naman ay hahayaan kong mag sleepover kala Alice. Kailangan kong balansehin ang desisyon ko para sa kanila. Ayokong maramdaman nila na may pinapaboran akong isa

"Let me carry it" kinuha ni Levi ang bag sa akin at sya na ang nagbitbit. Tinawag ko sila Mason at Macey na nasa living room at sinabing aalis na

Excited na tumayo si Macey at si Mason naman ay tahimik na nakasunod sa kanya

"Okay ka lang ba anak?" nag aalalang tanong ko kay Mason. Nauunang maglakad sa amin si Levi na hawak sa isang kamay si Macey

Tumingala sa akin si Mason at tumango

"Opo Mama"

"Sigurado ka? Kung gusto mo ay maiwan na lang tayo rito?"

Umiling sya

"Okay lang po ako. Mag enjoy po kayo sa pupuntahan nyo"

He smiled softly... na parang sinisuguro nya sa akin na ayos lang sya

Humigpit ang hawak ko sa kamay nya at sabay kaming naglakad patungong elevator

Pinindot ni Levi ang elevator button nang makapasok kami. May kasabay kami na isang medyo may katandaang babae

"Anong floor po kayo?" magalang na tanong ko. Hindi kasi sya pumindot kaya naisipan kong tanungin sya

"Sa may 2nd floor lang hija" nakangiting sabi nya

CDS 2: Irresistible DesireWhere stories live. Discover now