Chapter 1

19.4K 530 40
                                    

"NAKS! Babae!"

Umikot ang mga mata ni Cj nang marinig ang boses ni Levi na pumasok na naman sa kwarto nilang dalawa ni Ryker na hindi kumakatok. It's been a long time since they've quit their job and started a new life. Though, Levi started to open a secret business — according to him— he's still into investigating crimes that cannot be solved alone by the government and or looking for someone who can't easily be found. Doon naman ito magaling. And fortunately, nadamay siya at hindi 'yon alam ni Ryker at ng mga magulang niya.

"You didn't knock again. Paano kung hubad ako?" Nakangiwing tanong niya kay Levi.

The brute acted like a gay and flip his imaginary long hair. "Hindi kita pagnanasaan!"

Cj chuckled and offered him a fist bump.

"Naka dress ka, C. Hindi pwede 'yang fist bump mo." Biro nito sa kanya, but he still bumped his fist against her fist. "Another wedding na ikaw na naman ang ka partner ng pinsan ko. Kailan ka kaya magiging bride?" Malalim itong bumuntong hininga.

"Mas mainipin kapa sa akin, Libay!" She playfully punched his stomach.

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa pinsan ko? Gago 'yon. May irereto ako sayo. Mas gwapo kay Ryker!" He indulge her, tumaas lang ang kilay ni Cj, then looked at him sideways.

"I am not interested. Matibay pa naman ang puso ni Ate, kaya ko pa." Cj answered and wiggled her brows.

"Bahala ka. Gusto ka makita ng mga pinsan ko."

Cj fixed her hair, her eyes were glued at her own reflection in the mirror. It's rare to see her like this. Maski siya ay namamangha sa sariling itsura kapag uma-attend sila sa kasal ni Ryker. Her hair was loosely braided, may mga nakalaglag na hair strands sa may tainga niya at maingat 'yon na kinulot, her make up wqs simple yet her face somehow changed.

"Really? I don't want to see them tho, si Rion?" She rudely said and asked about their only woman cousin.

"Hoy Calista, parang hindi mo kami barkada sa inaasta mo ah? Si Rion na ngayon? Itapon kaya namin kayo?" Nagmamalaki na tanong nito sa kanya.

Lumabi si Cj. She playfully cracked her knuckles and neck before she stood up. Ingat na ingat siya sa pagtayo dahil baka mabuwal siya, hindi pa rin talaga siya sanay sa heels!

"I can fight you, Levi." She answered and Levi immediately raised his hands on the air as he smiled innocently at her.

"I concede. Naka dress ka kamahalan, maybe next time. Baka masira ang dress mo at kami na naman ang pagbabarilin niyang future mo." Natatawang pang-aasar ni Levi sa kanya.

Cj sighed. Hindi siya nagbibilang ng araw na magkasama silang dalawa ni Ryker. But, it's been a while... Lagi silang magkasama, magsama sa iisang kwarto, magkatabi sa kama, they talk and they laughed with each other, palaging siya ang tinatawag nito sa t'wing may kailangan ang mga kaibigan nito, pero hanggang doon na lang. She's now turning 30 and up until now, wala pa rin nangyayari sa kanilang dalawa. It's not like she's desperate to have sex. She's desperate to have his affection. Even just a little.

"Sino nga ulit ang ikakasal sa mga kaibigan niya ngayon?" Levi asked.

Pinulot niya ang invitation sa vanity mirror at inabot 'yon kay Levi. Nakilala na niya ang bride noong nakaraan na araw, isinama siya ni Krizzia at Rion sa bridal shower. She's close to Ryker friend's wives. Kahit sa labing lima na kaibigan ni Ryker. They all know her as Ryker's right hand, his tail, dahil kung nasaan si Ryker nandoon din siya.

"Si Kade." She shortly answered.

She's happy for him. Matagal din itong nagpigil sa pag-aakala na step mom nito si Shen. He deserves all the happiness he's feeling right now after his sufferings.

LCS 13: Ryker Zion Ramirez (Completed)Where stories live. Discover now