Chapter 27

13.8K 427 11
                                    

JUST WHEN she wanted to fulfill her promise to Ryker, tsaka naman biglaan na nag-aya ng staycation ang mga magulang nila. They're still planning kung saang hotel or resort sila mag s-stay. She sighed as she watched them talking. Habang si Ryker naman ay nakikinig.

When his gaze caught her. He immediately asked how she feels.

"Can we talk?" She mouthed.

"About what?" He mouthed back.

Cj gently scratch the side of her nose, contemplating whether she'll tell him or not. Pero ganoon pa rin naman 'yon. Ryker raised his brow, waiting for her answer. She gulped and shake his head. Mamaya nalang. Hindi na siya kinulit ni Ryker pero alam naman niya na tyumityempo lang ito.

Binuksan niya ang cellphone niya at dumeretso sa telegram para ichat si Rion. Mahirap kung icha-chat niya ang mga asawa ng mga kaibigan ni Ryker. Doon nalang siya sa malapit. Sa pinsan nito.

Cj: Raaaaaa!

Hindi siya naghintay ng matagal sa reply nito.

Rion: Cj! I miss you but I'm kind of busy, hindi kita magagawan ng cake.

Bahagya siyang napangiti sa chat nito. Kung si Yves hindi napapagod na ipagluto ang mga kumag niyang kaibigan, si Rion naman hindi rin napapagod na ipagbake sila ng cake. Lalo na si Devi na takaw sa kape. Matchy matchy talaga silang mag-asawa.

Cj: Where are you?

Rion: The secret village, we'll be staying here for tonight kasi wala raw makakain sina Laur at Light. Ayaw ipaasikaso ni Ranger kay Angel.

Cj: Kumpleto ba silang magkakaibigan diyan?

She needs to know. Tumayo siya at bahagyang inilihis ang kurtina, palubog na ang araw sa labas.

Rion: Oo, halos dito naman umuuwi ang mga 'to. Bakit pala?

Cj: Pupunta kami.

She bit her lower lip. Paulit ulit niyang binabasa ang reply niya kay Rion.

Rion: Seryoso?! Sasabihan ko ang asawa ko. I'll bake a cake too, hindi na pala ako busy. Ipapabantay ko nalang kay Light ang anak ko!"

She chuckled a little. Nang mapansin niyang nakatingin sa kanya si Ryker agad niyang ibinulsa ang cellphone at bumalik sa kinauupuan niya kanina.

"Why don't we try Deilan resort?" Suggest ni Ryker sa mga magulang nila na nag s-search na sa internet ng mga magaganda at malalayong resort. Parang hindi galing ang mga ito sa mahabang biyahe.

"Cortez?" Her mother asked.

"I heard their resorts are good. The service too." Ani naman ng ama niya.

"I can ask my friend for reservation." Ryker said.

"Son, we only want to unwind, hindi namin sinabi na isara ang resort para sa atin." Agad na pigil ng mommy ni Ryker.

"Ma, they're offering a house to stay in para hindi na ma full pack ang hotel." Ryker answered.

"Really? Kailan pa?" Nagtatakang tanong naman ng Daddy nito. Mukhang nakapunta na sa resort ng mga Cortez.

Cj on the other hand can't help but to feel excitement. Frances always feed them with her Resort's experienced, perks of being a daughter and sister in law of the Cortez. Lahat sila maliban sa kanya ay may experienced na sa isang resort nina Dy. Ang sabi ng mga ito sila ang buminyag sa bagong biling yacht ni Ate Deilan.

"Isang resort palang nila ang nag o-offer noon. So, should I call my friend?" Tanong nito.

Sabay sabay na tumango ang mga magulang nila. And even she agreed to it, kahit hindi naman siya tinatanong. And after Ryker called Dylan, for reservation, finally! Naubos na ang natitirang energy ng mga magulang nila.

LCS 13: Ryker Zion Ramirez (Completed)Where stories live. Discover now