Chapter 10

18.1K 535 12
                                    

CJ WOKE up panting and sweating bullets. Nagsalubong ang kilay niya habang inaalala kung anong klaseng panaginip ang napanaginipan niya para gumising siya na basang basa ang mukha niya, hinihingal at nagpapawis. She calmed her self and roamed her eyes around the room. Hindi ito ang kwarto nila ni Ryker, and Ryker was nowhere to be found.

Sinuklay niya ang magulong buhok gamit ang mga daliri niya bago tumayo at dumeretso sa loob ng banyo. Cj stared at her own reflection on the mirror and saw her not so tired face. Nag-uumpisa pa lang ang araw pero mukhang dumaan na sa gyera ang mukha niya. The consequence of waking up because of a dream she couldn't remember. Nice.

She splashed the water on her face and brush her teeth.

Pamilyar siya sa kwarto. Right now, she can tell that she's occupying one of Light's guest rooms. Walang bagay na hindi alam si Cj pagdating kay Ryker at sa mga taong nakapaligid dito. She also knew that there's a mini village behind this huge house. Cj actually accidentally heard Light's boasting about the mini village new gate.

Pero kahit ganoon, kahit inaaya na siya ng mga kaibigan ni Ryker na pumasok noon, tumatanggi siya. She respect their privacy. Kahit noong nalaman niya na labas masok doon ang mga ka pareha ng mga ito, hindi pa rin siya pumapayag.

"Good morning, breakfast in bed?"

Umangat ang tingin niya nang marinig ang boses ni Ryker. May dala itong maliit na lamesa at may laman 'yong almusal nilang dalawa. Wala sa sarili na napangiti si Cj nang makita ang suot nilang dalawa, the reason why she likes staying here at Light's mansion like house. Kapag dito sila natutulog ni Ryker, palaging terno ang pantulog nilang dalawa. Light really loves acting like Cupid, imbes nga lang na bow and arrow ang dala nito, Cj imagined him holding a fork with two horns on his head.

"Bakit nandito tayo?" She asked. Sumampa siya sa kama at umupo sa harapan nito. While she's waiting for his answer, kinuha niya ang isang sandwich na gawa ni Ryker.

"Trouble."

"Who? Me or you?" Tanong niya ulit habang ngumunguya. Sinamaan siya ng tingin ni Ryker kaya agad niyang tinikom ang bibig niya. Cj even sit properly.

Hindi siya takot kay Ryker. But when it comes to table manners and etiquettes, ibang klase magalit ang lalaking nasa harapan niya.

Tumaas ang kilay niya nang inguso siya ni Ryker. Her eyes widened and look at him with doubt. Mahirap paniwalaan na siya lang, usually, when it comes to trouble, it's either kasama niya ito o ang nakababatang kapatid na si Nyker. Nang makitang hindi nagbibiro si Ryker, agad niyang nilunok ang pagkain na nasa bibig niya at uminom ng juice.

"Bakit ako lang?!" Reklamo niya. "Wait, what did I do? I'm sure it's not about my work. Malinis ako magtrabaho. Walang naiiwang bakas ko." Dagdag niya at nanliit ang mga mata na tumingin kay Ryker.

He rubbed his nape and his lips formed a thin line. "Well, partly this is my fault. I should've brought Levi with us that day."

"Isang event lang ang pinuntahan natin na hindi kasama si Levi." She boredly answer.

"Hm, and I didn't know that Mr. Jocson niece was there and saw you with me. Remember? Tinanggihan ko ang offer nito? To try his niece... And that woman turns out na may problema ito sa you know?" Ryker shrugged and her eyes squinted.

"May maluwang na tornilyo sa utak?" Walang preno na tanong niya rito.

"Language, Calista." He warned. Inirapan niya lang ito at sinenyasan na ituloy ang kwento nito kanina habang kumakain siya. "Levi found out that Mr. Jocson treated his niece like he's own daughter, spoiling her, giving what she wants, even pulling some strings para lang maibigay ang gusto nito sa kanya,"

LCS 13: Ryker Zion Ramirez (Completed)Where stories live. Discover now