Chapter 51

530 65 25
                                    


"We've been walking for ages! Bakit hindi pa rin natin makita?" ang tanong ni Samuel na nauubusan na ng pasensiya.

Napabuntong-hininga na lang si Oslo. Siya man ay nakakaramdam na ng kabiguan sa mga sandaling iyun pero, naroon sa kaniyang puso ang masidhing pagnanais na nagbibigay ng apoy sa kaniyang pag-asa na makikita nila ang daan.

"Makikita rin natin ang daan," ang malumanay niyang sagot habang patuloy sila sa paglalakad sa tabi ng lawa at sinusundan nila ang sanga nito.

"Bakit ba parang ang bilis na magdilim ngayon ng langit?" ang inis na tanong ni Samuel.

"Sadyang mabilis ang pagbalot ng kadiliman sa kanilang lugar, tila ba senyales ito na may madilim na itinatago ang Cross Pines.

"Bakit ba...gumawa pa sila ng bagong daan? Bakit hindi na lang nila tinibag ang pader?" ang taka na tanong ni Samuel sa kaniya.

"Hindi ko rin po alam sir Samuel, pero, ang tanging alam ko lang ay ang mga Cross ang tanging may alam kung paano ito bubuksan," ang kaniyang sagot.

"Pero paano nabuksan ni Shiloh ang nakatabing na bookshelf?" ang tanong nito at bigla itong napahinto sa paglalakad at ganun din ang kaniyang ginawa at nilingon niya ng tingin si Samuel na nakatuon ang mga mata sa kaniya.

"Ang ibig mo bang sabihin... si Shiloh?" ang gulat na tanong ni Samuel nang mapagtanto nitong nabuksan ni Shiloh ang daan patungo sa sinasabi nitong altar.

Tumango siya at umiwas siya ng mga mata kay Samuel saka siya napabuntong-hininga, "oo isa siyang Cross," ang pagtatapat niya. Wala na siyang kailangan na ilihim pa sa mga ito dahil sa nabunyag na ang katotohanan.

"Pero paano nangyari iyun?" ang tanong ni Samuel at nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad habang nagmamasid ang kanilang mga mata sa paligid.

"Nanilbihan po ako sa mga Cross at bago pa mamatay ang kaniyang mga magulang ay nagawa ko siyang itakas," ang kaniyang sagot.

"Hindi ko akalain na... na mayroon ganitong pangyayaring nagaganap sa Cross Pines," ang saad ni Samuel at mababakas sa boses nito ang galit.

"Hindi ko rin po alam noon ang tungkol sa ganitong patakaran sa Cross Pines, nalaman ko na lamang nang kailangan na naming takpan ang daan at itakas si Shiloh na noon ay si Estelle," ang kaniyang sagot.

"Darn! Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari ang ganito," ang sagot ni Samuel at iniiisa-isa nila ang bawat sulok na kanilang madaraanan. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila habang patuloy sila sa paghahanap. Ngunit habang abala ang kaniyang mga mata ay hindi pa rin maiwasan na ang kaniyang isipan ay maging abala sa sandaling iyun at maliban kay Shiloh ay mayroon pang bumabagabag sa kaniyang isipan.

"Bakit mo kami tinutulungan?" ang bigla niyang tanong kay Samuel na lumingon sa kaniyang direksiyon. Saka nito binawi na muli ang mga paningin sa kaniya.

"Bakit ayaw mo ba?" ang tanong nito na sagot. Sandali siyang huminto para tingnan ito at pinagmasdan niya kung paanong naging malikot din ang mga mata nito sa paligid.

"Gusto, kailangan ko ng tulong, alam ko na hindi ko ito kaya na mag-isa at salamat, pero...gusto ko lang malaman ang dahilan, kung bakit mo ito ginagawa?" ang kaniyang tanong.

"Hindi na importante kung ano pa iyun"-

"Anak mo ba si Heaven?"- ang kaniyang putol dito.

Mabilis na natuon ang mga mata sa kaniya ni Samuel at nakita niya ang gulat sa mga mata nito.

"Hindi mo ba siya anak?" ang tanong ni Samuel sa kaniya habang nakataas ang isa nitong kilay.

"Anak," ang kaniyang mabilis na sagot.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora