CHAPTER FOUR

290 14 11
                                    

"Kailangan lang niyang magpahinga. Siguro masyado siyang nastress."

I opened my eyes when I heard an unfamiliar voice. Agad bumungad sa akin ang mukha ng hindi ko inaasahang makita.

"Ryle.." I mumbled.

Inalalayan niya akong maupo.

"Anong nangyari?" I asked and winced in pain. Ang sakit ng ulo ko.

"You fainted," he answered eith a blank expression.

Unti-unti kong inalala ang nangyari. I was about to say something to Ryle but I fainted.

"Soleil! Huwag kang mamatay,please!"

Agad akong napangiwi sa lakas ng boses ni Reigna. Hinawa niya ang kurtina at agad lumapit sa akin.

I rolled my eyes. "Arte mo."

Nagulat ako nang bia niya akong batukan.

"Ayan kasi! Huwag puro aral, magpahinga ka rin," she nagged me for almost ten minutes and when she got tired, we decided to go home.

"Ah, una na'ko," I said and glanced at Ryle. "Ryle, salamat," I smiled to cover up the nervousness I felt.

"Hindi mo man lang ba," Reigna cleared her throat exaggerately, "ihahatid?"

My eyes widened and immediately shook my head.

"Hindi na kailangan," usal ko. "Sasamahan mo naman ako diba?" tanong ko kay Reigna.

"Huh? May bibilhin pa ako," pagtanggi niya at agad kumaripas ng takbo paalis.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin.

I cleared my throat and broke the silence.

"Una na'ko," paalam ko at tumalikod. Hahakbang na sana ako paalis nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Reese..."

Reese. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako tinawag na Reese. Everyone preferred to call me Soleil but he was the first one to call me Reese.

Ang sarap sa pakiramdam.

"Hmm?" lumingon ako sa kaniya.

"Hatid na kita," aniya.

"H-huwag na, malapit lang diyan ang bahay namin," I waved my hand to refuse but he insist.

Kaya wala na akong nagawa.

We were walking on the side of the street. Tila nabingi ako sa mga ingay sa paligid, ang tanging naririnig ko lang ay ang magkasabay ng tunog ng sapatos namin.

Dumistansiya ako sa kaniya nang dumikit ang balikat namin.

"Nagpaulan ka kagabi?"

Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. It was the first time that he started the conversation.

"W-wala akong dalang payong," sagot ko.

Ilang segundo pa bago siya magsalitang muli.

"Sa susunod, magdala ka ng payong," he nagged like an older brother.

My heart warmed.

Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa makarating kami sa bahay.

"S-salamat.." I mumbled as I opened the gates.

I held my chest and sighed heavily. Kumaripas ako ng takbo paakyat sa aking kwarto.

I opened the window and I was shocked when he was still there. Nag-angat siya ng tingin at lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin.

On Your Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon