Chapter 1 - Unknown

51.8K 764 178
                                        

Xamarah's POV:

Kakatapos lang ng klase ko at pinapunta agad ako ng vp namin sa Dean's office at dahil sa kagagawan ng mga nag bubully sakin na ako ang binintangan. Pang ilang beses na ako natawag dito sa Dean's office dahil sa mga katangahan na ginawa nila.

Mga walang magawa sa buhay, kundi gumawa ng mga katarantaduhan. Sarap birahin eh.

Mahilig sila mang bully dahil ayaw ko sila pakopyahin at gawin ang mga project namin na pinapagawa sakin at dahil dito pwede maapektuhan ang scholarship ko, ngayon may ginawa nanaman sila na katarantaduhan dahil tumanggi ako sa gusto nila. Nalaman ko rin sa leader 'kuno' nila na gusto nila akong ibully dahil top 1 ako sa klase at lagi na lang daw ako nag rerecite at in time mag pasa sa lahat ng requirements. Jeez can't they do it in a fair way?

Mga inggit hindi talaga kaya pumilit, kundi may gagawin para lang sirain din ako. Mga hindot.

Kumatok muna ako ng ilang beses at bumuntong hininga at sana hindi ako mawalan ng scholarship dahil sa mga taong to.

"Come in" saad ng nasa loob at pumasok agad ako. Nakita ko naman ang tatlong lalaki at ang isang babae na 'leader' nila kong tawagin.

Ngumisi naman siya nang makita ako at nang ibaling na niya ang tingin sa Dean namin naging malungkot ang mukha nito. Inang yan.

Our Dean motioned the chair for me to sit. Agad naman akong umupo at tumingin sakanya. Okay here we go again.

"I think you know why you're her Miss Alfonso" pag uumpisa niya at tumango naman ako. "Why do you keep doing this? Haven't I told you it's not an appropriate thing to vandalize in our restrooms and tama bang gawin ito ng isang presidente?"

"Pa-pasenya na po" sagot ko at yumuko. Hindi ako pwede umamin at baka mapahamak pa ako. Pag isang maling galaw ko lang kasi, ang mga lalaking kasama niya pagsusuntok s-suntukin at sasampalin ako ng mga ito. Ayaw ko nang makita ako ng ina ko ng ganito dahil ayaw ko ng siyang mag alala pa.

"I need to talk to your parents right now" agad naman nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ito pwede nasa bahay lang si mama at nakahiga dahil hindi niya kaya kahit tumayo lamang at may sakit siya. Wala rin naman akong ibang kapamilya kong hindi siya lang hindi rin naman ako close sa mga tito and tita namin both side.

"I'm sorry po pe-" naputol ang sasabihin ko ng may magbukas ng pinto at may pumasok na isang babae. Isang napakagandang babae at siya na ata ang pinakamagandang babaeng ang nakita ko sa tanan ng buhay ko.

She's tall like about 5'10 and has a sharp jawline, pointed nose, pinkish and kissable lips? Gosh why am I even looking at her like that. Agad naman akong nabalik sa wisyo ng lumapit ito at umupo sa tabi ko.

Parehas naman kaming maganda eh to be honest.

Agad naman nagulat ang lahat na nasa opisina ng Dean at yumuko sila sa katabi kong babae. At sino naman siya para gawin nila ang ito sakanya. Pati mga nag bubully sakin nakayuko rin.

Bakit kaya nila ginagawa 'yan?

Yuyuko rin ba ako? Eh hindi ko naman siya kilala o kaano ano eh.

"I'm her guardian" saad niya na ikinagulat ko. H-huh? Pano iyon? At pano niya nalaman na kailangan ko nun para lang dito.

"So what's the matter here?" Sha asked while intently looking at me. Gosh her eyes is so captivating, I've never seen this kind of eyes.....so beautiful.

"Wa-wala naman po President" nauutal na saad ng Dean. Huh? Ganun ba katakot ang presenya ng babaeng ito sakanya. At kailan pa natutong magsinungaling ang Dean namin?

Wait what?!?! President???

Siya ang presidente ng paaralan namin?!

Ni hindi man lamang ako nag bigay respeto or what!

Echoes Of Yesterday Where stories live. Discover now