Chapter 34 - Interested

6.8K 128 11
                                        

"Hey your alarm's been ringing you should wake up" Vesela tapped me on my shoulders. Saglit muna umunat unat ako bago ako tuluyang tumayo at nag ayos.

Hindi ko namalayan naka tulog nanaman ako sa kama ni Eona pero naka upo. Kaya parang puputok na likod ko.

"You should sleep next time in the bed" Wika niya na ikinatango ko rin.

Kumain na muna ako, nakita ko din naman kasi na may pagkain na sa lamesa at alam ko kinuha 'yon ni Vesela.

Hays swerte ang mapapangasawa niya kung sakali man.

Ito nga na kaibigan ko palang ay kahit hindi mo makikita sa expression niya ang ka sweetness and caring niya ay nasa gawa niya naman ito.

"By the way Jhaine told me na may pupunta daw na isang Doctor dito just to check Ma'am Samson and she said she is close with her"

"Kilala niyo ba?" tanong ko nang matapos na rin akong kumain.

Umiling siya bilang sagot.

"I'll go sa bahay muna I need to get my things" Wika ko kay Vesela at bago kami umalis ay hinalikan ko muna ang noo ni Eona and bid my goodbye kahit hindi niya man makita o marinig mula saakin.

Nang makarating sa bahay ni Eona ay kinuha ko na ang mga kailangan ko for work, doon na rin ako naligo at kumuha ng spare na damit kasi nakikita ko pakonti konti ay nauubusan nanaman ang supply na mayroon sa Hospital.

Its been a year at heto nag hihintay pa rin kami kay Eona for her to be responsive once again. Lahat talaga kami ay bantay sarado sakanya dahil gustong gusto na talaga namin siyang makapiling at makasama. Ilang araw na lang din ay Christmas na pero wala pa rin talaga.

Pero mataas pa rin ang hopes ko na magigising na siya. Ang tiwala ko ay nasa Diyos lamang at walang iba pa.

Mas nagiging busy na rin ako sa work dahil mas dumagdag ang task ko, sinabihan naman ako ni Adriana na sabihan ko lang siya kung nahihirapan ako sa trabaho at babawasan niya daw at ibibigay sa iba.

Kaso naman ang unfair nun kaya kakayanin ko na lang.

Sinabi niya iyon dahil baka pag nakita daw ni Maxine na pinapahirapan niya ako ay baka sapukin daw siya. Takot din pala ito sa cousin niya eh.

Binilisan ko na dahil ngayon din naman ang pag bunot namin para sa manito manita, eh pano ba naman malapit na talaga mag Christmas.

Kahit isipin mang nakakalungkot para saakin or saamin ni Baby Via ang pasko ay susulitin pa rin namin.

Batang iyon! excited na akong makita siya. Kahit pilitin ko man makita ngayon ay mashado pa akong busy, at mamaya rin ay bibili ako ng mga regalo at baka makita ni Baby Via at baka gusto na makita ang regalo na ibibigay ko.

Aside from that lahat ng mga kaibigan ko bibigyan ko din.

Lahat kami ay sa hospital mag papasko. Sinabihan ko naman na sila na kahit huwag na at sa pamilya na lang nila, pero mas naiintindihan daw nila ang nararamdaman ko at ayaw nilang kami lang ni Baby Via ang magpapasko kahit hindi pa gising ang nanay niya.

"Sino nabunot mo?" Yvi squealed namg nakuha niya ata ang gusto niyang mabunot.

"Si Jordan" simple kong tugon. Si Jordan lang naman yung ka-close rin ni Yvi dahil mag friend sila nung college times din.

"Wow shala ano ba gusto niya, like ano ba nasa wishlist niya?" takang tanong naman ni Yvi at para talagang bata kung umakto ito.

"Wala nakalagay lang naman pangalan ko sa papel eh"

Guess he likes me. I'm not that dumb.

But no I'm not available anymore, it's been so long since I wasn't available. May nagmamay ari na saakin.

Echoes Of Yesterday Where stories live. Discover now