Part 10

6.1K 169 11
                                    

Fire and Ice (Part 10)

"Mam Ryne? Anong gin....pano kayo nakapasok?" Nagtataka at nagulat akong bumangon ng makita ko sya.

Nakaupo lang sya at hindi ko mawari kung nakangiti ba sya or seryoso lang talaga na nakatitig. Ang ganda nya, naka formal sya ng dami, naka ayos ang buhok. Mukang kakagaling nya sa isang formal na event dahil posturang postura ang datingan nya. Amoy na amoy pa sa buong apartment ang perfume nya. Napaka sophisticated ng itsura nya sa mga oras na yon.

At the same time, nakaka tense, ang tagal nyang nakatingin sakin, hindi nya sinagot ang tanong ko. Nabigla ako sa pagbangon na parang nalimot kong masakit ang muscles ko lalo yun sa tyan kaya napahawak ako dito dahil nakaramdam ako ng kirot sa tyan. Si Bry naman ay unti unti na ring nagising.

Bry: Ryne? Anong ginagawa mo dito?

Ngumiti ng bahagya si Mam Ryne, parang sarcastic na hindi mawari ang ngiti nya.

Ryne: Sabryna...bakit hindi kapa umuuwi?

Bry: Gusto kong siguraduhin na magiging ok si Ash, sinamahan ko muna sya.. Wala namang masama dun diba?

Ryne: Ashley, sasama ka sakin. Magdala ka ng damit mo pang 3 days.

Bry: San kayo pupunta? Saka diba nasa Laguna ka dapat ngayon, guest ka ng anniversary ng isang company mo ngayong gabi, bakit nandito ka?

Ryne: Pumunta na ko kanina, umalis lang ako agad. Si Kianne na ang bahala dun.

Hindi pa ako kumikilos that time, isasama nya ako at saan na naman? Parang huminto ang ikot ng mundo ko nang makita ko syang muli. Ayokong sumama, masakit pa ang katawan ko, hindi ko kakayanin kung mauulit ang nangyari last night. Pakiramdam ko nung moment na yon ay papawisan ako ng malamig, kinakabahan ako ng malakas presensya ni Mam Ryne.

Bry: San mo dadalhin si Ash? Ryne naman, kakagaling lang namin sa hospital, ano na naman to?

Ryne: Do you think I care?

Bry: Please naman Ryne, hayaan mo muna sya, kahit hanggang maging ok lang sya. Ang sabi ni Doc Tony atleast 5 days kaylangan nya ng pahinga. Kaya hindi rin sya papasok sa Monday, baka next week na.

Saturday na kasi nun araw na yon. 5pm na pala pag check ko sa relo ko. Tumayo ako mula sa pag kakaupo sa bed. Malungkot na naman ako, natatakot para sa mga susunod na mangyayari at umaasa na huwag pumayag si Bry na kuhanin ako ni Mam Ryne.

Ryne: Ah...5 days, Ashley pang 5 days na ang kuhanin mong damit. Dalian mo, wag mo akong paghintayin.

Bry: Ryne, mag usap nga muna tayo sa labas. Sige na please.

Tumayo naman si Mam Ryne at pumunta muna sila sa labas ni Bry. Naiwan ako sa loob. Nag darasal na sana walang mangyaring masama sa gabi na yon. Parang maiiyak na naman ako sa sobrang takot. Ayokong ng maulit ang nangyari. Naupo ako muli sa bed, naghintay sa muling pagpasok nila at kung ano ang resulta ng kanilang pag uusap.

Ilang sandali pa ay pumasok na ulit sila.

Bry: Sige na Ash, ayos kana ng mga damit mo, sasama ka daw kay Ryne.

Para akong nanghina sa narinig ko. So hindi nagtagumpay si Bry at si Mam Ryne pa rin ang nasunod. Kumilos nalang din ako agad habang si Mam Ryne ay umupo ulit at nag oobserve ng paligid. Nag empake ako ng mga damit, at nag bihis na rin ng mabilis. Ang sakit sakit pa rin ng katawan ko, at ngayon pati puso ko ay kumikirot na rin. Kung gaano naging payapa ang isip ko habang kasama ko si Bry maghapon, ay biglang gumuho ng umeksena muli si Mam Ryne.

Habang nasa CR ay naririnig ko ang usapan nila.

Ryne: For the record, wala pang taong namatay sa kamay ko, siguro kung hindi mo sya nadala agad sa hospital, baka ngayon meron na. Thank you Bry, for always cleaning up my mess, and saving my ass all the time.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Where stories live. Discover now