Part 26

4.5K 138 18
                                    

Fire and Ice (Part 26)

"Ash, use this car, yung blue, pag papasok ka. At pag coding naman, use the red one."

Isa sa mga bilin ni Boss Ryne bago sya umalis patungong Cebu, para sa 5 day-business trip na gaganapin sa isang affiliate company na hawak nya, naka based sa Cebu.

7 am na that time, papasok na ako sa office at papunta na rin sya sa airport. Dala nya ang isa pa nyang car at dun na rin mag papapark kaya hindi ko na sya kaylangang ihatid. Pero bago kame mag hiwalay palabas sa kwarto ko, lumapit sya sakin.

She kissed me. Kala ko smock lang ang gagawin nya dahil pareho kame na dapat ng magmadali. Pero ang init ng halik na binigay nya. Ramdam ko ang pag kagat at pag sipsip nito sa mga labi ko at pagpasok ng dila nya sa bibig ko. Nakakapang init kahit hindi naman ito nag tagal at naghiwalay ang aming mga labi kasabay ng rin ng paghihiwalay namin sa mag kaibang sasakyan.

Second day nya sa Cebu, coding ang blue car sa araw na yun. Naisip ko ang bilin nya na gamitin ang red pag coding. Pero nahihiya na kasi ako sa mga kawork ko na nakakakita na may ginagamit akong sasakyan, at ayaw naman nilang maniwala na hindi ito sakin. Mas mahihiya ako pag ginamit ko ang red dahil alam na alam nila na ang may ari nun ay si Boss Ryne.

Nung bandang hapon na habang nag aabang ako ng masasakyan pauwi, dahil mas pinili ko nalang mag commute, may isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa harap ko. Hindi ko maalala noong una kung kanino ito pero bigla kong naisip na sasakyan ito ni Kianne. Sabay baba nito ng bintana.

Kianne: Hatid kana namin Ashley!

"Namin" May kasama pa sya? Bulong ko sa sarili ko.

Nang biglang bumukas ang pinto at nandun pala ang 2, si Shayne at Louise. Bumaba ang 2 at inakbayan ako.

Louise: Ash hatid kana namin sa apartment mo.

Apartment? Di pa yata nila alam na nakatira ako sa condo ni Boss.

Me: Wag na, sasakay nalang ako. Saka may pupuntahan pa ko eh.

Shayne: Nagpaalam na kame kay Ryne, kahit tanong mo pa sa kanya. Tara na, may pupuntahan tayo..

Kahit may alinlangan naisakay pa rin nila ako. Pagkaupo sa sasakyan ay ilalabas ko na sana ang cp ko para iconfirm kay Mam Ryne na kasama ko na ang 3, kung totoo nga na alam nya. Kaso biglang kinuha ni Louise ang cp ko. At dun ako nag start kabahan.

Nagtungo kame sa isang bahay sa Mandaluyong. Based sa mga naririnig ko ay bahay ito ni Kianne. Tinatanong ko sila ng maayos kung san at bakit kaylangan pa nila akong isama sa lakad nila. Sabi naman nila mag jojoin lang ako, pero masama ang kutob ko. Masyadong maraming kalokohan ang 3 na ito pag nagsama sama sila.

Nag aalala ako pero wala akong magawa. Kahit manlang sana ibigay nila ang cp ko. Gustong gusto ko na ipaalam kay Mam Ryne ang pangyayari. Pag pasok sa bahay, tumungo kame sa isang kwarto.

"No way" Bulong ko sa sarili ko. Mukang may ibang balak ang 3 ito. Sh*t!!

Kianne: Dito ka muna Ashley, siguro mga 2 days ka naming hihiramin. Nabitin kasi kame nung last time eh, tutuloy lang natin.

Me: May pasok pa ako bukas. Saka pahiram naman ng cp ko, please lang.

Louise: Alam nga ito ni Ryne. Relax ka lang dyan. Hintayin mo kame, pwede kang mag bihis, mag shower gamitin mo ang mga damit dyan. Kasi dito ka muna titira ng 2 days.

Umalis silang lahat at iniwan ako sa room. Sinubukan kong lumabas pero kinulong nila ako sa loob. F*ck!! Hawak nila ang cp ko. Bigla kong naalala ang bilin ni Mam Ryne, "pag coding, use the red one" Sh*t talaga!!! Sana nakinig nalang ako, hindi nila ako basta basta makukuha kung gumamit nalang ako ng sasakayan.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Where stories live. Discover now